Capitulum 31

2.1K 145 4
                                    

"Get back, evil monster!"
 
Marahas na bulong ni Nico habang pilit tinataboy ang malaking ahas. Unfortunately, it only angered the boa constrictor more. Its eyes turned to slits while hissing at him. Napaatras si Nico pero agad din niya itong pinagsisihan.

Aksidente niyang nabunggo ang pasong nakapatong sa kanyang gilid. 'Damn Sherlock!' Alam niyang sa katahimikang bumabalot sa mansyon, malaki ang posibilidad na marinig ito ng abogado. 'Let's just hope Nova distracts him long enough!' Kapag nahuli sila, patay na. The snake that was staring at him venomously didn't help with his situation. Lalo lang itong lumapit sa kanya.

"Great. Even snakes are attracted to me. How unfortunate, indeed!" Naiinis niyang sabi. Mahinang nagmura si Nico nang marinig ang yabag ng mga paa sa kabilang bahagi ng pinto. Papalapit ito sa kinaroroonan niya. Huminga siya nang malalim.

Mukhang wala ring planong maki-ayon sa kanya ng tadhana.

*

Attorney Lelouch San Andres narrowed his eyes at the suspicious sound. Ramdam niyang may taong umaaligid. Mabilis niyang tinahak ang pasilyo papunta sa likurang bahagi ng mansyon. Sino nga bang siraulo ang magti-trespass sa teritoryo ng pinakamagaling na district attorney ng Eastwood? "Ngayon pa lang, maghanda na siya ng legal defense."

But a part of Lelouch silently hoped that he was jusy being paranoid. Sana ay mali ang hinala niyang dini-distract lang siya ng dating kasintahan. Kung totoo man ito, it would only pain him more.

'And for a second there, I thought Brian actually cared for me. Tsk.'

Pero nang buksan ni Lelouch ang backdoor, sumalubong sa kanya ang katahimikan. His eyes scanned the area. Kumunot ang noo niya nang makita ang basag na paso sa isang gilid. 'What the hell?' Pero nang makita niya ang boa constrictor sa doorstep, napailing na lang siya, "Brianette, pang-ilang beses mo nang nakasira ng gamit? Psh. I should sue you for that."

When the giant snake hissed at him, ngumiti si Lelouch. 'Though, I doubt the court would find a suitable jail for my disastrous pet.'

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Baka nga masyado lang siyang pagod sa trabaho kaya't kung anu-ano na ang iniisip niya.

He is a busy man, after all.

Makalipas ang ilang sandali, walang kahirap-hirap niyang binitbit ang dambuhalang ahas at pumasok sa loob. Maybe Nova does care for him? Lelouch smiled at that thought.

*

Nakahinga nang maluwag si Nico nang nakita niyang bumalik na sa loob ang abogado dala ang alaga nitong muntik nang lumapa sa kanya. Detective Nico Yukishito sighed. 'Brianette? Stupid name for a stupid snake!' At nakasimangot siyang tumalon pababa. He flexed his hands and smirked at the Spiderman gloves.

"I love these things."

Mabuti na lang at hindi naisipang tumingin sa taas ni Lelouch. Kung hindi ay paniguradong makikita siya nitong parang gagambang nakasalambitin sa pader! 'That was a close one!' Nico sighed and skillfully picked the door's lock. Walang kaingay-ingay siyang nakapasok sa loob ng mansyon.

Kung nagkataon lang sigurong masamang tao si Nico, baka imbes na "Eastwood's greatest detective" ay mabansagan siyang "Eastwood's greatest criminal". He has the skills and the looks to get away with anything.

'Now, let's see if this stupid attorney is our killer.'

Mabilis na nagtungo sa second floor ng mansyon ang binatang detective. Simple lang ang mansyon ngunit nagkalat sa paligid ang ilang magagarang kagamitan. A few family portraits lined up one side of a hallway, framed in copper. Several vases and figurines were displayed, along with the attorney's trophies and awards. 'Smart, but not as smart as I am, of course.'

Nico made his way towards a random bedroom. Bahagya pang nakabukas ang pinto nito. He sniffed the air and smelled a hint of musculine soap and mint cologne.

'Definitely the bastard's room.'

Mabilis siyang pumasok sa loob at kinalkal ang mga kagamitan nito. He wore latex gloves just in case he touches anything worth incriminating.

Nadismaya si Nico nang wala siyang makitang kakaiba sa silid ng abogado---bukod sa hamak na mas malinis ito kaysa sa apartment niya. His eyes darted to a picture frame ontop of the attorney's bedside table. Kumunot ang noo niya nang makitang larawan ito ni Lelouch kasama si Nova. Suot ang uniporme habang naka-akbay ito sa dalaga. "High school sweethearts, perhaps?"

Napailing na lang si Nico at ipinagpatuloy ang paghahanap. He grunted in frustration until he noticed an invitation on his bed.

"The Heraldic Eastwood Local Police Department's Annual Masquerade?"

Muntik nang masuka si Nico. 'Hindi na nga nila ginagawa nang maayos ang trabaho nila, nakuha pa nilang mag-masquerade?! How disgusting and unprofessional!' Nakakainis isipin na magagawa pa nila ito kahit pa may nangyayaring serial killings sa Eastwood. This adds up to the many reasons why Nico hates the police.

Dumako ang mga mata niya sa sapatos ng abogado. Maingat niyang sinipat ang loob nito. His eyes narrowed when he spotted the shoe size, a smirk playing on his lips as he took a picture.

"Size 10.5, parehong-pareho sa shoe size ng nakita ko sa hardin." Nico is an expert at these things. From one look, he can determine a person's age and height down to his exact shoe size. Iyon ang nakuha niya sa pagiging isang criminal profiler. Plus, it was internationally branded!

Sinipat muli ni Nico ang silid. Pero nang akmang lalabas na sana siya't sesenyasan si Nova, nakapukaw ng kanyang atensyon ang laundry basket sa pinakasulok ng silid. Nico Yukishito's eyes widened when he saw something stained one of the attorney's white polo shirt. Hindi siya maaaring magkamali.

"Blood."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now