MT 14

71.1K 2.7K 397
                                    

#MT14

"Huy!"

Suminghap ako nang kurutin ni Carly ang tagiliran ko.

"Ha? A-Ano?"

"Bakit ba palagi kang natutulala? Kanina ka pa! May problema ka? May masakit ba sayo o ano?"

"Wala, Carly. Nag-iisip lang ako ng ilalagay sa visual aids," pagsisinungaling ko. Bigla kong naramdaman ang hiya habang sumisiksik sa isip ko kung paano lumapat ang labi ni Horace sa aking labi hanggang leeg!

Oh damn, no. I was drunk! That's all! I won't let that happen if I was on the right mind!

"Sigurado ka? Bakit namumula ka?" kunot noong tanong ni Carly sabay hawak sa noo at leeg ko. "May lagnat ka yata, dapat hindi ka muna pumasok."

Shit! I gasped and dodged a bit. Sumulyap sa amin sila Nikka at Lydia pero agad ding nagbalik sa kanilang ginagawa.

"Mainit kasi, natural lang iyan. Ano ka ba? Kaysa ako ang pinupuna ko, bakit hindi ka na lang magreview?"

This is freaking awkward! Naiisip ko talaga ang mga halik ni Horace, kinikilabutan ako. How dare I let myself fall in that trap of fuckboyness again!?

"Tsk, hindi ka pa kasi nagkukuwento kung anong estado n'yo ng Horace na 'yon!"

Walanghiya, tama na ang isang pagkakamali at ayaw ko na ulit mangyari iyon. I love myself now, I shouldn't do any mistake I'll regret again. Sasabihin ko kay Horace na maghinay-hinay siya simula ngayon dahil baka mabayagan ko siya sa susunod.

"Huwag kang masyadong tiwala kay Twillain, Carly. Besides, that man looks like he's only up for something." Lydia rolled her eyes while writing on a manila paper. "Maybe, she was just his target that night. He was bored."

"Sinasabi mo bang pinagtiyagaan lang niyang si Twillain?" Nikka gasped.

Lydia shrugged. "Based on my observation."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Based on your observation, why would I believe your observation if I have my own?"

"So, tingin mo seryoso siya sayo? Mayroon ka ngang sariling obserbasyon pero iba pa rin iyong sa mga nakakakita kapag nakatalikod ka na."

"Bakit nakikita mo ba ang future pag nakatalikod ako?" natatawa kong balik. "Don't act like you have a third eye that can see my future men and warn me about them. You're not a fortune teller."

She glared at me with a sarcastic smirk.

"He's just obviously a flirt, inuuto ka lang niya at uto-uto ka naman. Easy target ka kasi, alam niyang papayag ka agad kung yayayain lumabas. Ang dali mong maniwala, hindi ka naman ganoong kagandahan para lapitan." Iling-iling niya.

Nalaglag ang panga ko, my face heated up in embarrassment and anger.

"Lydia!" saway nila Nikka. "Bakit ba ganyan ka magsalita kay Lovi?"

"I'm a friend, okay? Sinasabi ko lang ang totoo." She sighed.

"Can I tell the truth, too? You're not a friend, you're a bitch insecure dog," I spat sharply.

Her mouth dropped. "Ano? Ba't naman ako mai-insecure sayo, Twillain? Manalamin ka nga!"

Hindi ko alam kung bakit natawa ako roon, nababaliw na ako sa sobrang kainisan ko sa palakang 'to!

"Manalamin ka at tanungin mo sa sarili mo kung bakit nga ba, Lydia. Wala akong time magpaliwanag ng obvious." Halakhak ko.

Binaba niya ang ballpen at hinarap ako, nagtatagis ang bagang sa iritasyon. Inilingan ko siya at nginisian, tumayo ako habang nililigpit ang ilang gamit sa lamesa.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon