MTT 11.2

381 5 2
                                    

A/N: Hoho, ano naman say nyo sa last chapter? Hihi. Sorry kung mabibigat mga eksena dito ah. Hindi ko kasi alam pano magiging flow ng storyang to. Wala kasi talaga tong plot. Kung ano na lang matype ko, kaya pagpasensyahan na. And sa mga RatedPG chapters, I'll try na gumawa. Hindi kasi akes maalam e. Patulong naman oh? ^__^V

------

11.2

Gino's POV

>Still in FLASH BACK 4 years ago<

Nakikipagbreak na sakin si Ella.

Medyo nagulat din ako sa ginagawa nya. Pero ito rin ang isa sa rason kung bakit gusto ko syang kausapin ngayon. 

"Alam kong ito rin ang gusto mo Gino. Alam ko gusto mo ang kapatid ko. Gusto ko sumaya kayo ni Mika. Ayokong maging hadlang sa inyong dalawa. Mahal ko kaya kayo pareha."

Gusto ko sanang aminin na ang lahat sa kanya. Na mahal ko si Mika. Pero mukang alam naman pala nya. Naluluha na sya. Sh*t. Ansama ko. Nagpapaiyak na naman ako ng babae. Tsk!

Kakausapin ko sya hindi para makipaghiwalay ako dahil ang pangit tingnan na lalaki ang makikipaghiwalay sa babae. Ayokong gawin yun. Ayokong makasakit at magmukang mayabang dahil ako ang nang-iwan ng babae. 

"Ella, I'm sorry." Nagiguilty ako. Nasaktan ko sya. Eto lang ang tanging salitang lumabas sakin. Puta naman oh! Eto lang ba talaga ang alam kong salita? Ganito rin ata sinabi ko kay Mika nung nakaraan e. Ay putek. -____-

"No Gino. Don't be. Kayo kasi eh. Ang engot nyo. Hahaha." Sinisikap nyang tumawa kahit alam kong naiiyak pa din sya.

 Hindi ako makapagsalita. Nababakla ata ako. Dejoke.

"Haha, eh kasi gumagawa na ko ng paraan, kaso ang bagal nyo. Ayan tuloy napamahal ka sakin. Nasaktan ko pa din tuloy si Mika. Alam ko naman na gusto ka nya e."

Paraan?

Niyakap ko sya at nagtuloy tuloy na ang iyak nya. Hinayaan ko lang syang umiyak.

Maya-maya pa'y nagtigil na din sya sa kakaiyak. Muli syang humarap sakin.

"Gino naman e. May payakap yakap pa. Wag ganun. Baka di na kita mapakawalan e. Tsk. Hahaha." Sabi nya sakin.

"Ah. Sorry." Sagot ko na lang habang nagkakamot ng ulo.

"Dejoke lang. Ayan ha! Sana wag mo sayangin pagpaparaya ko. Wag mo sasaktan si Miks, kundi, lagot ka talaga sakin. Kakalimutan kong mahal ka nun. Hahaha." Nararamdaman kong kahit papano'y magaan na ang loob nya. Mabait talaga tong si Ella. Hindi sya mahirap mahalin. Mahal ko naman sya, bilang isang kaibigan at kapatid. Dahil si Mika lang ang babaeng kaya kong mahalin higit pa sa lahat. Higit pa sa buhay ko.

"Osya. Pano, friends?" Sabay abot nya ng kamay sakin para makipagshake hands. Inabot ko naman yun.

"Friends." Ngiti kong sabi. Nagngitian kami at nagshake hands.

"Pano, Gino, uwi na ko ha. May kailangan pa kong kausapin din sa bahay e. Alam mo na." Sabay wink nya sakin. Loka talaga tong si Ella. Haha

"Sige. Hatid na kita." Aya ko sa kanya. Syempre gentleman ako.

"Hindi na Gino. Gusto ko rin kasi sya makausap mag-isa. Siguro bukas mo na lang sya puntahan at kausapin."

"Ganun ba. Sige Ella, mag-iingat ka ha."

"Okay sige. Bye."

At naghiwalay na din kami.

More Than ThisWhere stories live. Discover now