CHAPTER 13: HESM

13 4 0
                                    

CHAPTER 13

Renz's POV:

NILIBOT KO ang paningin ko, at nakita kong nasa loob ako ng internet. Nakita ko agad ang simbolo ng Goggle at ng iba pang apps na siyang mga logo ng naglalakihang building sa paligid. Parang nasa siyudad ako ng mga app.

Naglakad-lakad ako, naglibot. Nakita kong may mga escalator din pala rito. Ngunit ang siya talagang nagpagulat sa akin ay ang mga emoji na naglalakad.

Totoo ba ito? Kinurot ko ang aking sarili upang malaman kung totoo ba ito o panaginip lang.

Naglakad ako papunta sa Goggle Search.

"Hello, Goggle."

Para naman itong nagising at agad na nag-activate. "Hello, Renz. Ano ang aking maitutulong?"

"Gusto ko malaman kung nasaan ako."

"Nandito ka ngayon sa loob ng Cyberzone kung saan puwede mong baguhin ang sarili mo sa kung ano ang iyong nais. Maaari mo ring libutin ang mundo ng internet at devices. Maaari kang dumaan sa istasyon palabas ng internet upang makapunta sa devices ng mga tao. Ngayon ay nasa account at device ka ni Renzargus05@gmail.com."

Nagpasalamat ko saka naglakad palayo upang tanawin ang lahat.

"So heto pala ang internet world. Pero bakit hindi pa ako nagiging Pixel? Anyong tao pa rin— teka." Tinignan ko ang aking kamay. "Naka-animated ako!"

"Hello, Sir! Mayroon kang sampung mensaha mula kay Jane!" Napaatras ako sa gulat nang biglang sumulpot ang isang ad. Pinindot ko ang X button sa ibabaw ng robot ad, at naglakad ulit ako.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa Heroes Saga Mobile app. Nakita kong may daanan papasok kaya't pumasok na ako.

Pagpasok ko ay nakita ko agad ang lobby kung saan makikita ang mga nakalutang na mga islang naging battleground ng mga hero.

Lumapit ako at tumalon sa isang isla. Lumutang ako sa ere at biglang nagkaroon ng gears, kulay berde at itim na armors, at weapon na pangkalawit ng kalaban. Naroon din ang emblem sets ko. Nakita ko rin na Zargus ang naka-label na pangalan sa 'kin.

Teka... naging hero ako bigla?

Pagkatapos ay nagteleport kaming mga hero sa isla habang naglo-loading pa.

"Mag-core ka, Zargus." Nagulat ako nang biglang nagsalita sa tabi ko si Granger.

Ang core ay patukoy sa pagpaslang ng isang hero o karakter ng larong ito sa demon turtle na lilitaw mamaya.

"Sige."

Napansin kong si Dumangan, Idianale, Anitu Tabu, Dumakulem, at ako ang magkakakampi, at kami ay nasa asul na koponan. Habang naghihintay kaming mag-load ang laro ay biglang nagsalita ang tagapagbalita.

"Welcome to Heroes Saga Mobile, mayroon kayong limang segundo upang maghanda papunta sa battlefield. Handa!"

Nang matapos na ang loading screen ay nakita na namin nang malinaw ang battlefield.

"Lahat ng mga hukbo ay nasa posisyon."

Sa isang isla ay may bottom lane, middle lane, upper lane, at express lane. Ang bottom lane ay mga daanan sa ibabang parte ng isla, at malapit ito sa spawn point kung saan lumilitaw ang karakter 'pag namatay o 'pag nagsisimula ang laro. Ang middle lane ay daanan sa gitna kung saan maraming tore ang pumoprotekta sa lugar ng kalaban. Bawat hukbo ay may mga tore sa kanilang lugar upang protektahan ang main base o ang tore sa spawn point. Kapag nasira ang main base ay malalaman kung sino ang nagwagi sa laro.

Inside the Online World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon