Chapter 3

15 3 2
                                        

Chapter 3

Nagising ako nang nasinagan ako ng araw mula sa bintana. Waaah, ang liwanag. Nagflash back sakin ang mga nangyari kagabi. "panaginip ba yun?" pumikit ako at inayos ang higa.

"hindi panaginip yun" sabi ng nakakalokong boses nang lalaki kaya agad ako napamulat nakita ko yung nilalang na nakipagsundo ako na nakadungaw sa headboard ko nakangiti sakin at ang mask niya naka place sa may gilid ng ulo niya.

"what the hell!!??" napaupo ako bigla at nahulog ng kama dahil sa gulat nang nakita siya "a-anong ginagawa mo ditong yokai ka?!"

"yu-su-ke. Yusuke ang pangalan ko nakalimutan mo na ba??" at naglakad siya papunta sa may bintana at umupo dun "Dito na din ako titira kasi ako na ang yokai mo wooooo!" masiglang sabi niya "Kailangan lagi tayong magkasama kasi nagsimula na ang competition baka mamaya may makasalubong ka at may makalaban, dapat handa ka. At oo nga pala! Dapat magstart na tayo magtraining, alam kong magaling ka base sa pinakita mo kagabi pero iba na pag mga bihasa na yokai at tao na ang makalaban natin"

Nakatingin lang ako sa kanya with poker face "training?" -_-

"oo, training, para gumaling ka-" naputol na sabi niya

"ayoko na, I want out" sabay balik sa kama at magtatalukbong ulit ng kumot kaso di natuloy dahil hinatak niya yung kumot ko

"hep! Hep! Bawal na magback-out dahil mamatay ka ng wala sa oras. Wala ng bawian. Yun yung rules!! Ano bang meron sa training?" patuloy niya pa ding hinahatak yung kumot ko at hinahatak ko din para makatulog na ko ulit

"ayaw ko, tinatamad akooo! Di nga ako sumali sa varsity team dahil ayokong magtraining ehhhhh!" biglang may kumatok sa pinto

At iniluwa ng pinto si Lola "Umeko, apo tanghali na , bibili ka pa ng baon mo para sa fieldtrip mo bukas"

"ay oo nga pala, sige po 'la bihis lang po ako" sabay tayo ko sa kama at kumuha ng damit at nagpalit sa C.R.

After ilang minutes lumabas na kaming dalawa nitong Yokai na to at naglakad papunta sa shopping center.

"Sabi ko sayo na maghintay ka na lang sa bahay eh, bibili lang naman ako nang mga babaunin ko" nakatingin lang ako ng diretso para hindi halata na may kinakausap ako dahil ako lang naman ang nakakakita sa kanya at baka mamaya pagkamalan pa kong baliw.

Nakasandal ang ulo niya sa mga braso niya na parang ginagawa pagmatutulog na walang unan kaso naglalakad siya "Diba sabi ko din sayo baka mamaya, may makasalubong kang kalaban. Nagstart na ang kompetisyon diba..." medyo naiinis padin ako sa tono ng boses niya na parang nangaasar "at ipapaliwanag ko na sayo ngayon ang patakaran ng kompetisyon na to"

"tsk." Napasimangot ako at nagpout daming ganap

YUSUKE'S POV

Bwisit talaga tong mortal na to ah, pinipigilan kong tumaas ang kilay ko dahil sinimangutan ako nang sinabi ko na magpapaliwanag ako ng patakaran. Ugggh, kung hindi ko lang talaga siya kailangan para manalo eh, baka inihulog ko na to sa impyerno

Nakarating kami sa isang malaking lugar, supermarket ang tawag ng mga tao dito at maraming pagkain at kung ano pa ang mabibili. Pumasok kami at kumuha siya ng bakal na kahon na may gulong, cart daw ang tawag dun. Tinulak niya yun at naglakad papunta sa mga pasilyo "Ito na nga, ang tawag sa kompetisyon na to ay ang Ningen-Yokai Competition nagsisimula ang laro na ito sa unang araw ng Nobyembre na tinatawag niyong Halloween at magtatapos sa Obon-Festival sa Agosto"

"Bakit hanggang agosto yung compet?" tanong niya sakin na may mukhang walang emosyon, at nakatingin pa din sa dinadaanan niya. Naiintindihan ko na magmumukhang siyang baliw pag kinausap niya ako na hindi nakikita ng iba.

YokaiWhere stories live. Discover now