Chapter 6

15.4K 592 63
                                    

"Ewan ko sayo Mary Mar! Nasa kama ka na magbabanig ka na naman?! " inis na sabi ng tita Jackie niya. 

Inilapag niya ang backpack niya sa papag na dating higaan niya . Pagpasok pa lang niya sa pintuan parang machine gun na nagbunganga na ang tiyahin niya. Inasahan naman niya yun mula ng itex niya ito at ipaalam na babalik na siya sa bahay nito. Pasalamat siya at wala pa si Bebang dahil kung hindi, gagatungan pa nito ang ina.

"Tiyang.."

" Sabi ko na nga ba wala ding saysay ang pag-aaral mo ng secretarial eh! Andun ka na nga hindi  mo pa ginalingan?! Kung bakit naman kasi libre ang katangahan kaya  pinakyaw mo yata lahat! " nakapamewang pa na sabi nito .

Yumuko siya sa papag para iwasang tignan ito dahil baka sa sama ng loob niya sa mga nangyari at sa  inis niya, makasagot pa siya  ng pabalang dito na magpapalala ng sitwasyon. Inumpisahan niyang ilabas ang mga gamit na nasa backpack niya.

"Tiyang, hayaan niyo na ho. Hindi para sa akin yung trabaho na yun. Nakausap ko na po si kuya Akong, babalik ako sa karinderya  niya. "

"At ano ha? Dating gawi na naman? Halos hindi mo ako maabutan ng extra dahil diyan sa kakarampot na  nga lang ang sahod mo, dumagdag pa yang pamasahe mo  sa pagkuha mo ng kurso na yan! Subukan mo na nga lang na umekstra  sa komersyal kahit sa sabong panlaba para lumaki-laki naman ang inaabot mo sa akin! Sayang naman yang hitsura mo!"

"Nay! May interview pa din sa mga ganun! ANg tanong e pumasa kaya si ate? " sabat ni Bebang na kakadating mula sa eskwelahan.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit andito ka na ha? Di ba whole day ka?" tanong niya sa pinsan.

"Absent ang teacher ko sa hapon. At saka nay, mas bagay kay ate Mary ang model ng bitamina gaya ng Calcium, Magnesium, Zinc..para sa brain. Yun ang lesson namin kanina eh!" pangaalaska pa nito.

"Heh! Kapag hindi umayos ang mga guro sa eskwelahan mo malamang magagaya ka na din sa pinsan mo!  Palagi na lang may absent! Ano na naman ang rason ha? May seminar or makikipaglibing?"

"Birthday ng anak niya 'nay. Maguuwian daw ang mga kamag-anak na galing pang probinsiya."

"Pisti! Paano kayo matututo kung ganyan? Pag ako nainis talaga, susugod ako sa eskwelahan mo eh! Mabalik ako sa yo  Mary Mar ka! Tumingin ka sa akin! Umayos ka ha?! Mukha namang mabait  si Jho na yun, bumalik ka na dun! Wag yang aarte-arte ka! Ikaw naman pihado ang may kasalanan kaya may palpak na nangyari kaya wag kang magmalaki sa kanila! Tawagan mo na at mag sorry ka! Bwisit na buhay to! Hirap malahian ng tanga! " sabi ng tita Jackie niya sa pasigaw na boses bago tumalikod.

"I-zipper mo yang bibig mo Bebang kung hindi tatampalin ko ng tsinelas! Nakakasakit na talaga  kayo ng damdamin ng nanay mo!" inis na sabi niya sa pinsan na mukhang  may idadagdag na naman.

Umirap ito bago nag-umpisang maghubad ng sapatos. " Sensitive my skin  ka naman ate. "  reklamo nito.

Bigla namang nag-ring ang cp niya at nang makita ang tumatawag, lumabas muna siya ng kwarto. Ayaw niyang madinig ni Bebang kung ano man ang pag-uusapan nila.

"Mam Jho? Bakit po?" kunot  ang noong tanong niya.

"Mary, kung ano man ang nangyari sa inyo ng kapatid ko, if willing kang sabihin sa akin, I will listen. Hindi kita pipilitin na ituloy natin ang napag-usapan natin pero  hindi mo naman kailangang umalis sa apartment or mag-resign sa akin. Tuloy pa din ang napangako ko sayo. Pati yung pagpapa-aral ko sayo. Wag mong iisipin na bayad yun sa kung ano man ang ginawa ni kuya Jordan. It's just my way of saying thank you kasi pumayag ka sa crazy idea ko. Nahihiya ako sayo na sa bandang huli..."

"Okay lang ako mam Jho. Mabuti nga may experience na ako sa sobrang demanding na boss. Sa susunod alam ko na ang gagawin ko." may lakip na tipid na ngiting sabi niya.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon