Chapter 1

36.5K 777 39
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME.


©All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means whatsoever without express written permission from the author.

IMPORTANT:This is a work of fiction.All the characters are fictional. The events and places are based only on the author's very broad and sometimes wild imagination.They are not connected in any way to the photos used.The pictures of good-looking men and women were uploaded to add kilig-factor to the story.

A/N --Hi readers..susubukan ko na mas madaming tagalog  words ang  nobela dahil galing sa payak na pamumuhay ang bidang babae at medyo mahina po ng konti ang pick-up niya sa mga bagay-bagay  =).. Dapat tandaan din po  natin na fiction ito kaya wag masyado sensitibo ang iba diyan. Wala po akong intensyon na mag-discriminate or anything.   May pagka-komedi ng slight  ang story na ito kaya ienjoy na lang natin ang mga ibang eksena.  Bawal ang nega =)  Frustrated comedienne din po ako kaya push ko lang po ito.  =) 


A/N: Please read the complete story for free in Readoo.


"Saan mo gustong kumain  babe?" tanong ng super hot at sosyal  na nobyo niya habang hawak-hawak ang mga kamay niya. Nasa  loob sila ng mabangong kotse nito.

Nakasuot ito ng amerikana na kulay grey dahil galing ito sa trabaho. Manager ito ng  isang malaking kumpanya. 

"Kahit saan. Hindi naman ako maarte sa pagkain." nakangiting sagot niya.

Mas   pumogi ang bf niya dahil lalong lumapad ang ngiti nito.

"Yan ang gusto ko sayo babe. Napakaganda mo pero napasimple ng mga gusto mo. Ako na yata ang pinaka-maswerteng lalake sa mundo. I love you." bulong nito habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata para hintayin ang pagdapo ng labi nito sa mga labi niya.

Kumunot ang noo niya.  "Babe? Nag sepilyo ka ba?" tanong niya and napamulagat siya ng nakarinig siya ng malakas na tawa.

"Sabi ko na nga ba tulog ka at nananaginip na naman! Kanina ka pa tinatawag ng nanay! Lagot ka na naman! " 

Naningkit ang mga mata na umupo siya mula sa pagkakahiga sa papag. "Kahit kailan talaga panira ka! Masama bang magpahinga sa bahay na to?" inis na tanong niya sa pinsang si Bebang.

Bata ito ng limang taon sa kanya. Kaka- 16 lang nito  nung isang buwan.

" Pupusta ako yung prince charming mo na naman na matangkad, guwapo, malaki ang katawan at sosyal ang nasa panaginip mo no? Nagsasalita ka pa nga! Tsk..tsk! Ma-dedepress ka lang niyan  tapos mapapagalitan ka pa ni nanay! Paano yan magiging makatotohanan ni hindi ka nga marunong mag  English! Kita mo nga yang pagsasalita mo habang tulog ka? Tagalog pa din! May sosyal at mayaman ba na hindi  Inglisero o Inglisera? Napakalayo sa katotohanan! Utang na loob lang ate Mary! Tigilan! Mabuti pa lumabas ka na dun bago magbunganga na naman ang nanay ang aga aga eh! Isampay mo na daw yung mga damit! " litanya  nito bago nagsuot ng medyas na may malaking butas sa may parteng hinlalaki nito.

"Kung makapagsalita  ka naman Bebang parang ang tali-talino mo! At isa pa, FYI..O hayan!  Ingles yun!   FYI! " nakataas ang kilay na sabi niya sa pinsan bago tumayo at umpisahang ligpitin ang pinagtulugan niya. ".. marunong naman akong mag Ingles! Kaso medyo matagal lang  bago ko mabuo pero marunong kaya ako. Hello?! Nag-aaral kaya ako ng secretarial! Nakalimutan mo na?" 

"Ate! Hello din?!  Kakaumpisa mo pa nga lang kagabi  di ba? Para namang gagradweyt ka na eh!  At hello lang ulit ate Mary!  Matalino naman talaga ako no? "sagot nito na nakairap bago tumayo at humarap sa salamin at magsuklay.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now