Nova tried to calm him down, "Nico, kumalma ka---"

"Paano ako kakalma kung may posible na namang mamatay?!"

Napaiwas siya ng tingin sa dalaga nang makita ang ekspresyon nito. Huminga nang malalim si Nico at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at kabado niyang inisip ang mga posibilidad. May matatagpuan na naman ba silang bangkay bukas? May mamamatay na naman ba sa kasong hawak niya?

Fuck this guilt.

'Kung malalaman ko lang sana ang motibo ni Cassio, maaari namin siyang pigila----'

"STOP THE CAR!"

Nagulat ang pulis na nagmamaneho sa biglaang pagsigaw ni Nico. He immediately stepped on the brakes. Maging sina Inspector Ortega at Detective Nova ay nagulat sa ginawa ng binata. Halos matumba sila sa pwersa ng biglaang paghinto. Nova glared at him, "Nico, ano bang nangyayari sa'yo?! Gosh! You're acting like a total jerk again!"

Nico ignored her and hurriedly ran out of the car. It was pitch dark outside. The first day of March paved way for a more humid feel in the air. The cool night breeze was gradually fading away as summer slowly approached. Mabilis na yumuko si Detective Nico at kinuha ang isang bagay na kuminang sa sidewalk. You can barely spot it at first, but the nearby lamp post made it visible. A faint glint amidst the darkness.

Iniangat ito ni Nico at sinuring maigi.

Mabilis siyang nilapitan ni Nova at Inspector Ortega. Nang makita nila ang bagay na hawak ni Nico, lalo silang naguluhan.

"A necklace? Ano naman ang kinalaman nito sa kaso, Yukishito?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"Not just any necklace, chief. Ito ang kwintas na suot ni Minnesota Gervacio." Nico smirked and scanned the silent neighborhood. Hindi siya maaaring magkamali, his memory takes in every single detail. At malaki rin ang posibilidad na hindi ito "nagkataon" lang.

Nanlaki ang mga mata ni Nova sa narinig at mabilis niyang kinapa ang kanyang baril na nakatago sa loob ng kanyang jacket. Delikado na at baka biglang sumulpot ang kidnapper! Her sharp eyes narrowed, "Sa tingin mo ba, may kinalaman si HK sa kidnapping na 'to?" She asked as they started scouting the area.

Nico searched the ground for any footprints. Napansin niya lupa. 'May kinaladkad dito.'

"Hindi ko alam... Pero mukhang malalaman natin, Nova." Sabay turo sa isang lumang bodega. It was outside an empty house that had a sign "bank property" plastered in front of it. Huminga nang malalim ang dalawang detective at maingat na nagtungo sa bodega. Nico grabbed his gun from its holster and observed their surroundings.

Nang masigurado nilang walang nakaabang na panganib, maingat nang sinimulan ni Nova ang pagbubukas ng lock. She cursed under her breath, "If someone's gonna leap out and attack us, I'm gonna blame you for it." Pagtataray niya sa binata.

Ngumiti si Nico at kinasa ang baril. "Sure. If we survive a surprise attack, I'll even let you blame me for global warming."

"Because you're polluted?"

"No, because I'm hot." Mahinang sagot ni Nico na ikina-inis naman ng dalaga. Pero kahit na ganoon, masusi niyang pinakiramdaman ang paligid nila. Wala siyang maramdamang panganib. Mukhang nakaalis na ang kidnapper.

Isang mahinang "click" ang narinig nilang dalawa, kasabay ng pagkalas ng lock. The door opened with a creak, and the two detectives became alert. Madilim ang loob ng bodega, ngunit kapansin-pansin ang linis nito.

It was too quiet.

Nanlaki ang mga mata ni Nico nang mapansin ang dugo sa sahig. A trail of blood stained the wooden floor, inching towards a corner of the room. Agad niyang kinapa ang light switch at nang masinagan na ng liwanag ang buong silid, napamura na lang si Detective Nico Yukishito.

"What in the name of Sherlock's grave?"

Mula sa kanilang likuran, narinig niya ang pagtawag sa kanila ni Inspector Ortega.

"Found anything?"

"Nahanap na namin siya, chief," Ang tanging sagot ni Nico, hindi inaalis ang mga mata sa katawan. His eyes studied the entire room. Everything is well-organized. He spotted several pairs of shoes and potential murder weapons neatly aligned near the wall, "at mukhang nahanap rin namin ang lungga ni Cassio Salvador..."

Mabilis na nilapitan ni Nova ang dalagang nakabulagta sa sulok. "INSPECTOR! MASYADONG MARAMING DUGO ANG NAWALA SA KANYA!"

A pool of blood on the floor. Exsanguination. Loose 20% of your blood and you'll suffer a hemorrgahic shock; loose two-thirds of your blood and it's enough to kill you. A slow and painless death.

Just then, Inspector Ortega rushed inside. Natataranta sa mga pangyayari.

"Anak ng----"

"Mahina na ang pulso niya!"

"Kailangan natin siyang madala sa ospital!"

Maputla na ang mukha ni Minnesota Gervacio at nakagapos pa rin sa kanyang mga kamay at paa ang barb wire. Naikuyom ulit ni Nico ang mga kamao sa galit. His hands started shaking as guilt and anger fueled him.

'Have I failed again?' Damn it.

"Hindi magtatapos ang kwentong 'to nang hindi ka mananagot sa mga ginawa mo, Cassio."

Ibinulsa ni Nico ang kanyang baril at dinaluhan sina Nova at Inspector Ortega. They tried to stop the bleeding and freed her arms and legs. Minnesota's life is now slowly escaping her body---like the blood pouring out of her wound.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon