MT 10

88.1K 3K 870
                                    

"Hindi talaga importante iyong panliligaw sa generation ngayon."

"Hindi nga pero sana naman mayroon pa ring mga lalaking katulad ni Colton na manliligaw muna bago ang date!" si Carly.

"Bakit, hindi ka ba niligawan ni Josh?"

Ngumuso si Carly at pumula ang pisngi, nagkibit balikat siya. "Hindi ko a-alam."

"Huh? Anong hindi mo alam?" tawa ni Nikka.

Napailing ako sa usapan nila Carly at Nikka. Alam kong hindi nanligaw si Josh noon dahil si Carly naman talaga ang nagpursige na mapansin siya ni Josh, kahit sa text at chat ay nangungulit siya. Marami kasing nagkakagusto kay Josh noon, hindi na magtataka na napabilang si Carly sa fan girls niya. In fact, I taught her how to date already than being courted first before the dating stage. Wala naman talaga akong alam sa ligawan noon dahil sa Australia ay hindi uso iyon. Madalas date na agad tapos may kiss na naganap na pagtapos ng date.

Horace wasn't even my first kiss, may nakadate na ako noon na Australian at pareho kaming edad pero kalaunan ding nagbreak dahil masyado pang bata. Ika nga ni Lola. Ganoon kabilis doon, ganoon din kabilis nawawala. Mayroon pa rin namang mga relasyon na seryoso roon, gaya ng sa pinsan ko. Simula pa noong nag-aaral ako roon ay silang dalawa at hanggang ngayon, sila pa rin. Engaged na.

Para sa akin, importante pa rin ang panliligaw. Hindi iyon sukatan kung seryoso o hindi, pero roon tayo makakakuha ng ideya kung handa na ba talaga tayo o hindi pa para sa isang relasyon. It's like a stepping stone into taking relationships seriously, mayroon kasing kala mo handa ka na pero hindi pa pala kaya kalaunang nagloloko pag nasa loob na ng isang relasyon.

"Mauuna na ako." unang paalam ni Nikka.

Ngumiti ako at tumango. "Ingat, Nik."

"Saan ka?"

"Punta kami ni Erwin sa kanila." Nikka answered.

Sumipol si Carly at mapanuksong tumingin.

"Punta lang ba?"

Nagtawanan sila, nakitawa rin ako dahil sa kanyang sinabi. Umirap at pinamulahan ng pisngi si Nikka.

"Oo! Bwisit ka, may family lunch kasi!"

"Twillain!" tawag ni Colton sa akin at sumabay sa paglalakad namin, kasama niya si Josh na dumiretso naman kay Carly agad para kunin ang mga libro.

"Ihahatid kita, may pupuntahan ka pa bang iba?"

I smiled awkwardly, napahagod ako sa aking batok at handa ng gumawa ng mga rason para hindi tumanggap ng offer niya ngayon.

"Ah, may tuturuan ako." kahit magrereview lang ako sa bahay, ayaw ko na lang talagang magpahatid dahil nakakahiya na.

Isa pa, parati niyang naaabutan si Horace na nakaabang sa labas ng bahay namin. Gaya noong una, sinabi ko na lang na bumibisita sa bahay. It's been a week since we've had a talk about the past, totoo nga siya sa sinabi niyang pagsusundo na madalas namang hindi maabutan dahil nauuna si Colton at nasa loob lang ng eskwelahan ang sasakyan. Our school isn't allowing outsiders to go in kaya siguro hindi nakakapasok si Horace, ang masama roon ay hindi siya nagsasabi na magsusundo siya kaya nawawala rin sa isip ko. Ang ending, sa bahay namin siya nag-aabang para sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa na ganoon ang nangyayari sa ilang araw.

"Doon kita ihahatid, kung ganoon." he said, he looks so formal wearing a blue short sleeved button down shirt and slacks.

"Teacher!"

Nagulat ako sa sumigaw na bata kaya napatingin kami sa kanya, pamilyar na pamilyar at biglaang lumakad pasalubong sa amin habang kumekembot pa ang balakang. Kumunot ang noo ng mga kasama ko nang lumapit iyon sa akin at humawak sa kamay ko, it's Capriana! She's wearing a pair of denim shorts, baby pink under shirt and a denim flannel matched with her pink boots. Her hair is in a half ponytail style. She looks so cute!

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon