Capitulum 34

2.1K 152 10
                                    

Eastwood
10:05 p.m.

Sa pagkagat ng dilim, nakapangingilabot na katahimikan lang ang namayani sa buong lugar. Sa kabila nito, naririnig pa rin ni Thami Esteban ang patak ng kanyang dugo sa sahig. Blood drops, carelessly splattered on the floor of the abandoned warehouse. Matagal na siyang tumigil sa pagsigaw. Matagal na siyang tumigil sa paghingi ng tulong.

Matagal na ring natuyo ang luha sa pisngi niya.

Malalalim na paghinga. Hindi na niya alintana ang pagkalam ng kanyang sikmura. Food is the least of her priorities now. It's hard to think of anything else when your life is in danger.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Her arms are almost giving up. Earlier, Thami swore she heard a crack in her joint.

Nakasalambitin siya mula sa kisame ng warehouse, arms tied up in chains above her. Higit isang araw na niyang iniinda ang posisyon niya, at ang malaking sugat sa kanyang dibdib.

'Paano ako makakatakas dito?'

Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya magawang alisin ang telang nakatakip sa kanyang bibig, halos bumaon na sa kanyang balat sa higpit ng pagkakatali nito.

'Isang demonyo sa lupa...' Bulong ng kanyang isip nang maalala ang hitsura ng lalaking gumawa nito sa kanya. Walang-buhay ang mga mata nito, at walang-awa siyang kinaladkad dito.

Thami has heard rumors from her boyfriend---her real boyfriend---before. Ang sabi nito, mayroon daw serial killer sa Eastwood. Kilala sa pangalang "Heartless Killer" na pumapatay ng mga babae. Noong una, ayaw maniwala ni Thami.

But now, here she is... witnessing the nightmare herself.

"Sorry I kept you waiting, Miss Thami. I'm surprised you're still alive with all that blood loss."

Nanlaki ang mga mata ni Thami sa pamilyar na boses. Binalot na naman ng takot at kaba ang kanyang puso. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang yabag ng mga sapatos. Papalapit sa kanya.

Hindi niya gusto ang dala nitong bagay.

'Shit!' Gamit ang natitira niyang lakas, sinubukan niyang magpumiglas sa pagkakagapos sa kanya. Her attempted screams were muffled by the dirty cloth. Nanghihina na siya't nauubusan na ng hangin sa katawan.

Natawa ang lalaki. Isang malalim at makapanindig-balahibong pagtawa.

'He has the face of an angel, but the soul of the devil.'

Sinong mag-aakalang magagawa ng lalaking itong pumatay ng tao?

"Mas gusto ko sanang gawin ito nang patay ka na, pero masaya rin namang tanggalin ang puso mo habang humihinga ka pa."

That evil glint in his eyes. May kinuha siyanv lamesita sa isang sulok at inayos muli ang ilang kagamitan doon. Mahinang napamura ang lalaki at inayos ulit. 'He seems to be obsessed with organizing.' Kalaunan, binalingan ulit siya ng Heartless Killer at hinarap sa kanya ang isang patalim.

The knife had dried blood on it.

She cried when the blade cut through her flesh.

"Everything is going just as planned. Ilang araw magmula ngayon, makakapaghiganti na rin ako sa kanya." The man laughed demonically and drove the blade in. Pakiramdam ni Thami ay malapit na siyang mawalan ng malay.

And he stabbed her.

Again, and again...and again.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now