MTT 12

397 5 4
                                    

A/N: Keep Safe guys. Super baha sa ilang places ngayon. Let's all #PrayForThePhilippines . God bless us all.

Thanks to all the readers :)) Love you guys! :**

Have you seen Kuratong Baleleng Trailer? Watch it guys. Gwapo nung scarecrow ee. Hihi. 

KNs, nuod tayo ng KrisTV on Thursday, andun KN. :)

 --------

12.

Gino's POV

Andito ako sa bahay ko ngayon. Oo, bahay ko. Nagpagawa na ko nga sarili kong bahay. Bumukod na ko. After graduation ko, madali naman ako nakakuha ng trabaho. Syempre. Sinikap kong mag topnotch sa board exam. Kaya ayun, Top 1. Inaayos ko na rin paunti-unti ang buhay ko. Para kay Mika. Maganda ang naging takbo ng buhay ko. Buhay ko bilang isang engineer. Sinikap ko din makipag date sa iba.

Pero di ko talaga kayang magmahal pa ng iba. Si Mika pa din ang nag ooccupy ng puso ko.

Alam nyo na ba kung anong nangyari kay Mika?

Kung oo, okay tinatanong ko lang. Kung hindi naman, okay lang yan. Basahin nyo na lang din kwento ni Ella.  Sobra akong nasasaktan pag naiisip ko yun.

Tatlong araw mula ng bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Mika, may dumating kina Ella na balita na patay na daw talaga siya. Natagpuan ang kanyang mga gamit sa bumagsak na eroplano. Pati ang kanyang bangkay, natagpuan nila.

Ayokong maniwala sa sinabi nila noon. AYOKO!

Nasunog din kasi ang eroplano mga ilang minuto nang ito'y magcrash. Kaya ang ilang pasaherong naiwan sa loob ay hindi na gaanong makilala sa muka. Nakilala lamang din nila ang mga ito base sa mga kagamitang suot at pag mamay-ari nila.

Kinabukasan din matapos ng balita, dinala nila sa amin ang katawan ni Mika.

Hindi ko alam kung paanong tatanggapin ang sinabi ni Ella noon nang makumpirma nya na si Mika nga ang bangkay.

Suot suot niya ang isang kwintas na nagpapatunay na sya nga ito. Noon din ay tiningnan ko ang kwintas at laking gulat ko ng makita ko sa kanya ang kwintas na binigay ko noong bata pa ako sa isang batang babae-- kay Ella.

Ay pu-- Akala ko pala kay Ella ko yun binigay. Kaso, anak ng tokwang mali ang akala ko. Si Mika. Si Mika ang batang yun. Ang batang nalove at first sight ako, ngunit pagkatapos ng engkwentro namin ay hindi ko na muling nakita pa. Ni hindi ko noon alam ang buo nyang pangalan. Ang alam ko lang ay sya si Mikaela.

Nang makilala ko si Mika noon sa school bilang Mikaela Bernardo, namag asa akong sya ang batang matagal ko nang hinahanap. Akala ko sya na noon. Kaso isang gabi, nalaman kong si Ella pala yun. Naisip kong Mikaella nga rin pala ang pangalan ni Ella.

**

"Ah E--ella, sa--san galing yang kwintas mo??" Nakita koang kwintas nya at nagulat ako. Saakin ang kwintas na to. Sigurado ako kasi pinapersonalize ko yan. nakaengrave ang initials ng surname ng mama at papa ko. D-P. DelaRosa-Padilla ang ibig sabihin.

"Ah. May isang batang nagbigay nito sakin nung bata pa ko." Nakangiti nyang sagot saakin. Sya kaya yun? Sya ba ang batang yun? Akala ko...

"Ta--talaga???" Napapangiti ako pero alanganin. Akala ko kasi talaga siya yun... Hindi pala.

"Oo, sabi nya wag ko daw iwawala to. At sa tuwing suot ko to, mararamdaman kong ligtas ako dahil darating ang tagapaglitas ko, si Batman daw." Natatawa nyang sabi. Eto, sinabi ko sa kanya to. Sya nga. Sya ang batang yun.

More Than ThisWhere stories live. Discover now