chapter 7

20 0 0
                                        

NARRATOR'S POV:flashback (2 years ago)

Sa isang part ng city may isang batang lalaki na may magugulong itim na maikling buhok naglalakad na nakalagay ang mga kamay sa bulsa.

"diba yan yan si Yamamoto Takashi, yung bumugbog ng isang senior ?" at nagbubulong bulongan ang  mga tao habang dumadaan siya

Marami ang lumalayo pag dumadaan siya, nakasimangot siya at mukhang kakain ng tao pag nakabunggo mo siya

At kakasabi pa lang ng author at may nakabunggo nga sa kanya paglingon niya tinitigan niya ito ng masama, kaso medyo napataas ang kilay niya ng makita niya isang babae na may mahabang itim na buhok na lumingon din na mukhang may humahabol sa kanya

Nagtaka ng kaunti ang binata, dahil wala naman nakikita ang nga tao sa paligid niya, kaya lumingon siya patalikod sa pinanggalingan ng babae.

Laking gulat niya ng maynakita siyang  higanteng kalansay, pero yung upper body lang nito daghil nasa ilalim ng lupa ang kanyang katawan na parang nasa tubig na gawa sa mga kalansay ng tao na mas malit.

Nanlaki ang mga mata ni Takashi dahil nakakatok ang itsura ng Yokai na ito. Nakanganga ang mga bibig nito at nakatingin sa kanya.

"nakikita mo ako noh, bata?" tanong ng kalansay na tawag ay Gashadokuro

Di na nakapagsalita ang binata at nakatitig lang ito sa halimaw dahil hawak na nito ang buong katawan niya.

Nangyumuko ang halimay na akmang kakainin na siya ay bigla itong huminto ng dumating ulit ang babaeng nakabunggo sa binata

"bumalik ang hinahabol ko" binitawan ng halimaw ang binata at akmang hahablutin ang dalaga "masarap kainin ang kaluluwa mo"

Nangmalapit na mahawakan ng halimaw ang babae ay tinabig niya ng malakas ang kamay ng Gashodakuro at hinablot si Takashi sa kamay at tumakbo ng mabilis

Tumakbo silang dalawa habang hinahabil sila ng Yokai hanggang sa umabot na sila sa isang malayong playground. Nagawa nilang matakasan ang halimaw.

Napaupo sila sa lupa ng playground at hingak na hingal.

"so...naki..nakita mo din sila??" hingal na tanong ni Takashi

"ah?...Oo" sagot ng babae at tumayo na ito "sige na mauna na ako baka hinahanap na ko samin" at nagsimula na ito tumakbo

"ah? Sandali! ano pala pangalan mo?!" pahabol na tanong ni takashi

Habang tumatakbo, lumingon sadali ang babae "Umeko! Hachigatsu Umeko!" at tumakbo na ulif ang babae palayo

END OF FLASHBACK

Ngayon ay nakaupo si Takashi sa isang bench sa parehong Park. Nakagingin ito sa forearm niya na nay 5 mark na.

"hayyyst, ang hirap naman neto, di pa ba matatapos tong round na to?" tanong ng binata

"malapit na matapos ang first round Takashi. Wag kang masyadong mainip" sabi ng isang yokaj na may navy blue and black na kimono na may silver details. May light blue siyang buhok at ang pangalan niya ay Ryuki, isa siyang dragon. " huwag kang masyadong mainip at may laban ka, possibleng nakita mo na ulit yung babaeng hinahanap mo"

"well, well, well, look what we have here. Kung seswertehin ka nga naman" sabi ng isang babae

Napalingon si Takashi sa isang Babae na may blonde na kulot na buhok, mukha siyang mataray

Biglang may lumabas na Katana mula sa kamay niya, at biglang inatake si Takashi

Buti na lang ay agad na nakailag ang binata "oy!!! Sino ka ba?!?!!!"

Yokaiحيث تعيش القصص. اكتشف الآن