MTT 7

463 5 0
                                    

A/N: Nakakabadtrip >.< Kahapon pa dapat ako nakapag-update, kaso hindi nakisama si net sakin :( Kaya pasensya na guys. Hihi.

Ano, nanuod ba kayo PaI kagabi? :D Aww. LQ pa din MiGi. Pero ako'y naeexcite na talaga sa pagbabalak ni Gino na ligawan na ang kanyang prinsesa ^____^

As for Jao, uwi ka na ng Yangdon! Kelangan ka dun, dami problema. Haha. I like Quen, but I don't like Jao's character. Epal kasi sa MiGi e. Hihi. At yung flowers scene nung isang gabi, hala nainis ako ng bongga dun! >.< Pero yae na, atleast si Gino mas nauna magbigay ng flower kay Mikay :) Remember nyo guys? :D may duet pa! Bwahaha.

TeamMiGiFTW ;)

 Btw, sino ba talaga si Carla? Kala ko si Julia Baretto daw? Hihi.

Okays, eto na ud ko. :) 

7.

>Present<

Lumapit na ko... ay kami pala sa barkada. Nagtungo kami sa may bulletin board para tingnan kung naparegister ba pangalan namin sa class list. Kasi pag hindi, malilintikan sakin ang registrar! Dejoke. Hahaha.

Hayy pasensya na kayo, gusto ko lang maging masaya kahit mejo nag eewan tong dibdib ko. Pero di ko naman yun magagawa. 

Titingnan ko na sana ang pangalan ko nang magsalita si Gino.

"Mika, okay na yan, wag ka na maghanap, nandyan pangalan mo, nakita ko kanina."

"Ah. Sige, salamat." Tipid kong sagot.

"Oh pano Miks, punta na kami sa mga departments namin ha. Bye sis. See you later."

"Sige ate."

"Bye, babe." Sya kay Gino at umalis na sina ate. Ako, si Gino, si javy at si Quen na lang andito.

"Oh pano Mika, alis na din kami, igaguide ko pa tong gwapo kong kapatid e."

"Yan gusto ko sayo bro e!" At nag-apir sila.

Mga loko talaga. Haha. Close kasi talaga sila.

"Mika, kita na lang tayo mamaya ha. Bye." Sabay halik sa kamay ko. At gentle man pa rin talaga tong si Javy. ^__^

"Tss." Parang narining kong sabi ni Gino. O guni guni ko lang ata. Ayy ewan. Pero teka, kami na lang pala andito. -____-

"Cha---Mika tara na malelate na tayo oh!" Kasabay nun ay hinila nya ako, or should I say kinaladkad? Pero hindi naman yung OA na kinaladkad to the max. Speaking of gentle man, eto hindi to gentle man. Tsk.

"Ah! Gino, bitaw. Masakit." Eh kasi naman higpit ng hawak e.

Pero di nya ko pinansin.

"Gino! Bitaw. Masakit nga!" Mejo nasigaw ko na. Bingi kasi. Dejoke.

At ayun, salamat at bumitaw din.

"Sorry."

"Pero teka, amina na muna yan."

"Ha? Alin?"

"Kamay mo." kinuha naman nya to at.... pinunasan?

"Bakit? Wala namang dumi ah."

"Ah wala. Baka magkasakit ka e."

"Ha?"

"Baka kasi may jfksjakfjjfksdj" Ano daw? Binulong kasi nya. Ayan tuloy di ko naintindihan.

"Ano sabi mo?"

"Wala. Tara na."

K fine. Pero di ko sya sinabayan, nauna agad ako sa kanya.

At nakarating na kami sa room namin. Differential Calculus subject namin ngayon. At dahil first day naman, orientation muna ng mga prof ^___^ SAYA! Hihi.

Habang naghahanap ako ng mauupuan, umupo na si Gino dun isa sa 2 vacant seats sa gitna at sumenyas sakin. Pero nakakita ako ng isang vacant seat sa front row. Dun na ko umupo. Ayoko sya katabi. Pano ko ba kasi sya makakalimutan kung ganyan sya?? >.< DAPAT UMIWAS! hohoho.

Blaa

Blaa

Blaa

....

Puro orientation lang ginawa namin buong araw, medyo boring pero atleast early dismissal! :) Hindi kami sabay sabay ng labas ng barkada. Mas maaga labas namin ni Gino kesa sa kanila. Nagpapahintay pa naman sila. San kaya muna makatambay?

"Mika, tara sa study area muna tayo. Maaga pa naman. Sabay na natin silang antayin." 

"Ah Gino, may pupuntahan pa kasi ako." Kahit wala naman. Eh iniiwasan ko na nga kasi sya since nung... Ah basta yun. "Sige. Bye." At umalis na agad ako. Baka kasi mangulit pa e.

Lumabas muna ko saglit ng campus at umupo sa may park. Malapit lang naman to kaya pag nagtext sila kung andun na sila sa may parking, madali na pumunta.

Ay palaka! May biglang lumitaw na rosas sa may gilid ko. O-O

-----> credits to the owner (im-infinty-and-beyond) :)

"Peace offering." Ako ba kausap neto? Malamang! Ako lang tao dito e. Este kami pala. Tao nga din pala sya. At sakin din pala inaabot yung hawak nya. Ano ba naman ako? -___-

Inabot nya sakin yung rose. Kinuha ko, sayang e. Hihi. Joke saka kasi, kinikili---- HA?! Hindi hindi! Wag Mika! Bawal na. >.<

"Peace offering? Bakit magkagalit ba tayo?"

"Hindi?"

"Yun pala e. Hindi na kailangan neto. Pero salamat na din. Sige, alis na ko."

 "Mika naman. Mag-usap tayo. Halos mag-iisang taon ka ng ganito sakin e. At hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit. Namimiss na kita ng sobra."

Napatigil talaga ako dun. Kung alam mo lang Gino, sobra din kitang namimiss. Haay. Oo nga no? Sobrang tagal ko na palang nasasaktan. At hanggang ngayon ganito pa din. Bakit ba kasi hindi na lang sya naging akin? Bakit sa ate ko pa?

"Simula noong maging kami ni Ella, parang nagbago na pakikitungo mo sakin e. May problema ba?"

Problema?? OO MERON! Eto. Etong lintik na puso neto at etong pesteng utak na to! Bakit ba kasi di ko masabi sayo na mahal kita? Mula noon hanggang ngayon. Halos isang taon ng may ibang nagmamay-ari ng puso mo. Sana ako na lang. Pero si ate pa. Akala ko... akala ko nararamdaman mo din noon etong nararamdaman ko para sayo. Pero hindi pala. Oo, pero hindi pala sakin.

Nanahimik ako saglit. Sinikap kong ngumiti.

"Wala naman. Noon talaga masyado lang naging busy e. At ngayon naman, parang gusto ko lang mapag-isa. Trip ko lang. Hihi." At tumawa ako ng labag sa loob <//3

-----

A/N: Prelims next week, kaya BAKA di ako makapag ud. Pagpasensyahan nyo na po :) Salamat pala sa lahat ng mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng MTT. Alabyu all :**

RIP Tito Dolphy. You're trully a LEGEND. I do beleive that you deserve to have the National Artist Award.

More Than ThisWo Geschichten leben. Entdecke jetzt