MTT 9

458 9 0
                                    

A/N: PaalamTitoDolphy :'(

Ayun, nagpunta si Dj sa Heritage kanina. Akala ko punta pa sya ASAP. Kaso di na, may mall show sya sa Pulilan today.

@francisxpasion

Out na ang harana, ayan kasi parang ayaw ng ibang fans. watch gino scene this monday, yung kinakausap nya sarili nya at ginaya nya mikay

@francisxpasion

Just finished jao-gino scene, galing nila pareho. Kakaiyak din eksena kasi isa sa kanila nagtapat na k mikay. Abangan!

(picture on the external link :>)

9.

Still Gino's POV

"I'm sorry." ito lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Gusto kong sabihin sa kanyang mahal ko din sya. Mahal na mahal. Pero ayokong masaktan ang mga taong pinahahalagahan ko na din. Si Ella. Si Javy.

Pesteng buhay to! Bakit kasi hindi ko na lang hinarap noon ang nararamdaman ko para kay Mika. 

"Wala kang dapat ipagsorry Gino. Ako naman to e. Ako ang may problema. Akala ko kasi.... Akala ko parehas tayo ng nararamdaman noon. Mali pala ako." Pinipilit pa rin nyang ngumiti. Pero halatang halata sa muka nya ang sakit nyang nadarama.

Alam ko, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya. Please Mika, wag kang ganito, nasasaktan din ako pag nasasaktan ka.

------> MiGi hug :) credits to the owner (kathchandria)

Niyakap ko sya. Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Wala akong pakielam kung meron mang makakita samin. Gusto ko lang mapagaan ang loob nya kahit papano. Ngayon pa't alam ko ng ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan.

Hindi naman sya pumalag, hinayaan nya lang magtuloy ang pag iyak nya. Ilang minuto din ng tumigil na sya. Sana tumigil na lang ang oras ng mga sandaling iyon. Kung maaari lang, yakapin ko sa habang buhay. Kaso hindi, alam kong masakit para sa kanya. Masakit na hawak na ko ng iba. Masakit na hindi kita napaglaban.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

Tiningnan nya ako at saka nagsalita.

"Gino?"

Nakatingin lang ako sakanya at hinintay ko lang ang sunod nya sasabihin.

 Nagbuntong hininga muna sya bago nagbitiw ng salita.

"Sana hayaan mo munang maalis ang sakit dito." Tinuro nya ang puso nya. "Pag wala na to, siguro, babalik din tayo sa dati. Hayaan mo na lang muna ko. Tutal nasabi ko na sayong mahal kita, nasabi ko na rin ang matagal ko ng dinadamdam, siguro naman gagaan na ang loob ko. Sana gumaan na to. Sana mawala na tong sakit dito. Nang sagayon kaya ko na muling maging kaibigan ka. Sige, hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam."

At dun ay umalis na sya. 

Parang napako ako sa kinaroroonan ko. Susuko na sya. Sh*t! Tang ina lang. Antanga ko kasi! Pucha!

Hinayaan ko syang umalis. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya pinigilan. Siguro dahil ayaw ko naman maging selfish at patuloy pa syang pahirapan. Ayokong nasasaktan sya ng dahil sakin.

Nawala na sya sa paningin ko. Wala na.

Pero Mika, umaasa akong pag wala na yang sakit dyan sa puso mo, sana mahalin mo pa din ako. Itatama ko na ang mga nagawa ko. 

Sana bumalik ka sakin. Kahit na hindi ka man naging akin, alam ko na na minahal mo ako. Hihintayin kita.

***

dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng madamdamin naming pag-uusap ni Mika.

dalawang buwan ko na syang hindi nakakausap o kahit makita man lang.

dalawang buwan na akong nangungulila sa presensya nya.

At sa loob ng  dalawang buwan  ito, marami na ang nagyari. Naitama ko na ang mga mali ko. Wala na kami ni Ella. Oo, minahal ko din naman si Ella. Pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay Mika. Si Mika lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Hindi ko maipaliwanag. Pero iba talaga. 

Umasa akong magiging masaya at maayos na kami ni Mika.

Umasa akong mapapahayag ko na sa kanya ng maayos ang pagmamahal ko.

 Akala ko'y mararanasan muli namin na maging masaya kasama ang isa't isa.

Tatawa. Malulungkot. Maiinis. Magsasaya.

Lahat ng to.

Pero pano pa mangyayari yun?

Pano ko pa sya makikita?

Pano ko pa sya makakasama?

Ngayong wala na sya </3

THE END.

---

JOKE LANG! HAHAHA.

Di ko pa nga narereveal ang dapat kong ireveal tapos matatapos na to agad? Bastusan Gie? Haha :))

Hanggang dito muna. Okay alam ko biting at maikli. Hihi. Sorry na. ^__^V

Abangan nyo na lang po kung ano ba tong marereveal na to. At may mga mangyayari pa. So stay tuned :)

-Angie <3

More Than ThisWhere stories live. Discover now