"Oo nga ate! Tsaka baka madulas pa yan sa ginawa mo sa bakuran natin ano pang mangyari dun! Tapos magagalit si mam Jho sayo at ang mama nila eh di bad shot ka?!" gatong naman ni Bebang.

Sasagot sana siya nang nag -ring  ang cp niya.  Si Ruffa ang tumatawag. Pinaloadan niya ito at binigyan ng pang-miryenda para abangan sa kanto si Jordan ng palihim. Gusto niyang makasiguro na hindi ito naka-kotse gaya ng usapan nila. Sabi niya mag-jeep ito.

"Bakla! Natanaw ko na si papa Jordan! Bumaba sa sasakyan pero hindi naka-jeep!  Mukhang  nag-Grab eh!" sumbong nito na ikinasingkit ng mga mata niya.

***

Inabangan niya talaga ang pagdating nito. Pumwesto siya  sa may pintuan nila. Tumaas ang isang kilay niya ng makitang natigilan ito ng makita ang nagpuputik na bakuran nila. Ang kintab pa naman ng suot nitong sapatos. Pero mabilis naman na naka-recover ito. Ngumiti ito ng matamis sa kanya bago maingat na pumasok ito habang may bitbit na apat na malalaking paper bag sa isang kamay at isang kahon na mukhang bulaklak ang laman sa kabila. Tinapunan lang nito ng tingin ang mga nakasampay sa dadaanan nito. In fairness naman talaga sa lalaking it,  super pogi at ang ganda ng  porma. Naka-long-sleeves na light gray at pantalon na mas dark naman ang kulay. Kundi lang siya bwisit na bwisit dito mas maaapreciate niya ito talaga kahit walang dalang mga regalo. Kumbaga, ang presensiya nito  daig na ang xmas gift, birthday gift , graduation  gift at ano-ano pang gift.

"Hi Mary." bati nito na nagpataas pa lalo ng kilay niya. Ngayon lang siya ulit nito tinawag sa pangalan niya.

Para namang nabasa nito ang iniisip niya dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita.

 "I dropped the  babe for now because I am your suitor. And  even if I know  that we are definitely going to be a couple, I want to show you that I am willing to do what you want. "sabi nito  na matamis pa sa bukayo ang ngiti. 

 Hinarang niya talaga ang katawan niya sa may pintuan. Wala pa siyang balak na papasukin ito. Magtutuos  muna sila nito. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib niya.

"Talaga? You will do what I want? Di ba sabi ko mag-jeep ka? Bakit nag-Grab ka ha? So paanong you will do what I want?!" inis na tanong niya.

Kumunot ng bahagya ang noo nito. 

"Akala mo hindi ko malalaman? Kung ikaw nagbayad ka ng malaki para pabantayan ako ng ilang taon, dito sa lugar namin madami akong papakiusapan para abangan ka at isumbong kung  hindi ka tumutupad sa usapan!" 

Naningkit ang mga mata  nito matapos mawala ang  ngiti sa labi.

"And what do they want in return?! I just hope that you are not talking about dickhe*ds! I won't have second thoughts of beating them up!" may tigas sa boses na sabi nito.

Natutukso siyang sabihin na  lalaking may gusto nga sa kanya ang inutusan niya at date  lang ang kapalit. Pero nagbago ang isip niya  dahil  kawawa naman  ang mabubugbog  nito. Magmumukha naman siyang katawa-tawa kung wala siyang maituro kung sakali.  Si Jordan pa naman ang tipong gagawin lahat malaman lang ang totoo lalo at sa usaping lalaki na tipo siya.

"Teka nga! Iniiba mo ang usapan! Bakit hindi ka nag-jeep? Sumira ka na sa usapan kaya umuwi ka na! " galit na sabi niya.

"I had a meeting. Rush hour na nang matapos. Wala akong masakyang jeep. You can ask Jho. Kasama siya sa meeting and she knows I am coming here. I don't want to be late because I reserved a table for us. " pagdedepensa nito sa sarili na mukha namang totoo.

Aangal pa sana siya pero humirit ulit ito. "Sorry na. Mag-jeep tayo papunta sa restaurant ngayon at pati mamayang paghatid ko sayo  kung gusto mo.. " 

Umirap siya dito at nagbuntunghininga . "Sige! Pero sa susunod pag sinabi kong mag -jeep ka papunta dito gawin mo ha?" utos niya dito pero ngumiti lang ito ng malapad.

"You're the boss. These are for you . Ito sa tita mo at sa pinsan ...".

Kumunot  ulit ang noo niya ng marinig ang mala-sirena ng bumberong tili ni Bebang.

"Elowwww  kuya Jordan! Narinig ko na sabi mo para sa pinsan ni ate Mary. And that is only me so  thank you very much! " tuwang-tuwang sabi ni Bebang na basta na lang sumulpot sa likod niya at kasunod pa nito ang tita Jackie niya na hanggang tenga ang ngiti.

***

Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin dahil hindi man lang nagreklamo si Jordan kanina kahit ang init-init sa sala nila. Naka-long sleeves na polo pa naman ito. Bandang huli, siya ang hindi nakatiis at inilabas niya ulit sa sala ang bentilador.  Ayaw naman niyang mag-lawa na ang kili-kili niya lalo at aalis pa sila. Hindi din ito mukhang nandiri sa parang binagyong sala nila at palagay na palagay ang loob nito sa tita Jackie niya at kay Bebang. Ramdam niya na walang bahid na kaplastikan ang mga ginagawa nito. In short, hindi ito na-turn off. Tapos kaninang pumara at sumakay sila ng jeep, alalay to death ito sa kanya. Babaeng-babae talaga ang feeling niya na may kasamang saksakan ng pogi na  prince charming. 

Magkaharap sila sa loob ng jeep. Dahil wala pang masyadong sakay kanina, sa likod ng driver ang pwesto nito, siya naman sa tapat nito. Sabi niya kasi ayaw niyang magtabi sila. Sa tangkad nito, hindi ito pwedeng dumiretso ng upo dahil tatama ang ulo nito sa kisame ng  sasakyan. Sa madaling sakita, hindi bagay talaga dito ang nakasakay sa ganitong klase ng pampublikong tranportasyon  pero in fairness, he is trying to blend in. Hindi naaalis ang ngiti nito sa labi na talaga namang lalong nagpasarap sa hitsura nito. Ilang beses na ito ang nag-aabot ng bayad ng ibang pasahero na mukha namang walang kaso dito.

Pero naiinis siya!

Ang haharot  kasi ng ibang babae sa mga pasahero na kasabay nila. Yung dalawa, mga estudyante sa kolehiyo base sa suot na uniporme ng mga ito. Ang isa mukhang nurse at ang isa naka-sexy na damit na  luwa na ang dibdib.  Halata naman na nagpapacute ang mga ito kay Jordan. Isa o dalawang beses, lumingon ito sa mga babae na halos naman mamilipit sa kilig na tila naman ikinakatuwa pa ng lintik na lalake. Halos magtagis na ang mga bagang niya at wala ng makita ang mga mata niya sa pagkakasingkit  ng may mga bumaba. Dahil ang babaeng mas makati  pa sa hadhad at nagmumura ang mga dibdib sa  suot na pang-itaas, umusod sa tabi ni Jordan. Halos mawarak ang mukha nito sa pagkakangiti at isiniksik ang kaliwang dibdib sa braso ni Jordan. Napansin niya na hindi naman  komportable si Jordan  sa ginagawa ng babae pero wala namang magawa ito  dahil wala namang  uusugan . Puno na ulit ang jeep dahil may sumakay pang tatlo. Balak pa naman sana niya na palipatin ito sa tabi niya pero may umupo na sa kaliwa niya.  Para maiwasang makita nito ang asim ng mukha niya, lumingon na lang siya sa kanan para tumingin sa harapan ng sasakyan. Halos magka-stiff neck na siya dahil ayaw niyang masaksihan ang kalandian ng babae sa tabi nito at baka masabunutan niya. Ilang minuto din na parang tuod lang siya.  

Pero bigla na lang siyang napalingon ulit sa kaliwa ng may sumigaw .

"HOLDAP TO!" 

Napasinghap  siya ng may maradaman siya sa tagiliran niya.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now