"TRAINING"
Narrator's POV
May isang orb ang lumabas sa isang binatilyong mga kulay brown na buhok at kasalukuyang wala siyang malay. Lumutang ang orb na ito sa harap ni Umeko at doon nabasag. "yan na ang pang lima mo" sabi ni Yusuke habang n aka crossed-arms at nakasandal sa isang puno. Nakatingin lang si Umeko sa braso niya na nadagdagan ng isa pang marka.
Nagulat si Umeko ng biglang nagliwanag ang mga marka sa kanyang braso at biglang may orb na pink na lumabas mula braso niya at bigla itong nagpop na parang bubbles at may lumabas ng maliit na pink na scroll na may design ng mga sakura. Binuksan niya ang scroll at binasa "Maligayang Pagbati! Ikinagagalak naming ipaalam na si Hachigatsu Umeko at ang Yokai na Yusuke ay nakapasa sa Unang Bahagi ng Paligsahan. Aming ipinapaalam na ang Ikalawang bahagi ay magsisimula sa Araw ng bagong taon ng Hating gabi. Muli, Maligayang pagbati sa iyong pagpasa. Lubos na gumagalang Hanabi"
Malakas na pag-Pat ng likod ang ginawa ni Yusuke kay Umeko "ang galing! Nakapasa ka sa unang round!"
"Aray!!!!! Ang lakas nun ha!" galit na sabi ni Umeko habang hinihimas ang likod niya
Napakamot ng ulo si Yusuke "hahaha, sorry, nadala lang"
"Hanabi? Sino si Hanabi?" sabi ng dalaga habang tinitignan ang pink na scroll na hawak niya
"ah, isa siya sa mga facilitator ng competition na to. Isa na din kasi siya sa mga nanalo dati" at nagsimula na silang maglakad pauwi "kaibigan ko si Hanabi at sabay kaming nanood ng mga competition na to. Pero mga 50 taon na nakakaraan nagdesisyon siyang sumali at ayun! Nanalo siya. Nakahanap kasi siya ng isang taong omyouji"
Kasalukuyang bumibili ng gulay si Umeko sa isang maliit na tindahan. Nagbayad ito at kinuha ang pinamili at naglakad na ulit sila "Omyouji? Ano naman yun?"
"ah sila yung mga tao na may onting kapangyarihan na katulad samin. Malalakas sila dahil may sarili silang abilidad na lumelevel sa mga tunay na yokai." Bago sila pumasok ng bahay "pero madalang sila" biglang bumukas ang pito at sumalubong ang lola ni Umeko
"o apo nandito ka na pala." Kinuha niya ang ecobag ng mga gulay "pumasok ka na at magluluto na ko ng hapunan"
"pero 'la ako ang magluluto ngayon" tutol ni Umeko
"ako na muna. Magiging busy ka na eh kaya ako na muna" sagot ng lola niya "kakailanganin mong magconcentrate diba?" ngumiti lang ito at naglakad na papasok ng bahay
Nagtaka naman si Umeko sa sinabi ng lola niya "hindi kaya alam ni lola ang competition?"
Pumasok na silang dalawa ni Yusuke sa bahay "I doubt. Kasi nakita ng lola mo nung isang araw sa schedule mo na madami kang requirements at mga practical exams this 2 weeks diba?"
"ah oo nga noh hahaha Assumera lang sorry" sabi ni Umeko habang nagkakamot ng ulo, umakyat muna ang dalawa sa kwarto nila, umupo sa chair sa tapat ng desk si Umeko at tinignan ang mini calendar stand niya sa table at napasimangot "wahhhhhh" sabay hiniga ang ulo sa table "ang dami kong gagawin!!!!!!!!!!!!"
Tumayo si Yusuke mula sa kama at sinilip ang calendar na hawak ni Umeko "hmmmm, oo nga ang dami mo pang gagawin. Tapos malapit na ang round 2 kailangan mo na din isingit ang training sa schedule mo"
Biglang iniangat ni Umeko ang ulo niya mula sa pagkakahiga at napatingin kay Yusuke "training?? Ilang linggo na lang ba?"
"2 linggo eksakto" at humiga si Yusuke sa kama na parang nagpakahulog sa swimming pool "ilagay mo na sa schedule mo 8 hanggang 9 ng gabi training natin, wala akong pakielam kung ano gagawin mo bago o pagkatapos ng oras ng training."
BINABASA MO ANG
Yokai
AdventureKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
