MTT 11.1

358 6 0
                                    

A/N: Miss me guys? Hihi. Sareh na, di ako nakapag update last week. ^_^V Pero eto na oh. Haha.

Binabagyo ba kayo? Kung oo, ingat ingat ah. Ako binabagyo din e. Binabagyo ng kakiligan dahil sa KN. Hihi. Kasi naman e. Nung Sunday, sa StarMagic game. Sweet lang talaga! Hihi.

At ang MiGi, may date pa. Mehehe, ganda ng set up. Syet lang! Pangarap siguro ng lahat ng babae. :))

(--> picture on the side. credits to the owner)

Anyways, nuod tayo PrincessAndI okay, pataasin muli ang ratings! Go KNs :))

P.S. Wala po tong plot nung sinimulan ko ah. Kaya, kung ano ano na lang mangyayari dito. Hihi. Sana basahin nyo pa din :D THANKS!

P.P.S. Wag kayo malilito ha. Mejo yung ibang characters kasi ginagawan ko din ng POV. Di kasi ako sanay pag Third person e. Haha. Kaya omniscient na lang to. Kaya ayun, sana matandaan nyo pa din flow nitong story ko :)

11.1

Gino's POV

Dalawang buwan ang lumipas matapos ang usapan namin ni Mika. Hinding hindi ko malilimutan ang mga sandaling iyon. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Although, hindi naman naging kami, basta yun na yun.

Kung may time machine lang ako, babalik talaga ako at aayusin ko lahat. Sa pagbalik ko, hinding hindi ko sasaktan si Mika. Hindi ko sya papakawalan.

Pero wala e, hindi ko na mababalik ang mga oras na nawala na.

Wala na sya.

Kung nasan man sya ngayon, sana masaya na sya.

Pero Mika tandaan mo, maghihintay ako.

Maghihintay ako hanggang sa magkita tayong muli. Kahit sa kabilang buhay pa yan, ikaw lang ang mamahalin ko.

Hanggang sa huli kong hininga...

Magmahal man ako ng iba...

Na mukang malabo namang mangyayari.

Mananatili ka pa ring may puwang dito... sa puso ko.

Mahal kita, hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Julia's POV

Ako pala si Julia, bestfriend ni Mika. Hindi na ko mag eelaborate pa tungkol sakin, basta yan na lang muna.

 4 years passed.

Ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng iwan kami ni Mika. At sa tuwing naaalala ko sya, gustong gusto kong umiyak. Bakit? Bakit ang daya mo bestfriend? Bakit umalis ka agad? :"(((

Awang awa na din ako kay Gino. Mula kasi ng nawala si Mika, nagbago na rin sya. Nakikita ko namang syang ngumiti minsan at makipagbiruan, pero makikita mo sa mga mata nya na parang may kulang pa din talaga sa buhay nya.

Oo, alam ko ang lahat tungkol sa kanila. Hindi man naging sila, pero alam kong mahal nila ang isa't isa.

Sinasabi sakin ni Mika ang mga nararamdaman nya nuon kay Gino. At kahit na hindi pa noon nasasabi samin ni Gino na mahal nya ang bestfriend ko, nararamdaman ko yun.

At alam ko na din ang dahilan kung bakit sinagot ni Ella si Gino noon gayong alam nya rin na gusto ng kambal nya si Gino. Hindi ko sya masisi kung napamahal din si Gino sa kanya. Pero wala na naman yun, nakamove on na din sya kay Gino.

Ang sayang lang, hindi na nabigyan ng pagkakataon sina Mika at Gino para makasama at maparamdam kung gano nila kamahal ang isa't isa. Huli na ng makalaya si Gino kay Ella. Wala na si bes. :(

More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon