chapter 4

15 3 0
                                        

Paguwi namin sa bahay, di ko maexplain sa lola ko kung bakit ako may gasgas sa mukha ko, kaya sinabi ko na lang natalisod ako hahaha.

Umakyat kami sa kwarto ng yok- ughh, ni Yusuke pala at umupo siya ulit sa may bintana "diyan ka muna, magpapalit lang ako" kinuha ko yung towel ko na nakasabit sa may pinto at pumasok "

NARRATOR'S POV

Pagkalabas ni Umeko ay nakapagpalit na siya ng damit nakasuot na siya ng pambahay na shorts na itim at oversized white t-shirt, nag-indian sit siya sa ibabaw ng kama niya at humarap kay Yusuke

"Yu-" naputol na sabi ni umeko dahil agad na nagsalita si Yusuke

"Ano? Makikinig ka na saakin?”  nakacross arms na sabi ni Yusuke “Buti na lang na magaling ka mag-isip” tahimik lang si Umeko dahil alam niyang mali siya sa hindi pakikinig sa Yokai “Ganito yun, ang tawag sa katulad ko ay Yokai, at alam kong alam mo na yun, isa akong Kitsune, isang uri ng yokai na fox. Ang tawag sa iyo ay Ningen, isang tao at katulad ng nangyari kanina may ipapahiram kaming kapangyarihan sa inyo at isang sandata”

Tumango tango lang si Umeko “May 6 rounds ang kompetisyon na ito, hindi namin pwede sabihin kung anong mangyayari sa isang round hanggat hindi pa ito magsisimula, pero ngayon nasa round 1 tayo ngayon at ang tanging maibibigay ko lang sa inyo ay gabay, pwede lang kita itrain sa round 1. Oo nga pala, kapag nanalo ka sa isang battle automatic na matatanggal sa kompetisyon ang  nagging kalaban mo"

“ano mangyayari sa natalo? Katulad kanina, nabagsakan siya ng puno, mamatay ba siya?” nagaalalang tanong ni Umeko dahil mukhang nagui-guilty siya sa ginawa niya kay Shino na nabagsakan ng puno

Umiling si Yusuke “mamatay siya bilang Ningen pero Kung napansin mo kanina ay nawala lahat ng mga galos niya at balik na siya sa normal, nakatulog lang ang katawang tao niya at pagnagkamalay na siya ulit mawawala na ang kapangyarihan na ipinahiram sa kanya at kasama na dun ang kakayahan niyang makakita ng mga katulad namin”

“ah ganun ba? So bakit sabi ng mga pusa bawal mong sadyaain ang pagakatalo-“ naputol na sabi ni Umeko

“dahil mamatay ka ng wala sa oras” dugtong nito sa naputol na sabi ni Umeko

“yan ang saktong sinabi nila” pagaalala ng dalaga sa mga dalawang bakeneko (pusang yokai) na nagiinuman sa puno sa tapat ng bintana ng kwarto niya.

“ alam kasi namin na may mga taong katulad mo na ayaw ng kakayahan na meron kayo at marami ang sumasali para matanggal ang kakayahan na yun, kaya ginawan ng bagong rule para dito, na kung sinuman ang sadyain ang pagkatalo ay mamatay bilang Ningen at bilang tao. Dahil nasasayang ang pagkakataon para sa isang yokai na maging ‘kami’. 1 beses lang sa 5 taon pwede sumali ang mga yokai, nasasayang ang panahon sa mga taong sinasadyang magpatalo. Kaya tanggalin mo na sa utak mo na gawin yun”  tumayo, naglakad papalapit at nagpamewang si Yusuke at naglean palapit kay Umeko at tinitigan ito na parang bang sinasabi na wag siyang magbabalak ng masama

Dahil sa lapit ng mukha ni Yusuke ay napaatras ng slight si Umeko  “a-ano ba mapapala ko sa game na to? Di parin malinaw eh”

Nagpout si Yusuke “Lagi mo Kasi akong hindi  pinapatapos ehhhhhhh” huminga muna siya ng malalim “hay, itona nga, katulad ng sinabi ko sayo may 6 rounds yung kompetisyon na ito at hindi namin sabihin ang mga mangyayari sa mga susunod na mga rounds. Sa dulo ng game kung sino ang mananalo ang Yokai ay magiging isang KAMI isang diyos ang pinakamataas na uri ng nilalang, at ang Ningen na man ay may bibigyan ng  isang kahilingan o wish actually pwede kayo mamili sa dalawa, una, pwede kang manatiling isang tao at kunin ang isang wish or i-keep mo ang pinahiram namin sa inyo at maging Yokai katulad namin-“

“Not an option!!!! Not in a million years!” tutol ni Umeko na naka porma pa ng X ang mga kamay

-_- “Oo na alam naman nating dalawa yun eh, sinasabi ko lang sayo ang pwedeng pagpiliian. So ganito, pag nananalo ka sa battle na katulad ng nangyari sayo kanina magkakaroon ka ng marka diyan sa forearm mo na hugis bilog na may lotus sa gitna.”

YokaiWhere stories live. Discover now