Chapter 9

16.9K 617 45
                                    

Gusto niyang pagalitan ang sarili sa mga pumasok sa isip niya. Muntik na yata niyang makalimutan na mas tipo nito ang malaki ang hinaharap. Eh ang malaki lang naman sa kanya puso.  Paano naman siya nito pagnanasaan nang ganun? Nakagat na lang niya ang  ibabang labi. Mas ayos naman yata ang may gusto na lang muna ito sa kanya kesa sa pagnanasa agad. Kapag pagnanasa parang ang babaw kasi nun. 

"Take a nap. We'll be there in an hour or so."  sabi ni Jordan.

Kumunot ang noo niya. Matutulog daw eh kakagising lang nga niya? Kundi nga siya natulog, malamang hindi nangyari ito. 

"Kidnap to sir." malamig na sabi niya habang nakasimangot.

"Maybe it's better if you sit next to me, babe." may bakas na ngiti sa boses na sabi nito bago tumingin sa  rear view mirror panandalian. Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Hindi niya napigilang itaas ang kaliwang kilay sa tono nito na may landi isama pa ang malagkit na titig nito na kitang-kita sa salamin.

"Mary na lang sir. Hindi mo naman ako jowa." supladang sabi niya bago humalukipkip. Matalim ang tingin niya dito.

"Come on babe,  drop the sir .  I am not your boss anymore remember?" malanding tanong  na naman nito.

"Magtagalog ka kaya? Sumasakit na naman ang ulo ko!  Alam mo naman, aanga-anga ako  at hindi ako nakaka-intindi ng Ingles!" nakalabing sabi niya.

Nagulat siya ng biglang pumuhit sa kanan ang sasakyan para huminto. 

"Magpapakamatay ka ba?! Bakit mandadamay ka pa ha?!" tanong niya dito habang hawak ang dibdib. Nalaglag yata ang puso niya.

Hinampas nito ang manibela at  inaabangan na lang niya na sigawan siya nito. Na-bad trip malamang ito  sa sinabi niya. Pigil ang hininga na naghintay lang siya. Ito naman,   ilang beses nagbuga at nagpasok ng hangin sa baga na parang kinakalma ang sarili.  Nakatingin lang ito sa kalsada sa harapan nila at nakahawak ng mahigpit sa manibela ang dalawang kamay. Padabog na lang siyang sumandal ulit sa upuan at nakasimangot na tumingin sa labas ng bintana.

"Look! I will try my best na bumawi sa mga nagawa at  nasabi ko sayo during our business trip. I am used to giving orders that way dahil madalas hectic ang schedule and I don't like wasting time. Time is money. At hindi ka tanga okay? It was all my fault! I was inconsiderate so  I'm  sorry."

Muntik na siyang mapa-ubo nang marinig ang huling mga sinabi nito.

"Tagalog!" kunot ang noong sabi niya kahit naiintindihan naman niya. Papanindigan na lang niya na bobo siya sa Ingles.  Sa totoo lang, mas hirap siyang magsalita  kesa makaintindi. 

Isinuklay nito ang kamay sa buhok bago pagalit na binuksan ang pintuan ng sasakyan para lumabas. Napausod naman siya sa kanang bahagi ng upuan para lumayo dahil mukhang pupwersahin siya nitong ilabas sa kotse o  baka papasukin siya sa loob para  gawan ng masama. Wala pa namang masyadong sasakyan ang dumadaan dahil mag aalas dos na. Naitakip niya ang kamay sa bibig sa mga naglaro na naman sa utak niya.  

Muntik na siyang mapahiyaw ng buksan nito ang pintuan. Pumasok ito pero hindi naman siya hinila o hinawakan. Umupo lang ito na hindi inaalis ang mata sa kanya.

"Hindi ako sanay mag apologize but I  just did dahil gusto kong makapag-usap na tayo ng maayos. Pero huwag mo lang sana akong masyadong ipupush dahil hindi ko masisigurado that I will be always patient. Don't forget that babe! And one more thing, I like calling you babe so I won't stop!" mabilis na sabi nito  sa iritadong boses nang akmang magsasalita siya para sana sawayin ito.

Itinikom na lang  niya ang bibig dahil wala naman pala sa mga naisip niya ang gagawin nito. In fairness naman dito,  hindi  naman mukhang bayolente ang gagawin nito  sa kanya. Pwede naman siya sa pag-uusap na nabanggit nito. Mas mainam nga  na mag-usap na sila para matapos na.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum