MTT 3

769 9 2
                                    

Dedicated to her. She's the first person to complement my story :)

3.

Okay, nakapili na ko ng susuotin after 25621863 years :)

(--> see picture)

First Day naman kaya okay lang nakacivilian.

Pero kamusta naman yun? May uniform kaya kami.

College Engineering pero meron kami uniform. San ka pa? :D

Okay lang, yung gusto nung school e :D saka cute naman uniform namin e. Style pang-international school :)

Ayan, bihis na ko. Ayos ayos ng konti. Tamang face powder and lip balm lang. Di naman kasi ako mamake-up na tao e. Kati kaya sa muka nun. HAHA. Saka sabi nga nila, simplicity is beauty. :)

Eto, okay na. Lumabas na ko ng kwarto ko para kumain.

Dumeretso ako sa dinning room. Pagdating ko dun, kumakain na sina ate, mommy at daddy.

Ano ba yan? Di man lang ako inantay. Tampo na me. :(( Haha. Joke lang :)

Ayun, umupo na ko sa upuan ko at napansin ko na may isa pang plato sa tabi ni ate which is katapat nung place ko. Okay, may bisita ba kami? Ang aga nya ha. Well, wapakels. :D

Kumuha na ko ng pagkain at nagsimulang sumubo. Sarap talaga luto ni yaya. :)

Naramdaman kong biglang may pumasok sa dinning room pero hindi ko na pinansin. Kumakain ako e. Bawal ako istorbohin :P :)))))

Umupo sya tapat ko kaya napatingin naman ako sa kanya at nabulunan ako!

Fudge! Agaw eksena talaga to! Anong ginagawa nya dito?? At dito pa talaga sya kakain?!

Naman! Oo nga pala, malamang sabay sila ni ate, BOYFRIEND nga e.

Eff! >.<

*cough* *cough* *cough*

Sakit ng pagkakasamid ko ha. >.<

"Oh Chami tubig." Sabi nya na parang nag-aalalang ewan sabay abot sakin ng tubig. Teka, nag-aalala? Tss. Okay, nagpapakaassume na naman ako. 

Pero dahil bitter ako, yung tubig sa may side ko ang kinuha ko. XP AYOKO nyan baka may gayuma yan! Lakas na nga tama ko sayo dati e, tama na yun no! >.< Baka mamatay na ko sa pagka-overdose. 

"Anak, dahan dahan lang kasi. Alam naming lagi kang gutom pero hindi naman tatakbo yang pagkain e." Pagbibiro sakin ni daddy.

Oh wag kayong magtaka, close talaga family namin. Tropa tropa lang :)

"Miks, oo nga. Para kang baboy kumain e. HAHAHA." Si ate, tapos nagtawanan sila. Ako naman ngumiti na lang.

Inubos ko na agad ang pagkain ko. Syempre, kesa magutom ako ubusin ko na lang kahit dalian. Wala pang ilang minuto natapos na ko. Yes makakaalis na ko sa harap ng kulugong to! \o/

"Excuse me." Tumayo na ko at aalis na.

"Nak, aga pa ah. Papasok ka na?" Tanong sakin ni mommy.

"Ah opo. Sunduin ko pa po kasi si..." Hala. Sino ba? Wala naman akong susunduin e. Syempre, alam nilang sabay si Julia at Nathan e.

Sila Britney, Diego, Yen at Neil naman sabay sabay na din sa sasakyan ni Diegs. Magkakalapit lang kasi sila.

*ting!*

Alam ko na. "Quen. Nasira daw po kasi kotse nya kaya sasabay sya sakin."

"Aba Miks, aga ng date nyo ha. Ingat kayo okay? Say hi to Quen for me." Sabi ni ate tapos ngumiti.

Napatingin naman ako kay Gino na nakatingin sakin pero umiwas lang agad ng tingin. Tss. Anong problema nya? Ayy ewan. 

"Sige. Alis na po ako ma, pa, ate... Gi--Gino."

Si Quen ang naisip ko kasi bukod sa barkada namin, super kaclose ko sya. At saka alam nya din na may feelings ako sa boyfriend ng kapatid ko.

Di naman ako tinatanggihan nun kaya itetext ko na lang sya na magsabay na kami. Aba ako yata batas nun! HAHAHA.

Dejoke, si Jessie ang batas nyan. May gusto yan kay Jessie. Matagal na pero di pa nya mapormahan. Tortang torpe kasi e.

To Quen

Hoy Enrique! Susunduin kita jan! Sabay tayo! Wag ka na magdala ng kotse, sabi ko kasi sa kanila nasira kotse mo :D OTW na ko!

Wala pang ilang minutes nagreply na sya.

From Quen

Mika! Di ka naman sumisigaw no? HAHA. Wala man lang good morning oh. Sige na. Ingat ka.

Hindi na ko nagreply at nagdrive na ko papunta sa kanila.

Yes, may sarili akong kotse. Kasi may pambili naman kami. Si ate rin meron pero dahil lagi nga silang sabay ni kulugo, di nya masyado nagagamit.

Sabi nga nila sumabay na daw ako sa kanila para walang hassle sa pagdadrive. E ayoko nga, di ko sila kayang makitang sweet no. :(

** 

Ayan, nandito na kina Quen. Sinalubong naman ako agad ng yaya nila at pinapasok.

Pagpasok ko, agad ko naman nakita si......

"Javy?!"

More Than ThisWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu