Chapter 8

16.2K 650 51
                                    

Bago pa nila makita si Ken, mabilis na hinarangan ni Jho ang kapatid. Hindi niya naintindihan    ang sinabi nito  kay Jordan pero kita niya sa mukha ni Jho ang pagkabahala. Mabuti na lang na narinig nila ang boses ni Mrs. Dominguez kaya napigilan si Jordan sa kung ano mang balak nito.

Pang -walo ang lamesa. Nasa uluhan ang ina nila Jordan .  Ngayon na nakaupo na siya sa tabi ni Jho sa hapag-kainan at may itinatanong kay Ken si Mrs. Dominguez, may konting oras siyang mag-isip. Mas madali sa kanya kung iiwasan niyang tignan si Jordan na nakaupo sa kabilang dulo na katapat niya. . Ramdam niya ang mga mata nito sa kanya pero pinili niyang ignorahin ito. Nasa kaliwa nito si Ken.

Malinaw sa kanya ang sinabi nito kahit purong Ingles. 

Diyatat gusto siyang  halayin nito kaya siya inalis sa trabaho!

Slow pa siya sa ibang bagay pero hindi kay Jordan. Natuto na siyang protektahan ang sarili dito at hindi siya titigil na gawin yun. Nadala lang siya sa mga halik nito at yakap kaya nagawa nito ang hindi dapat sa kanya. Minsan lang mangyayari yun . Hindi na niya hahayaang gawin sa kanya yun  ng hari ng mga hambog. Kahit naiinis siya, parang gusto niyang matawa ng pumasok sa isip niya na hindi maka-get over sa kanya ang manyak na ex-prince charming niya. Lasing man o hindi, isa lang ang totoo..hindi pala siya makalimutan nito.

Long hair pala siya! 

"Mary, may tinatanong si Ken sayo." dinig niyang sabi ni Jho.

Nag-angat siya ng mukha ng may tipid na ngiti. Baka isipin ng mga ito na bingi siya. Nakakahiya! 

Mas tinamisan naman niya ang ngiti para mapagtakpan ang slow moment niya. Hindi pa din niya keri ang mag-isip  ng malalim at makinig ng maigi ng sabay. 

"Pasensiya na sir Ken. Hindi ko narinig.  Iniisip ko kasi kung ano ang timpla ng manok. Ang sarap ng lasa." sabi niya. Nakangiti naman ito sa kanya na tila naman nagsasabing naiintindihan siya nito.

Mainam naman na dahil sa inis niya kay Jordan,  naka-isip  naman siya agad ng palusot. Inilipat niya panandalian ang mga mata kay Mrs. Dominguez na nakangiti din sa kanya. 

"Simple lang yan Mary. Dijon mustard, sea salt, dried thyme and a little bit of molasses lang." sabi nito sa  kanya.

Muntik na siyang mangiwi dahil yung asin lang ang kilala niya sa mga sinabi nitong sangkap pero tumango siya at nagpasalamat.

"Tinatanong ni Ken kung  gusto mo daw na sunduin ka na lang niya bukas para sabay kayong pumasok?" tanong ni Jho.

Tumingin siya ng may ngiti pa din sa labi . Tatanggi sana siya pero nagbago ang isip niya.

"Baka naman mapalayo si sir Ken." may lakip na hiya na sabi niya.

"Okay lang Mary..." malapad ang ngiting sabi nito.

"I'm sorry because this may come as a short notice but I came here  to tell you that  I need Mary's help tomorrow until Wednesday." sabat ni Jordan na nakatingin kay Jho pero agad inilipat ang mga mata  sa kanya.

Gustong  tumaas ang kilay niya dahil tell talaga ang sinabi nito hindi ask. Yung tipong hari  na namang umasta ito.

"What happened to Maya? " tanong ni Jho.

"I don't know. She just called and told me that she can't go to work tomorrow." malamig na sabi nito sa kapatid. 

Nagkibit balikat si Jho  kahit kunot ang noo bago nagsalita ulit. " We have to ask Mary. Okay lang ba Mary?"

"Maghanap na lang po ng iba si sir Jordan, mam Jho. Gusto ko na pong mag-focus sa trabaho ko sa inyo." malumanay na sabi niya na may ngiti pa din .

*** 

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now