Capitulum 08

3.7K 227 8
                                    

Miranda Perez's residence
11:32 a.m.

"Nanghihiram ng pera sa'kin si Covs noong araw na 'yon. Ihahatid ko lang sana sa kanya dahil pauwi na rin ako ng trabaho nang mapansin kong nakabukas ang pinto."

Nova nodded and took down notes like a good detective would do. Hindi niya sasayangin ang ilang taon niyang training sa agency para lang palampasin ang ilang detalye sa mahalagang kaso na tulad nito. "May napansin ka bang kahinahinalang tao bago mo nakita ang bangkay ng pinsan mo?"

Napaisip sandali si Miranda, ang pinsan ng biktima at ang unang nakakita sa bangkay nito.

Yes, Special Agent Briannova Carlos is pretty sure that she's handling things smoo---

"Are you recalling scenes from your memory? Or, perhaps, you are thinking of an excuse to lead us off the case?"

Nanlaki ang mga mata ni Miranda nang biglang magsalita ang binatang katabi ni Nova. Nico leaned closer and narrowed his eyes at the girl, making the witness feel uneasy. Napasapo na lang si Nova sa kanyang noo. 'What the heck is he doing?' Pigil ang inis niyang siniko ang "pinakamagaling" na detective ng Eastwood, "Can I have a word with you?"

Pero mukhang hindi papatinag si Nico. Nakatitig pa rin siya kay Miranda na para bang kinakalkula nito ang bawat galaw niya.

"You're the first one to find Covaline's dead body, yet reports indicate that it took you a good five minutes before you reported the incident to the police. Bakit? Kinailangan mo bang siguraduhin munang naialis mo ang fingerprints mo sa crime scene? Kinailangan mo bang itago muna ang murder weapon na ginamit mo?"

Napaawang ang bibig ng dalaga sa kanilang harapan. Halatang nabigla sa sinabi ng detective. Galit na hinila ni Nova si Nico sa kanyang braso, papalayo kay Miranda. Nang makasigurado na siyang hindi sila maririnig ng babae, agad niyang dinapuan ng masamang tingin ang partner.

"Nababaliw ka na ba? Why are you suddenly accusing our witness?! That's unethical! Nakalagay 'yan sa rule book!"

The male just shrugged her words off, "Exactly."

"Anong 'exactly'?!"

"Chill. Why the Sherlock are you mad at me anyway?"

"I have every right to be mad at you! Sinisira mo ang imbestigasyon natin!"

Napatikom na lang ng bibig ang dalaga nang mapagtanto ang sinabi niya. Hindi niya rin inaasahan ang "outburst" na iyon. Still, Nico remained nonchalant about it. How could he be so calm in a situation like this? Hindi talaga makapaniwala si Nova.

Sumilay naman ang isang makahulugang ngiti sa mga labi ni Nico. "First off, you don't need to lecture me about the rules with that big mouth of yours. Second, I'm not ruining my own investigation. Last, hindi mo ba alam na ang 'intimidation technique' minsan ang pinakasimpleng paraan para malutas ang isang kaso? In several instances, the culprit acts like the witness just to secure his 'innocence' involving the case."

Panandaliang nilingon ni Nico si Miranda na abala sa pagse-cellphone bago bumalik ang kanyang mga mata kay Nova. He leaned in closer. "HELP didn't find any fingerprints in the crime scene. Hangga't wala pa akong---"

"Tayong!"

"---err, fine. Hangga't wala pa TAYONG profile ng Heartless Killer na 'yon, everyone is a suspect."

Napabuntong-hininga si Nova. Ayaw niyang aminin sa sarili na may tama rin naman ang binata. This case is not like those infidelity ones she was accustomed to. She bit her lower lip and nodded. Mabilis naman nang naglakad papalayo si Nico, leaving her dumbfounded.

'Darn it. He left me just like that?'

Bumalik na lang siya sa pwesto niya sa tabi nito at ipinagpatuloy ang pagtatanong. Nova smiled hesitantly at Miranda, "Pasensya na. Anyway, any suspicious persons before Covaline died?"

Umiling si Miranda. "Wala naman. I had been too busy with work. Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Covs magmula noong nag-resign siya sa trabaho last December."

"Alam mo ba kung bakit siya nag-resign?" Pang-uusisa ni Nico. For a moment, kinabahan si Nova na baka gisahin na naman niya ang kawawang babae.

Umiling ulit si Miranda. "Hindi ko rin alam eh. Basta nagkagulo na ang lahat magmula nang mag-break sila ng boyfriend niya."

The two detectives' ears perked up at the mention of a boyfriend.

"What's his name?"

"Where does he live?"

"Any physical descriptions?"

"Anong contact number niya?"

Napakurap-kurap na lang si Miranda nang magsalitan sa pagtatanong ang dalawa. Parang mga batang sabik na mabigyan ng kendi. 'Bagay sila,' she thought. The girl smile timidly at the two and started scribbling the infos down on a piece of paper.

Nagkatinginan naman sina Nico at Nova, parehong nakasimangot. Mukhang kailangan pa nila ng panahon para masanay sa presensiya ng isa't isa.

Magsasalita na sana si Nico nang biglang tumunog ang cellphone ni Nova. Kumunot ang kanyang noo nang makitang tumatawag ang superior niya sa SHADOW, si Olympia. 'Ano na naman kayang problema?'

Pinanood ni Nico ang pagsagot ng kasama sa tawag. Napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng dalaga. Whatever the person on the other line is telling her, it wasn't good. Nang matapos ang tawag, agad siyang nilapitan nito, isang seryosong tingin sa kanyang mga mata.

"We've got another crime scene to investigate. Umatake na naman ang Heartless Killer."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now