MT 8

75.3K 3.4K 1.3K
                                    

#MT8

"Manliligaw mo rin ba 'yan, Lovi?" Colton asked when he saw Horace in front of our gate again.

Namilog ang mga mata ko, he's leaning on the side of his red Chevy Blazer while busy fiddling with his cellphone. He's wearing a black crew neck style shirt and a white boyfriend jeans matched with black Nike sneakers. My heart clenched at the sight of him, tumingin ako kay Colton na kuryoso at kunot ang mga kilay habang nakatingin kay Horace sa labas.

"H-Hindi, baka bumisita lang kay Mama."

"Ang dalas, ah." aniya. "Sabihin mo lang sa akin kung ikaw ang pinupunta niya riyan, wala namang problema kung may iba ka pang manliligaw."

Bahaw akong ngumiti at tumango na lamang. Hindi nga rin makapaniwala na manliligaw pala siya? Ewan ko, wala akong balak pabulaanan kaya sana hindi siya seryoso sa tangka.

"Salamat sa paghatid, Colton."

Ilang beses na akong hinahatid-sundo ni Colton at tuwing hinahatid na ako pauwi ay naaabutan si Horace sa aming gate na nakaabang. Wala pa rin akong tapang para masabi ang buong kwento sa kanya kaya sinabi kong bumalik na lang kinabukasan at iyon ang araw ngayon. Ilang beses na ring natanong ni Colton sa akin kung manliligaw ba si Horace, sinasagot ko namang hindi pero hindi yata siya naniniwala.

"You're welcome. Let's text later?"

I nodded. "Sure."

Pagtapos magpaalam ay bumaba na ako ng sasakyan at muling nagpasalamat sa kanya, mabuti na lang at hindi na naghintay pang pumasok ako bago siya umalis dahil late na rin siya sa susunod na klase at kailangan magmadali. Pagkaharap sa gawi ng gate ay nagtama agad ang tingin namin ni Horace, umalis siya mula sa pagkakasandal sa gilid ng sasakyan at prenteng naglakad. Lumihis ang tingin niya pasunod sa kakaalis na sasakyan ni Colton bago binalik sa akin, humigpit ang yakap ko sa mga librong nasa dibdib. I inhaled deeply to calm my trembling heart.

"Boyfriend mo ba 'yon?" panimula niyang hindi ko inasahan. His eyes looked dark and sluggish.

"H-Hindi pa."

Agad nanaas ang isa niyang makapal na kilay.

"Pa? May balak kang nobyohin, kung ganoon?"

Nagulat pa ako sa diretsa niyang tanong kaya hindi ako nakabawi agad, nakita ko ang pagbukas niya sa front door ng sasakyan niya at inisang tango ang ulo para imuwestra sa akin ang pagsakay. Kumunot ang noo ko.

"B-Bakit?"

"Bakit, ang ano?" tanong niya. "Bakit ko tinatanong na nonobyohin mo siya o bakit ka sasama sa akin?"

Kumurap-kurap ako at suminghap. He raised his two long fingers like a peace sign and rolled his eyes sluggishly.

"Una, bakit mo siya nonobyohin kung nandito naman ako? Pangalawa, sasama ka sa akin para makapag-usap tayo ng maayos at walang panggulo dahil nananapak ako ng umeepal sa gusto kong angkinin."

Namilog ang mga mata ko. "What the hell are you talking about!?"

Wala ako sa mood na kalabanin ang ganitong kagaguhan ni Horace, masyado pa akong kinakain ng dilim sa bawat pagkurap ng mga mata ko at siya ang nasa harapan. Ang mga panaginip ko ay nagmistulang kasing linaw ng tubig tuwing gabi kaya nakakailang ngayong kaharap siya.

"I'm not talking about hell but my future heaven." he shrugged.

"Seriously!? You're hopeless!"

He put his index finger on his red lips and closed his eyes for a moment.

"Please, quiet. I still can't believe you're in front of me, this legal and very sexy so don't take all my patience while I have my hands chained for you." he said in a low throaty voice that sent gooseflesh down my nape. "Get in now and we will talk about... us."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon