Chapter 2

11 3 0
                                        


"Apo, gising na"

Napamulat ako nang narinig ko ang boses ni lola. Tumingin ako sa orasan ko [1:00PM] what the hell????? Ala una na pala *Yawn* late na kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip dahil ngayon ang bisperas ng araw ng mga patay . Halloween for short. Ibig sabihin kailangan ko na ibigay ang sagot ko.

Tumayo ako , hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana. May nakita akong dalawang pusa naguusap. Oo dalawang pusa naka edo style clothes din at nagiinuman ng sake

"Mamayang hating gabi, ganap na magsisimula ang kompetisyon. Sa tingin mo sino kaya ang magiging Kami ngayong taon?" sabi nung pusa nakapula at may eye patch sa kaliwang mata

Tumagay naman ang kasama nitong naka blue na may print ng isda sa likod "ayan ang hindi nating masasabi, ang tanong, may mga lalabag kaya ulit sa mga patakaran?"

"aba edi masaya para may Makita namang tayong aksyon. Baka may mga tao nanaman mamatay sa kompetisyon hahaha" sabay tagay nang sake. At nagtawanan ang dalawa.

Alam na alam ko yung competition na sinasabi nila. Madami na kasing mga katulad nila ang naguusap tungkol dun sa mga dinadaanan ko. At sabi ko na nga ba may gimik nanaman ang mga yun. I heard na aabot ang competition na to sa obon festival sa August. sa haba ng panahon na yun pano ang pagaaral ko? At kapag natalo ka naman agad sa battle mawawala na ang ability mong Makita sila. kaya gusto ko na ding sumali. Pero narinig ko din na kapag sinadya mo daw magpatalo mamatay ka nang tuluyan. Ughhh. Ano ba!!!

"Umeko, bumaba ka na diyan at kumain ka na!" narinig kong tawag ulit sakin ni Lola

"opo!" kaya agad akong bumaba

Nangdumating ako sa dining area umupo na ako "Salamat sa pagkain!" at kinuha ko na ang chopsticks at nagsimula nang kumain

"Umeko, apo, pwede ka ba munang dumaan nang temple mamayang gabi?" sabi ni Lola habang naghuhugas ng pinggan

Medyo nagulat ako "sa temple po? Bakit po 'la?"

"kasi gusto ko sana na bumili ka ng lucky charm." Patuloy padin siya sa paghuhugas "at napapansin ko may mga iniisip ka. Kaya maglibang ka muna at magdasal ka na din at humingi ng gabay para malinawan ka"

Napahinto ako sa pagkain at napatingin kay lola . Nagulat lang kasi ako parang alam niya na may problema ako. Haysss si lola talaga "sige po 'la"

-----

Umalis ako ng bahay around 6pm, kasi hanggang gabi naman yung festival kasi nga Halloween. Nandito na pala ako sa baba ng batong hagdan at tumingin ako pataas ng hagdan.

"hay, let's get this over with" at umakyat na ako papunta sa temple sa taas . maraming tao dito may mga makukulay na lanterns ang nakasabit, may mga stands nang mga nagtitinda at nagpapalaro.

Naglibot-libot muna ako sa mga stalls, naglaro din ako nung shooting game at nanalo ako nang maliit na fox keychain. Kaya lalo kong naalala yung yokai na yun.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na 11:30 na palaaaaa. Nagenjoy kasi ako dun sa mga games hahahahaha

Kaya dumiretso na ako sa bilihan ng mga charms at amulets " Excuse me po, pwede po bang bumili ng lucky charm?" tanong ko sa babaeng naka traditional clothes

"ano po ba ang kailangan natin? Para po ba sa good fortune? Luck? Love?" tanong niya sakin habang inilalahad ang mga charms na nasa harap namin.

May inabot akong note "ibigay ko daw po ito sa inyo para sa charm"

YokaiWhere stories live. Discover now