Umupo siya sa study table niya at binuksan ang laptop, nagedit ng kaunti at nagprint. "ayan! Tapos na! Mapapasa ko na to bukas! Ipapasok ko na to sa folder ko para di makalimutan bukas" at pagkatapos nun ay natulog na ang dalaga sa ganap na 1:30am.

-----

Kinabukasan----

YUSUKE'S POV

Gumising ako ng medyo lumiliwanag na, nagstretch ako at nakita ko ang Ningen ko na nakabihis na "magandang umag-" naputol na sabi ko kasi parang may mali?, parang ang tamlay niya tignan "yo" matipid na sagot niya

"Oy, ayus ka lang?" tanong ko sa kanya, kasi parang paghinipan ko siya ngayon mukhang tutumba eh.

Lumingon siya sakin with annoyed regular poker face niya "oo naman" annoyed siya kasi di niya naayos yung gamit niya kagabi kaya medyo magulo pa at nagmamadali siya.

Malelate na nga siya eh, agad niyang isinukbit ang bag niya at madaling umalis, di ako sumasama sa kanya papasok ng eskwelahan niya kasi may malakas na barrier naman kasi, sinusundo ko lang siya, kasi lumalabas ang mga loko-lokong yokai pag pagabi na. pero... mukhang hindi talaga siya okay...kaya sinundan ko siya pababa at nakita ko na nakahanda na ang almusal sa lamesa, pero kumuha lang siya ng isang slice ng tinapay "la, una na po ako! Malelate na po kasi ako"

"Di ka ba kakain apo? Baka magutom ka" nagaalalang sabi ng matanda "Ayos lang po ako" sagot ng dalaga habang nagsasapatos

Sumunod ako sa kanya sa may pinto "hatid na kita", mukha kasing kailangan niya ng alalay papasok "Hindi na" at lumabas na siya ng pinto

Pagkasara ng pinto, naiwan na lang ako at ang lola niya sa bahay as usual "Kitsune, paki alagaan ang apo ko" nagulat ako at napalingon sa likod ko.

"Nakikita niyo po ako?" gulat na tanong ko, hindi ko akalain na nakikita pala ako ng lola niya all this time.

"Oo, at alam kong kasali siya sa competition ngayong taon. Paki bantayan siya. Masyado kasi niyang sinasarili ang mga problema niya. Ayaw niya kasing manggambala ng iba kahit nahihirapan na siya. Kaya pakiusap ko na lang na pako alagaan at bantayan siya" at ngumiti lang ang lola ni Umeko

Nagbow ako sa kanya na ibig sabihin na gagawin ko ang hiling niya "nakikita niyo pala ako???" confused na sabi ko "pero bakit po hindi ko nararamdaman ang presence sa inyo?"

Naggiggle ang matanda "Hindi kasi ako ganun kalakas na nilalang kaya parang wala lang. Nasa lahi namin ang mga nakakakita ng mga katulad niya" at sumagot ako "ganun po ba?"

"Lola na lang din ang itawag mo sakin, tara na at pumasok na tayo sa loob, ikaw na din ang kumain ng almusal masama ang nagsasayang ng pagkain" at kumain kami ni Lola ng almusal

Narrator's POV...

Sa School nila Umeko, kakatapos lang ng isang subject, nagliligpit ulit ang mga estudyante para sa susunod na klase nila "Bago kayo lumabas, paki pasa ditto sa teacher's table an mga research proposals ninyo" sabi ng kanilang teacher, isa-isa silang dumaan sa harap inilapag ang requirement at naglakad papunta sa locker room

Habang naglalakad umiinom ng juice si Chika "Haaaaaay, buti na lang last week na natin ngayon bago mag Christmas breakkkkk woooooo!" patuloy lang sila naglalakad pero tahimik lang si Umeko "Uy! Ayus ka lang?"

Napalingon naman si Umeko "Huh? Oo, puyat lang" poker face niyang sinabi , pumunta sa harap niya si Chika at inilapat ang kanang kamay sa noo ni Umeko "HOY! May lagnat ka!! Wag ka na mag P.E.!!! baka mapano ka pa!!!" sermon ng kaibigan. Tinanggal naman ni Umeko ang kamay ng kaiban sa ulo niya "Ayos lang ako, last PE naman na natin to at practical test natin sa beam eh , kaya tapusin ko lang to tapos magpapahinga na ko paguwi"

Nag-aalala padin si Chika sa Kaibigan " Basta I-promise mo, pupunta ka sa clinic pagtapos mo magpractical test ah" nakarating na sila sa locker room at nagbihis.

Nang makalabas na ang lahat ng estudyante, nakaupo sila alphabetically at nakatingin kay Kobayashi-Sensei sa harap na may kasama pang isang babaeng teacher "Good morning class, today is your last practical test before the christmas break kaya pag-igihin ninyo. Kasama natin ngayon si Yokohama-Sesnsei para tulungan tayo para mapabilis ang practical ninyo" Nakatitig naman karamihan ng babaeng estudyante kay Yokohama-sensei , medyo mukhang naannoy si Kobayashi-sensei "ehem, lahat ng mga boys kay Yokohoma-sensei at ang girls saakin" at nagreact ang mga babae na mukhang tutol

"EHHHH!! Gusto ko kay Yokohama-senseeeei"

"Mas gwapo si Yokohama-sensei!!"

"Gusto ko sa kabilang grupooooo!!"

Yan ang mga maririnig sa mga estudyanteng babae "Naiintindihan niyo ba?" mukhang annoyed talaga si Kobayashi-sensei "Kung walang tanong, pumila na kayo"

At nagsimula na ang practical test, mapapansin ang mga level ng mga estudyante, may magagaling, may mga sakto lang, beginner at yung mga di talaga marunong. Nang umabot na kay Umeko, Mukhang namumutla na ito at ang tamlay "Hachigatsu ikaw na" sabi ni Kobayashi-sensei "Opo" at lumapit naman siya sa may Beam

"Diba si Hachigatsu yung gusto mong i-recruit? Magaling ba talaga siya?" tanong ni Yokohama-sensei , nagmount na si Umeko sa beam "You watch" sabi ni Kobayashi-sensei

Nagsimula si Umeko magpractical test, makikita na isa siya sa mga advanced, nagagwa niyang magcartwheel at gumawa ng mga jumps sa beam "Oo nga , may potential s-" naputol na sasabihin ni Yokohama-sensei "Wait, there's more" at nakatingin lang siya kay Umeko habang hawak hawak ang ballpen at clipboard niya

Magfinal combination na si Umeko, nagready na siya, at mukhang gagawa ng backhand spring double, pero naalarma ang lahat ng Nakita nila na hindi secured ang isang paa niya at mukhang mahuhulog na si Umeko buti na lang nasalo siya kaagad ni Kobayashi-sensei at nagulat siya ng walang malay ang dalaga "Hachigatsu! Gising!" naramdaman niyang mainit ang katawan ni Umeko "Kailangan natin siyang dalin sa clinic! Yokohama-sensei ikaw na muna sa mga bata" at binuhat ng guro ang walang malay na Umeko palabas ng gym at nagmamadaling itakbo ito sa clinic.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YokaiWhere stories live. Discover now