Chapter 13

16.4K 501 25
                                    

Itinulak niya si Jordan kasabay ng malakas na busina ng isang sasakyan. Nagmura ito ng mahina na narinig pa niya bago niya buksan ang pintuan para mabilis na  lumabas. Pero bago pa siya makatakbo, he was in front of her. Lukot na lukot ang mukha nito. Nasa  tagiliran nito ang mga kamay. Kahit papaano naman mukhang nagpipigil ang mga kamay nito na dumantay sa mga braso niya para ibalik siya sa kotse.

"Babe.."

Sinampal niya ito.

"Sabi ko don't touch me! Pero ano ha? Mas  grabe ang ginawa mo! Ang bastos mo talaga!" galit na sumbat niya.

Halatang nagtitimpi, nagmura  na naman ito ng mahina bago isinuklay ang kamay sa buhok.

"Will another sorry make things better?! If yes then I will apologize again! If not then I take it back! I am not sorry that I kissed you because I have been dying to do that! Hindi pa ba sapat ang pagtitiis ko? Can't you really forgive me?! Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sayo? What will make you forgive me? For fuck's sake babe!  Just tell me!" nagtatagis ang bagang na sabi nito.

Ibubuka na niya ang bibig ng nagsalita ulit ito. " Out of the question that I leave you alone! "

Itinaas niya ang baba at tinignan niya ito nang naniningkit ang mga mata. " Hindi ka pa din talaga nagbabago. Gusto mo lahat na lang susunod sa mga sinasabi mo.."

"It's difficult to change everything  babe. I am working on it though. It's funny that you mentioned that because  most of the time, you do the opposite of what I want or say. It pisses me but at the same time amuses me.  But one thing I want you to keep in mind is  that would be the last time that you will slap me. Next time, I will kiss you torridly.  Walang kwenta ang sampal dahil  matitikman ko  naman ang mga labi mo.  It  goes without saying that hitting any part of my body out of anger is included too. Got that babe?" tanong nito na may nakakalokong ngiti.

Her  new mantra... Kalma..hinga ng malalim... 

Kailangan niyang isaisip ang kahahantungan kung sasampalin na naman niya ito o tatadyakan na gustong-gusto niyang gawin.  Mumurahin na lang niya ito sa isip niya at pwede ding umbagin na niya ng paulit-ulit.  Ngumiti siya na sinadya niyang lumabas na plastik pa sa pinagsamang orocan at tupperware, pati na din plastic ng yelo at ice candy.

"Tapos  ka na? So pwede na akong umuwi? Mas maganda na lumayas ka sa dadaanan ko." sabi niya sa malumanay na boses . Mas tinamisan pa niya ang plastik na ngiti .

With a chuckle, sabi nito, " Get in babe. I will bring you home. As you can see, halos walang dumadaang sasakyan dito. And hindi mo ba nakita yung kanina? That driver had to honk because of that stray animal. If hindi niya ginawa yun, he would have ran over that poor but still dangerous thing. I heard masakit ang ma-inject ng anti-rabies. " 

Tumaas ang isang kilay niya. "Para-paraan?" Nilakipan niya ng inis ang boses niya na ikinalapad pa ng ngiti ni Jordan.

"Up to you babe.  But you don't have to worry, dadalhin naman kita agad sa ospital if you got bitten.."

"OO NA! Sasakay na nga di ba? Ang dami mo pang ewan!" bwisit na bwisit na sabi niya bago padabog na sumakay ulit.

Balik na naman siya sa posisyon niya kanina na halos mabale ang leeg niya. Pinag-krus niya ang mga  braso sa dibdib habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Kain muna tayo babe. I haven't eaten lunch yet and it's past 4 PM already. I had to wait for you for almost an hour. " 

Aba't kokonsensyahin pa yata siya?!

Galit na lumingon siya dito and he turned to her too. Ang ganda ng ngiti nito pati ang mga mata kumikislap pa.

"Sino ba ang nagsabi na antayin moko? May appointment ka ba?!  Isa pa kung gusto mo ang dami mong mauutusan para ibili ka ng pagkain! Sa dami nga ng pera mo lahat kaya mo namang gawin! Bakit sinisisi mo ako..."

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang