CHAPTER 1: Pharsa

40 4 4
                                    

CHAPTER 1:


Hunyo 17 2019 (7:00 a.m.)

Renz's POV:

Pagkalabas ko ng kuwarto ay dumeretso na ako sa baba para kumain. "Dapat hindi ka mahuhuli sa klase mo. Nako, ikaw bata ka!" panenermon ni Mama.

"Oo nga, Kuya!" Naka-pout na reaksyon ng aking kapatid.

"Kumain ka na nga lang." Nayayamot na tugon ko saka sumubo ulit ng kanin.

"Unang araw niyo sa eskwelahan ngayon kaya dapat hindi kayo mahuli sa mga klase niyo," paalala ni Mama. "Renz, sunduin mo agad 'yang kapatid mo ha," dugtong niya pa. Tumango na lang ako bilang sagot.

Nang matapos na kami ni Kian sa pag kain ay agad kami humalik sa pisngi ni Mama saka umalis ng bahay.

"Kian, parang ayoko pang pumasok," saad ko habang naglalakad kami papunta sa paaralan.

Takang tumingin naman sa akin si Kian, "Bakit, Kuya?"

Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Ayokong makita mga ka-klase ko."

"Bakit naman Kuya? Ako nga, nashashabik kashi makikita ko nanaman mga beshiesh ko!" Masayang saad niya.

Sana ako din, kung alam mo lang Kian.

Siya nga pala si Kian Natalia Castaneda. Bunsong kapatid ko na paborito ni Mama at maraming kaibigan; laging pag 'S' word ay lalagyan ng 'H'. Kabaliktaran ng situwasyon ko.

Si Papa naman ay nasa abroad; game tester kasi siya. Gusto kong maging katulad niya; mahusay siya sa mga teknolohiya at sa mga laro kagaya ko; madalas pagalitan ni Mama.

Bukod sa laro ay mahilig ako sa social media, gaya ng Music.ly, Peysbook, Picstagram at Tweeter pero wala akong Tweeter dahil nakiki-Tweeter lang ako kay Kian.

Si Kian ay napaka adik sa Wattpad at sa mga libro. Ipinangalan sa amin ni Papa ang mga karakter sa Heroes Saga Mobile; mahilig siya dito. Si Mama naman ay 'yung nagustuhan niya lang; mahilig sa Wattpad si Mama kaya hindi ko kasundo kaso wala sa Wattpad 'yung pangalan ko maliban lang kung may gagamit ng pangalan ko sa Wattpad. Si Kian naman, sa kanya ipinangalan ni Mama 'yung paborito niyang manunulat-Kian Writes, pero alam ko may kasunod 'yon eh.

Hmm... Siguro ... Wipi. Teka, double U, P. Ah basta! Wipi basa ko doon! Alam ko na! Kian Writes WP. Oh, 'di ba ang galing ko?

Naunang pumasok sa loob ng silid-aralan si Kian samantala ako ay kinakabahan parin. "Ehem!" akma ko nang bubuksan 'yung pinto ng classroom namin na nasa pangatlong palapag nang may narinig akong pag-ubo sa likuran ko ay lumingon ako at nakita ko 'yung pinaka ayokong makita.

"Tatabi ka o pagbubuksan kami?" maangas na tanong niya habang nakatitig ng masama sa akin. Umatras na lang ako para mabigyan sila ng espasyo.

"Tabi," nakangising saad ng isang kasama n'ya. Lumayo na lang ako saka muling pumasok sa loob ng silid.

Umupo ako sa upuan ko nang may mapansin akong may naka-upo, "Ahh... Excuse me, miss? Dito po ako naka-upo," hinarap niya ako at doon ko lang natitigan ang kaniyang mukha na napaka ganda: maputi, mapulang labi, may pagka-kulay tsokolate ang buhok na mahaba at tuwid, matangos ang ilong at-blue eyes?

Bakit asul? Siguro may lahi 'to.

"Uhh... Gano'n ba? Sige, lilipat na lang ako," akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya.

"A-ako na lang po ang lilipat," nanatiling nasa kaniya ang aking atensyon.

"Hindi ako na, nakakahiya naman. Ako transferee tapos ikaw ay matagal na rito. Pero-'di ba, ngayon pa lang ang simula ng klase pero bakit mo nasabi na dito ka naka-upo?" tanong niya.

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now