MT 20

73.8K 2.8K 676
                                    

Thoughts. Put #MT20, thanks. @wpcinnderella on twitter.

#MT20

We started arranging his unit, konti lang ang kagamitan ni Horace na pangbahay pero sobrang dami niyang mga sapatos, damit at relo. Halos malunod ako sa nang makapasok sa kuwarto niya, it was a total mess. Nakakalat ang mga damit sa carpeted floor, ang mga sapatos at duffel bags. Hindi ko alam ang dapat unahin doon, ni hindi ko alam kung nagsama-sama na ba roon ang mga nagamit na niya at hindi! Ang mga mamahaling suits ay nakasalampak lang sa lapag na tila ilang beses na niyang binasahan! Seriously? Si Kuya noon, nahihirapan pang pumunta ng prom dahil walang masuot na ganito tapos ginagawang kalat lang ni Horace?

Horace chuckled with a hint of embarrassment. "A real bad mess, right? Sorry, I don't really have much time to organize my things these past days."

"'Yong totoo, kailan ka pa ba lumipat dito?"

Ngayon lang ako nakapasok sa kuwarto niya, hindi naman ako umaabot dito at hanggang sala lang noong mga nakaraang araw. Hindi ko naman inakala na nadelubyo pala ito. Nilingon ko ang malaking kama, kulay gray iyong bedsheet at comforter na magulo rin at hindi man lang yata nahawakan ni Horace para itupi!

Gumagana na naman ang pagiging pakialamera ko, naiinis kasi ako kapag may mga gamit na nakakalat. Everything around was from a work, hard or even easy, it's still from a work!

Oh my God, boys are really messy! May kapatid ako lalaki pero hindi naman makalat pero siguro dahil hindi naman marami ang kagamitan niya. Si Papa naman ang hinahangaan ko sa pagiging organisado, parehas sila ni Mama pero si Papa ang mas masinop sa kagamitan. Miski turnilyo sa bahay na makita noon ay hindi binabalewala. Doon nga siguro ako nagmana, minsan lang ako naging burara sa buhay ko at iyon ang kamaliang pinagsisihan ko.

"Two weeks ago, but I don't stay here always. I'm sleeping at home."

My lips separated. "At talagang hindi ka pa nag s-stay dito sa lagay na 'to, ha? Paano pa kung dito ka na nakatira talaga?"

He laughed, mabilis siyang yumuko para pulutin ang mga damit sa lapag. Nakapaa lang siya at simpleng sweatshort na pinaresan ng mustard yellow shirt, bumagay sa kanyang mestizong kutis. Hindi ko mapigilan pasadahan siya ng pasimpleng tingin dahil sa kanyang bulto, napapaisip pa rin ako kung panaginip bang nobyo ko talaga ang lalaking 'to.

"Malilinis ba 'yan? Nasaan ang marurumi? Baka nagsama-sama na dahil sa sobrang pagkaburara mo?"

"Laundry."

"Hindi ka naglalaba? Hindi marunong o wala na namang time?" tanong ko at tumulong na rin sa pagsisikop ng mga damit niya. Naupo ako sa kama. "Lagay mo rito lahat sa kama, marunong ka bang magtupi?"

"Sometimes when I feel like doing it." Natatawa niyang sinabi at weirdo akong tiningnan.

Napasinghap ako. "My goodness! Tamad! Ano palang alam mong gawin?"

"Magtrabaho."

"Ng babae?"

He barked a laugh. "Change topic! I'm working on a ship, baby. Not working the girls. Nagbago na ako."

"Utot mo, Horace!" irap ko, nilapag niya sa kama ang mga damit na pinulot. "Ihahanger ko ba ang mga 'to o itutupi?"

"I'll do that later when you get home, huwag kang mag-abala sa paggawa niyan! You're not here to be a helper!"

"Mas mabuti na 'tong may gawin ako kaysa paglalandi mo ang abalahin ko." I rolled my eyes as I started folding shirts.

He laughed loudly, naupo siya sa harapan ko at tumulong sa aking pagtutupi. Nang tingnan ko siya ay nagtaas siya ng kilay.

Villareal #6: Mundane TwilightWhere stories live. Discover now