Chapter 14

17.6K 511 20
                                    

Halos kakapasok pa lang niya mula sa labas at ngayon naman ginugulo niya ang pagkakaayos ng maliit na sala ng tita Jackie niya. 

"Seryoso ka ba sa naisip mo na yan ha? " tanong ng tiya  niya na kunot ang noo.

"Opo naman tiyang. Aayusin ko naman po mamaya ulit huwag kayong  mag-alala. " sabi niya bago ipasok sa kwarto na tintutulugan nila ni Bebang ang lumang electric fan na nasa sala.

"Nayyyyyy!!!" dining niyang sigaw ni Bebang na kakapasok lang. Nagulat pa ito ng makita siya.

"Ano bang trip mong bata ka ha?! Sa liit ng bahay natin  dinig na dinig naman kita kahit hindi ka humiyaw!"

"Eh kasi naman Nay! Basang-basa sa labas! Hindi naman  umulan maghapon! Putik putik tuloy ang paborito kong sapatos! Ano bang meron? At bakit nasa labas pa ang mga sinampay? Pag-alis ko kanina tuyo na ang mga yun eh! Para na naman tayong nag-uukay-ukay eh! Pati ba naman itong mga butas-butas ko na medyas   sinampay sa  harapan ng bahay? Di ba sa likod bahay to sinasampay kasi nakakahiya?!" maktol nito habang ipinakita sa kanila ang kumpon na medyas na kinuha nito sa sampayan.

Naikot niya ang mga mata bago naglakad palapit dito. "Ako ang naglabas ng mga damit! Akina nga  yan! Isasampay ko ulit! ! " sabi niya bago niya inagaw ang hawak ng  pinsan na siyempre umangal.

"Ateeeeee! Akin na! Ilalagay ko na sa kabinet!"

Sinamaan niya ito ng tingin at lalong inilayo ang kamay na may hawak ng medyas. "Props ko to! Padating si Jordan! Gusto kong isampal sa mukha niya kung gaano kalaki ang agwat ng estado namin sa buhay  at bakasakaling mabasag ang trip niya na maging kami!" inis na sabi niya bago  lampasan ang pinsan para lumabas sa maliit na bakuran sa harapan ng bahay.  Isinampay niya ulit ang mga medyas.

"Hayun! Kaya pala andito ka ulit ate dahil may shooting ka?  Dito ka ba matutulog?" tanong ni Bebang.

"OO! Dito muna ako ng ilang araw. " sagot niya.

"Teka ngang Mary Mar ka ha?! Ako naguguluhan na talaga ako sayo eh! Hindi ko na tuloy alam kung tumalino ka ba o balik ka na naman sa pagka-tanga mo! Hindi ba nga yan ang gustong-gusto mo?! Maging kayo ni Jordan?" tanong ng tita Jackie niya.

Tulad ng inaasahan, sumabat na naman  si Bebang. " Oo nga ate! Yan ang pinangarap mo ang makapangasawa ng mayaman at guwapo kagaya ni kuya Jordan.."

"Maka-kuya ka naman parang close kayo?" taas ang isang kilay na sabi niya  pero inikutan lang siya ng mata nito.

"... tapos ngayon gusto mong ma-turn off sayo?! Magulo  ka pa sa buhok ko sa umaga eh! Ano ba ate?! " 

"Ayus-ayusin mo nga yang utak mong Mary Mar ka ha?! Kung kelan malinaw pa sa sikat ng araw ang pagkakagusto din sayo ng lalaking yun, dun ka naman nag-iinarte!  " sabi ng tiyahin niya.

"Hindi  po ako nag-iinarte tiyang.  Gusto ko lang  pong malaman kung seryoso talaga siya at totoong tanggap niya ako at ang pinanggalingan ko. Hindi naman porke may nagbago sa akin, mabubura lahat yun. Ngayon ko nga ho  masusubukan ang lalaking yun. Isa pa ho, matagal ko ng inalis sa isip ko ang  mababaw na pangarap na yun. Hindi ko kailangan ng mayaman na lalake para maayos ko ang buhay ko.  Kung sino po ang ipagkaloob ng Diyos sa akin,  tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib  at mamahalin ko ng lubos kahit ano pa siya. Yun nga po ang  taimtim na ipinagdadasal ko ngayon. " sabi niya.

Umirap ang tiyahin niya. "Ewan ko sayong babae ka! Kung ganyan din lang ang gusto mo ikaw nang bahala! Nakakahiya lang sa tao kasi ang bait ng pamilya niya sa atin tapos gaganyanin mo? Ang ganda mo din  talaga ano? Tulad ngayon,  aakyat  pala  ng ligaw ang init-init pinasok mo ang bentilador sa kwarto! Tsaka makalat na nga ang bahay lalo mo pang ginulo? Baka naman sabihin niya ang burara nating masyado! Idadamay po pa talaga kami eh!" galit na sabi ng tiya niya.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now