MT 13

74.9K 3.1K 749
                                    

Hi, you can stop comparing my characters to characters from another stories because ALL fictional characters have their own colors to see and feel. Thanks.

#MT13

Binalik ako ni Horace sa aming U shaped sofa kasama ang mga kaibigan ko, agad silang lumingon sa amin pagkalapit. Horace gave a gentle carress on my back as we reached the sofa, nilingon ko siya at tiningala. Kahit na feeling ko ay sobrang laki kong bulas sa height at katawan, hindi pa rin talaga maaabot noon si Horace. He was really tall that I suddenly feel small, I guess he's a 6'5 or above. He was smiling at my friends while gently brushing his palm on my lower back, like still hushing me from what happened.

"Good evening," iyon ang palakaibigan niyang bungad sa mga kaibigan ko.

"Hi!" si Lydia ang agad bumati pabalik pagtapos ng isang shot, nakatayo lamang siya sa gilid na tila kararating lang din mula sa sayawan.

I wonder how did Horace' friend take care of the scene earlier. Dinala niya ba sa ospital iyong lalaki? Mabuti na lang talaga at maingay ang dance floor, nakakapagtaka pa na parang wala silang pakealam noong makitang si Horace ang nanuntok. Common visitor na ba siya ng bar na ito?

Tinanguan ni Horace si Lydia at nginisian, binati na rin ng mga kaibigan ko si Horace. Nakita na ni Josh, Carly at Nikka si Horace kaya ang tanging gulat ay si Lydia at Erwin.

"Pare," si Josh, nakipag high-five pa.

Pagod akong naupo sa dulo ng U shaped na sofa, nanatili si Horace sa pagsuporta sa aking likuran hanggang sa makaupo ako. Inismiran ko siya nang magkatinginan kami, he scrooch down slightly to whisper.

"Are you okay here now?" he asked like asking me if he could leave.

I nodded. Before I could speak, Lydia made her way to offer a hand shake to Horace. Okay... wow?

"Hey, I'm Lydia." she said with shameless flirt smile.

Normal ang naging pagbalik ni Horace sa pagkakatayo bago nilabas ang isang kamay mula sa bulsa at tanggapin ang kamay ni Lydia. Hindi siya nagpakilala ng pangalan at medyo sorpresa pa na "friendly" pala ang isang kasama ko rito.

"You are?" Lydia giggled.

Horace gazed at me simply, lumihis ako ng tingin at kumuha ng shot sa lamesa. Diretso ko iyong iniinom na walang halong lukot sa mukha.

"Horace." simple niyang pakilala pero nakamasid ang madilim na mga mata sa akin.

Pasimple akong suminghap, bakit hindi na lang Deklan ang pinakilala niya para galit siya tuwing tatawaging ganoon! Tsk.

Lydia giggled more, hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Horace habang tumatango siya.

"Ah! So handsome! Anyway, sa dance floor kayo nagkakilala ni Twillain? Didn't see you there awhile back." kunot noong sabi ni Lydia.

Pinag-initan ako ng mukha sa iritasyon, hindi ko napigilang tingnan ng matalim ang kanilang kamay. Parang napaso si Horace at natatawang binawi ang kanyang kamay kay Lydia, muling nagpamulsa.

"Nope, I just went there to get Lovice." ngumuso si Horace sa akin at nagkibit balikat.

"H-Huh?" tawa ni Lydia at sinulyapan ako bago mapang-insultong tumawa ulit. "Oh, naligaw ba? Sorry, naiwanan ko kanina. Sana pala nagstay ako para nakilala na rin kita."

Nakita ko ang pangungusap ng mga mata ni Carly at Nikka na tila sila ang problemado ngayon sa kilos ni Lydia.

"Magkakilala ba talaga kayo? Or dito lang?" naguguluhang tanong ni Lydia.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon