"AAAHHH---!"

Minnesota hurriedly hid behind a lamp post and watched silently. Nanginginig ang kanyang mga kamay at ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib. Pinanood niya ang pagkaladkad ng isang lalaki sa isang dalaga papasok ng sasakyan. When she noticed the girl's dress, halos mapasigaw si Minnesota sa gulat.

Kilala niya ang damit na 'yan. 'Iyan mismo ang niregalo ko noon kay Feralda!' Tinitigan niyang maigi ang dalagang nawalan ng malay.

Nanlamig ang buong katawan ni Minnesota nang makilala ang mukha nito.

'FERALDA!'

Agad niyang tinakpan ang bibig niya't iniwasang gumawa ng ingay. Malalalim na ang paghinga ni Minnesota. Nangyayari na ang kanina niya pa kinakatakutan. Someone is kidnapping her bestfriend! 'Fuck! Anong gagawin ko?!' Bago pa man niya makita ang plate number ng sasakyan, humarurot na ito sa patungo sa kabilang kanto.

Minnesota cursed under her breath and ran after them.

'Shit! Kinidnap si Feralda!' Sa pagkakataong ito, hindi na alintana ni Minnesota ang pagod. Kailangan niyang iligtas ang kaibigan. She needs to save Feralda before she becomes another victim! With her heart pounding inside her chest, adrenaline coursed through her veins. Naalala niyang bigla ang hitsura ng bangkay ni Thami Esteban.

Minnesota would be damned if she let Feralda be killed in such a merciless way. 'Ang Heartless Killer...totoo ang sinabi 'nong detectives!'

Miraculously, the car suddenly stopped by the nearest gasoline station. Kinakabahang nagtago si Minnesota sa likod ng halamanan at inabangang lumabas ng sasakyan ang driver.

'The devil himself...' Nang makita niya ito, halos magpigil ng hininga si Minnesota. Para bang umatras bigla ang tapang ni Minnesota nang makita ang baril nito sa bulsa. Napalinga-linga sa paligid ang lalaki bago nagtungo sa restrooms. Nakahinga lang nang maluwag si Min nang tuluyan na itong nakapasok sa loob.

'Damn it. One wrong move and he might kill both of us!' Kinakabahan niyang sinilip ang paligid. No one seems to care about anything. Maingat siyang tumakbo papalapit sa sasakyan at sinubukang buksan ang pinto nito. 'Kailangan kong itakas si Fe...'

A soft click was heard, the car door soon opened easily.

Nagmamadaling pumasok si Minnesota sa loob at tinapik-tapik ang kaibigan, "Fe?! Shit, gumising ka nga!" But the girl laid unconscious and motionless. Wala nang nagawa si Minnesota kundi buhatin ang kaibigan papalabas. She struggled with Feralda's weight and strained her muscles. Kailangan na nilang makatakas bago pa man bumalik 'yong lalaki!

"Fe, ano ba 'tong pinasok mo?" Nanghihinang sabi ni Minnesota nang iupo sa likod ng halamanan ang kaibigan. Maingat niyang isinandal sa pader si Feralda. Minnesota sighed in relief when she heard her shallow breaths.

'She's alive..' Ngumiti si Min at kinapa ang cellphone sa bulsa. Kailangan niyang kunin ang plate number ng sasakyan at tumawag sa mga pulis.

Pero nagulat siya nang makitang wala roon ang cellphone niya.

"Shit."

Kinakabahan niyang sinilip ang kulay itim na kotseng tumangay kay Feralda. Wala pa roon ang serial killer. Minnesota rushed towards the car and started searching for her cellphone. Malakas ang kutob niyang nahulog niya ito sa loob. When she finally got her phone, Minnesota stopped.

Footsteps.

Papalapit na ito sa kinaroroonan niya. Bago pa man siya makalabas ng sasakyan, nakita na niyang naglalakad pabalik dito ang lalaki. 'Ano nang gagawin ko ngayon?!' Nanindig ang balahibo niya nang marinig ang mga yabag ng serial killer. Alam ni Minnesota na kung tatangkain niyang lumabas ng kotse, agad siyang mapapansin ng Heart Killer. Malalaman niyang tinulungan niyang tumakas ang kaibigan. 'Nasa malapit lang si Feralda,' natataranta niyang isip. Paniguradong makikita rin siya nito.

He'll kill both of them.

Napapikit si Minnesota at nagdasal. In one swift movement, she closed the car's door and laid in the backseat. 'Nababaliw na nga ako...pero kailangan kong iligtas si Fe.'

A few seconds later, the Heartless Killer came back. Dumidilim na ang paligid kaya't hindi niya napansing ibang babae na pala ang nasa kanyang likuran. Nang umandar muli ang sasakyan, napapikit na lang sa takot si Minnesota. Her heart was still pounding inside her chest.

She tried to push away the images of Thami Esteban's corpse. Ang nakakapanindig-balahibo nitong hitsura at ang nagkalasug-lasog nitong laman.

Minnesota Gervacio is now facing the same madman who killed that girl.

Minnesota Gervacio is now at the mercy of the Heartless Killer of Eastwood.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now