Capitulum 12

3K 197 4
                                    

Matagal na tinitigan ni Nova ang mga file reports sa kanyang desk. She had them neatly laid in front of her, may tasa ng tsaa sa kanyang gilid. She sighed and finally slumped on her fluffy pink chair, kasing kulay ng kanyang rosas na buhok.

"This doesn't make sense! Wala talaga akong mahanap na pagkakatulad ng mga biktima---well, babae sila, that's a given fact. But if I can't find a pattern fast, malay natin kung sino ang susunod na target ng Heartless Killer? Gosh!"

Narinig na lang ni Nova ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. She can almost imagine Nirvana frowning at her, "Ate, kinakausap mo na naman ba ang sarili mo? Sige ka, sasabihin ko kay mama nababaliw ka na."

Nilingon ni Nova ang nakababatang kapatid at binigyan ito ng matamis na ngiti, "Subukan mo. Sige ka, hindi kita ililibre ng ice cream sa Linggo."

Nang marinig ng pitong taong gulang ang 'ice cream' automatic itong ngumiti at tumakbo sa papunta kay Nova. Nirvana hugged her older sister and kissed her cheek. "Joke lang, ate! Ganda mo talaga! Libre mo 'ko ah?"

Natatawa na lang si Nova sa inaasta ng kapatid. 'Minsan talaga, libre lang ang katapat ng ibang tao', isip-isip niya at isinara ang pinto nang umalis na ang kapatid. Napabuntong-hininga siya at humilata sa kama. 'Kailangan ko ng beauty rest! Nakakapagod ang kasong 'to.'

Nang mga sandaling 'yon, bigla niyang naalala ang ka-partner niya.

Napasimangot lalo si Nova at naiinis na binato ang unan sa pader.

"Naperahan pa ako ng lokong 'yon! Eastwood's greatest detective daw? Oh, please! Baka nagwapuhan lang ang kung sinumang nagsulat ng article na 'yon! Argh!"

She buried her face in the nearest pillow and screamed. Nakaka-stress na nga ang kasong ito, nakaka-stress pa ang nai-partner sa kanya. Briannova Carlos can totally do this alone! Hindi niya kailangan ng tulong ng lalaking 'yon. Speaking of which... "Ano na kayang nangyari sa gunman kanina?"

Something clicked in her head.

Nova sat up and started typing something on her pink cellphone. 'Why haven't I thought about this earlier? Kapag nakilala ko na ang gunman, pwede kong mai-trace kung sinong nag-utos sa kanya!' Alam ni Nova na hindi lang basta nagkataon lang na may gustong pumatay sa kanila. Malamang natunugan ni HK na kasama sila sa kaso kaya kumuha ito ng tauhan niya!

This can be their lead to catch that psycopath!

Nova's eyes narrowed at the information on her screen. Matapos nito, sinubukan niyang kontakin ang SHADOW laboratory para kunin ang analysis ng residue ng balang muntik na niyang ikinamatay kanina. It's a good thing she wore her bulletproof vest. Wala na talaga siyang tiwala sa kahit na sino. 'Actually, sinuot ko talaga 'yon kasi baka mamaya maisipan akong barilin ng partner ko.'

Yup. That's Briannova Carlos. Sassy and too careful with everything. She has talent! Dapat nga siya ang "greatest" detective ng Eastwood eh!

Setting that bitterness aside, biglang sumagi sa kanya ang isang bagay. Ang HELP ang humingi ng tulong nila at sila mismo ang nagsetup ng pagkikita nila ni Nico.

Sila lang ang nakakaalam tungkol dito.

"The Heartless Killer might be a high ranking official to get such inside information. At malamang alam rin niya ang batas dahil hindi siya takot labagin ito kahit pa may bumubuntot sa kanya..." The possibility chilled her to the bone. "Could he have an accomplice from the Heraldic Eastwood Local Police?"

The possibility scared her. Hindi malayong may kasabwat siya sa pulisya. Kung ganoon nga, kailangan niyang makuha ang listahan ng lahat ng mga kasapi sa HELP, lahat ng mga may posibleng koneksyon kay Cassio.

Mukhang mas kumplikado pa pala ang kasong ito.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now