MT 41

68.1K 2.4K 495
                                    

Please put #MT41 on twitter so I can read your thoughts and reactions. That's all.

#MT41

Aliyah: You should come in my unit, same place where you were coming to teach me.

Iyon ang huling text ni Aliyah, hindi ko na sinagot pa. Alas singko nang makasakay ako ng taxi para mabilis na makapunta sa naturang lugar. There are so many unknown words running inside my head that keep buzzing, I feel like there's something more I should hear and I don't know how ready I am but at least I'll still try to face what's coming in front. I need it for my own peace of mind, for my soul to hush from everything I haven't heard yet.

I think, no matter how sharp and caustic the truth or lie might be; the end stage will always feel the pain. Ilang beses ko ng napag-aralan ang sarili, may mga bagay pa rin akong hindi matanggap na nangyari pero ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ko na iyon maibabalik sa bago, ang luma ay mananatiling luma habang ang bago ay hindi kailanman mananatiling bago dahil kalaunan ding madadaanan ng panahon. Katulad din ng mga bagay na nararanasan ngayon, hindi iyon mananatili sa ganoong paraan dahil lahat ay may katapusan.

Hindi ko man alam kung ano ang aking maririnig o makikita ngayon ay hinahanda ko ang puso kong masaktan dahil iyon lang naman ang aasahan ko, issues about me was never an angel sent from above. Sa likuran ng aking isip ay taimtim pa rin akong nagdadasal sa Itaas na gabayan ako sa aking tinatahak. I was never a religious person and I feel bad that I'm only seeking guide when I'm in need, that's too wrong.

Binayaran ko ang taxi at bumaba, ang makapal na ulap sa itaas ay pawang alon na sinasalamin ang bawat pag indayog ng hampas sa aking dibdib. Suminghap ako at pinakalma ang takot na nararamdaman, hindi takot para kay Aliyah kundi takot para sa aking sarili.

I didn't waste much time thinking about my fear, I walked straightly.

"Good evening, Ma'am. Visitor?" anang guard pagkapasok ko ng glass door.

I nodded. "Visitor of Aliyah Soriano."

"Okay, Ma'am." Tango niya sabay tawag pindot sa kanyang telepono upang iimporma iyon. Tiningnan niya ako. "Babae ho, Miss Soriano."

Hindi na ako naghintay pang tanungin. "Twillain Sarmiento."

Tumango agad siya sa narinig mula sa kausap sa kabilang linya na siguradong si Aliyah. Hindi ko tanda na ganito kahigpit ang seguridad noon dito, mukhang may iniiwasang bisita si Aliyah. Pinapasok na ako ng diretso, I took my way to the elevator until the right floor where her unit is. Sa paglabas ko ng lift ay siyang dagundong ng dibdib ko sa kabang hindi maipaliwanag. I'm scared because I know painful things will happen in no time.

This year, I've learned a lot about every little thing. Natutunan kong magmahal, magtiwala at naramdaman kong masaktan sa kasabay noong oras. Minahal ko si Horace, nasaktan ako sa katotohanan ng lahat at sa huli ay natuto akong maniwala upang magpatuloy sa gitna ng madilim kong nakaraan at tanggapin iyon. Minahal ko na kasi si Horace bago pa ang lahat at ang pagmamahal na iyon ay hindi ko kailanman inasahang kayang tabunan ang lahat ng nararamdaman ko.

I quickly pushed her doorbell, I waited for a minute before she opened it. She was smiling at me and I couldn't help but roll my eyes, wala pa mang salita ay nagngingitngit na ang galit sa loob ko. Maluwang niyang binuksan ang pinto pero nanatili ako sa labas at nagkrus ng mga braso sa dibdib.

"Sabihin mo na rito, Aliyah. Hindi ko na siguro kailangang pumasok pa sa kuta mo at baka masunog ako," malamig kong sinabi.

Her teeth gritted. "Pumasok ka na, Twillain. Huwag kang mag inarte pa dahil para sayo rin 'yong privacy."

Kumunot ang noo ko, may dalang kakaibang kaba iyon sa akin pero hindi ko na pinakita pa. I stepped in to get inside, sinara niya ang pinto sa likuran ko. Naglakad siya patungo sa tanggapan.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon