Capitulum 35

2K 138 0
                                    

W E D N E S D A Y

---

February 27, 2019
Eastwood
4:45 a.m.

Kanina pa natapos ang night shift ni Minnesota Gervacio. She yawned and stretched her arms, a diet soda in one hand. 'Bakit pa kasi nagka-emergency pa kanina? 'Di na naman tuloy ako nakauwi agad!' Alam niyang masama sa kalusugan ang pag-inom ng softdrinks nang wala pang laman ang tiyan, but could you really blame her? She's been struggling with her graveyard shift lately and she needs something to wake her up.

"Buti pa si Fe, gising na gising," mapait niya pag-alala sa inaasta ng kaibigan. Kung kahapon ay naghihinala siya kung may kalandiang iba ang matalik na kaibigan, ngayon sigurado na si Min na kumekerengkeng na naman si Feralda.

"Pasalamat siya't 'di kinakalkal ni Renzo ang cellphone niya. Tsk!" Humikab muli si Min at dinaanan ang isang eskinita. Ayaw sana niyang dumaan dito, pero itong lugar na 'to ang pinakamalapit sa sakayan.

The nurse was about to text her mother when she smelled something rotten.

"Masangsang... Parang nabubulok na karne?" Napahinto siya sa tapat ng maruming eskinita. The moment she spotted what caused that foul stench, agad niyang nabitiwan ang kanyang cellphone.

Even her soda can landed on the floor, the beverage spilled on the dirty pavement.

Kasunod nito ay ang pagsigaw ni Minnesota.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now