Chapter 12

15.9K 539 26
                                    

Kumunot ang noo niya nang makarinig ng malutong na mura. Nagulat siya nang may humila kay Zion. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Jordan.

"HUWAG!" nasigaw niya ng kwelyuhan nito  si Zion at akmang susuntukin.

Pati sina Rhomz at Ruffa napahiyaw din. Pero bago pa siya makalapit sa dalawa,  isang malakas na suntok  ang tumama sa mukha n Zion. Napaatras ito sa lakas ng kamao ni Jordan. Hawak ni Zion  ang mukha na tinamaan.

"What's wrong with you?!" may galit at pagkalito na tanong nito kay Jordan. 

Susugurin  sana ulit ito ni Jordan pero mabilis na kinuha niya ang atensiyon nito ng sumigaw siya.

"Ano bang problema mo?!" galit na tanong niya dito bago siya naglakad para lapitan si Zion.

Bago pa siya maka-dalawang  hakbang, hinaklit ni Jordan ang braso niya to bring her to his side.

"What the fuck is this?! Why are you two together?!"  tanong nito sa kanya. Nagtatagis ang mga bagang nito at umaapoy ang mga mata sa galit.  Lumingon ito kay Zion. " I swear that I will crack your head with my fist!" 

"Cuz..!"

"Don't you fucking cuz me Zion! Wala akong pinsan na traydor!" 

Nakagat niya ang ibabang labi. Takot siya na mag-away ang mag-pinsan dahil lang sa selos ni Jordan kaya dapat umaksyon siya. 

"Ang dumi talaga ng utak mo! Ano ba ang pinagsasabi mo ha? Unang-una hindi naman tayo...Jordan!" angal niya ng hinila siya nito ng mabilis  papunta sa kotse nito.  Sa bilis ng mga pangyayari, ni hindi niya nagawang pigilan ito idagdag pa na sa laki ng katawan at tangkad nito, hindi naman siya makakalaban.

Bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan, lumingon ito sa tatlo. 

Tinatawag nila Rhomz ang pangalan niya pero hindi tumitinag ang mga ito sa kinatatayuan. Mukhang shocked din ang mga ito.Sinubukan namang sundan sila ni Zion but he halted ng itinaas ni Jordan ang isang kamay para warningan ito.

"Take another step and see what I will do to you!" banta nito.

"Listen to me first!" sabi nito sa pinsan habang nakakunot ang noo .

"Babalikan kita after I talked to Mary and don't you dare hide  because I will do worst things to you!" nagtatagis ang bagang na sabi nito kay Zion.

"Saan mo dadalhin si Mary?!" sa wakas nagkalakas ang loob na nagtanong si Rhomz.

"Oo nga! Saan?!  At ano ang gagawin mo sa kanya ha?!" segundang tanong naman ni Ruffa. 

Tumingin ito sa kanya imbes sagutin ang  dalawa. Naniningkit ang mga mata nito. Ramdam niya ang kinokontrol nitong galit. 

"Mary and I will  have the  real talk which  is long overdue. Wala akong masamang gagawin sa kanya. That's the last thing I want to do..." sabi nito na hindi inaalis ang mata sa kanya. 

Mas itinaas niya ang baba para matignan ng mabuti ang  gwapong mukha nito na hindi  na niya mabasa ang reaksyon. Hindi na ito mukhang galit. Napalingon lang siya ulit sa mga kaibigan ng marinig niya ang kilig na kilig na boses ni Ruffa.

"Aiyihhhh! Yun naman pala Mary! Gorabels na!! " sabi ni Ruffa kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"I won't force you to come with me but if you won't,  I will smack Zion until he is unconsious.." sabi ni Jordan sa mababa pero malamig na boses. Dama niya ang kaseryosohan sa tono nito.

Pagalit na binawi niya ang braso dito na mabuti naman at pinakawalan nito.

"Sasama ako sayo pero sa kotse lang tayo mag-uusap at hindi mo ako hahawakan!" inis na sabi niya dahil wala naman siyang choice.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon