MTT 20

312 2 0
                                    

A/N: Last chapter :)

-----------------

20.

Mika's POV

Hello Philippines!

Nandito na kami sa Pilipinas. Ako, si Kristoff, si Gino.

Ewan ko ba kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo halo with toppings pa. Dejoke. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Masaya ako kasi nandito ako ngayon sa bansang pinanggalingan ko.

Ang pamilya ko, ang mga kabigian ko, ang mga taong mahal ko at ang mga ala-alang hindi ko man maalala ay naririto rin. Pero, bakit parang sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung pano na makikibagay sa mga taong pitong taon kong hindi nakita at nakasama. Pitong taong kong hindi kilala.

Matatanggap kaya nila ako ngayon?

Ang bagong ako?

Gusto ko.. Gusto kong makilala kung ano ako noon. Pero paano kung hilingin nilang ibalik ko ang dating ako?

Makakaya ko kaya?

Magawa ko kaya ang mga gusto nila?

Hindi ko alam.

Bahala na.

Siguro, ang mahalaga ngayon, nandito ako. Makikita ko na sila.

---------

Gino's POV

Kanina pang parang kinakabahan si Mika.

"Chami, ayos ka lang ba?" Oo. Chami na ulit tawag ko sa kanya. Nagkwento ako ng ilang mga bagay sa kanya dahil gusto nya daw alamin kung sino at ano sya noon. Nakakatuwang balikan ang mga ala ala noon.

"Ah.. Eh.. O-oo Gino." Sagot nya sakin.

"Sigurado ka ba? Para kasing hindi ka mapakali dyan. Masama ba pakiramdam mo?" Hinawakan ko ang noo nya, baka kasi may lagnat sya e. Malay natin diba.

"Hindi. Ayos lang ako. Halika na?" Hm wala naman syang lagnat. Siguro, natetense lang kasi makikita na nya ang pamilya nya.

"Okay sige, tara." Aya ko sa kanya.

Pupunta kami ngayon sa bahay ko. Actually, pinapunta ko ang pamilya ni Mika, pati na ang mga kaibigan namin sa bahay. Alam na nilang lahat ang totoo. Agad agad nga sila lahat umuwi ng Pilipinas nang sabihin ko ito sa kanila. Gusto pa ng magulang ni Mika na pumunta ng London pero sabi ko wag na dahil uuwi na din kami kinabukasan.

Sa totoo lang, hindi agad sila naniwala sakin. Sabi pa nila, "Gino, alam namin mahirap pa rin para sayo. Pero, kailangan mo nang tanggapin na wala na sya. Kami, sobrang hirap para samin, pero kinaya namin dahil alam namin na ito ang gusto nya." Halos lahat sila ganyan ang sinasabi sakin.

Pero napilit pa din ako. Kinwento ko sa kanila lahat ng nalaman ko. Hindi ako tumigil hangga't hindi ko sila nakukumbinsi.

Naniwala lang sila nang magpadala ako ng picture namin ni Mika sa e-mail.

Mga lokong kaibigan yun, inedit ko pa daw. Tsk. Pero, buti naniwala din. Pahirapan nga lang. Excited na nga silang makita si Mika. Kaya naman, etong sina Ella, ayun, gustong magkaron ng welcoming party sa bahay. Pero pawang mga kaibigan at pamilya lang. Ayaw naman namin na mabigla si Mika kaya malalapit na kakilala lang muna sa ngayon.

Andito na kami sa bahay.

"MIKAAAAAAAAAAAA!" Tae. Nakakarindi ang boses ng mga to. Kala ko magigiba na bahay ko e. Sabay sabay ba naman sumigaw. Haha.

More Than ThisWhere stories live. Discover now