Chapter 8

7 0 0
                                        


"YAMA INU"

Narrator's POV

Isang maaliwalas na hapon ang kasalukuyang nararanasan. May naglalakad na isang binata na mag brownish-bloned na buhok at may mga masisiglang green na mga mata katabi nito ang isang yokai na may nakahigh ponytail na may white blonde na buhok at nakasuot ito ng traditional clothes na mukhang ninja warrior girl outfit na rose pink.

"eyyyyy, Tamakiiii bili tayo ng ice creammmmm!" sabi ng Yokai in a playful way

"halaaaa ako nanaman bibili?? Ikaw naman manlibre Keiko" sagot ni Tamaki

"pagnakapasa ka nang Round 1 at 2 ililibre kita promiseee! Baka may pera ako ng mga tao hahah" natatwang sabi ng Yokai

Napakamot na lang si Tamaki at natawa "hahha oo nga no haha"

Pagkabili nila ng icecream ay naglakad lakad sila at di na nila namamalayan ay umabot na sila sa may forest na malapit sa isang shrine

(flashback)

Naglalakad si Takashi sa same area at mukhang nagdedaydream.

Marami siyang nakakasalubong na mga yokai , malalaki , maliliit, may mga mukhang tao at mga mukhang halimaw.

Pinagtitinginan siya ng mga nilalang ng gubat, minsan lumilingon ang binata at kinakawayan ang mga ito.

May nakita siyang maliliit na yokai na naghahabulan may maliit na yokai na rabbit na nakasuot ng kimono na pink na nahuhuli

"uyyyyy!!! Hintayin niyo ko!" naiiyak na sabi ng yokai

Tinitignan lang ito ni Takashi, at bigla itong natalisod sa ugat ng isang halaman at nadapa. Umiyak ito ng malakas.

Nilapitan ito ng binata at tinulungan tumayo ang yokai "huwag ka na umiyak at sununod ka na sa mga kaibigan mo" at nginitian ito ni Takashi

Napatitig ang yokai sa kanya "nakikita mo kami bata?" nagtataka niyang tanong

Ngumuti lang si Takashi at kumaway at naglakad na ulit palayo. Habang naglalakad may narinig na rustle ang binata sa bushes kaya napalingon siya. "kanina mo pa ba ako sinusundan?? Lumabas ka na diyan"

At may lumabas na aso mula sa bushes "ay aso lang pala" lumuhod si Takashi para hawakan ang aso "kala ko katulad ka nila, naliligaw ka b-" naputol na nasabi niya nang narealize niya na hindi na niya alam kung nasaan siya. TT_TT "wahhhhh, naliligaw nanaman ako huhuhu"

Naglalakad nang nalakad si Tamaki hanggang sa lalo siyang naligaw

"halaaa?!" sabi ni Tamaki habang nakahawak sa ulo ang dalawa niyang kamay "naliligaw nanaman akooooooo-"

Naputol ang sinasabi ng binata nang narinig niya ang iyak ng aso, kaya agad itong hinanap ng binata.

Nakita niya ang asong sumusunod sa kanya kanina na natrap ang isang paa nito sa likod sa isang beartrap. Nagmadaling tanggalin ni Tamaki ang trap ngunit nasugatan siya sa pagtanggal nito, pero nailigtas na niya ang aso.

Lumapit ang aso sa kanya na mukhang nalungkot at dinilaan nito ang mga sugat ni Tamaki.

"wala to, sugat lang yan" pi-nat niya ang ulo ng aso at ngumiti at nagsimula nang maglakad ang binata pero bago siya makahakbang ulit, kinagat ng aso ang pantalon nito at hinatak "hmmm?? Ano yun? Uuwi na ko"

Patuloy ang paghatak ng aso sa pantalon ng binata na parang sinasabi nito na sumunod ka sakin

Biglang may pagyanig na nangyari at pagtalikod ni Tamaki may parang nilalang ang umaangat mula sa lupa at malaki ito. Mukha itong oso, at nagwawala ito, napatitig lang si Tamaki patuloy padin sa paghatak ang aso

Nangpaatake na ang Yokai na Oso biglang may humatak sa kamay ng Binata at napatakbo na din siya palayo

Medyo nakalayo na di Tamaki ang ang humatak sa kanya

Isang dalaga na naka ninja girl outfit na purple at bloned hair at indigo eyes at nakatago sila sa likod ng isang malaking puno

"salam-" napahinto si Tamaki ng makita ang kasama niya , nakita niya kasi ang mask na aso na kamukha ng kasama niya kanina "sabi ko na nga ba di ka aso eh!"

"shhhhh" sabay takip niya sa bibig ng binata "wag kang maingay nandyan lang sya sa malapit " sabi ng dalaga habang pinapakiramdaman ang paligid. "Hayy, mukhang nakalayo na siya" humarap naman ang dalaga sa kanya "ayos ka lang ba?"

"ah..Oo" medyo nakatitig lang si Tamaki sa dalaga at mukhang nagtataka kung sino ang kasama niya "ah, ano nga pala pangalan mo?"

"ay oo nga pala nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Keiko, ikaw? Ano pangalan mo bata?" sabi ng dalaga

"Tamaki. Matsuda Tamaki. Nic-" naputol na sasabihin ng binata ng biglang umangat mula sa pagkakatanim ang punong pinagtataguan sila

"RAWWWWWWWWWWWWWWWWR" sigaw ng Yokai na oso habang buhat buhat sa ibabawa ng ulo ang troso ng puno gamit ng dalawang kamay

Pumorma si Keiko at mukhang handing lumaban. Biglang may lumabas na spear mula sa kamay ng dalaga at mukhang handa na ito umatake. Nagsimulang tumakbo si Keiko palapit sa Oso. Binato sa kanya ng yokai ang torso pero tumalon lang siya at nilakaran ang puno hanggan sa dulo nito. Tumalon siya mukhang handa ng sibatin ang yokai pero nabigo ito ng biglang malakasang tinabig siya nito. Tumama ang dalaga sa isang puno at nawalan ng malay.

Onti-unting lumalapit ang Osong galit nag alit sa walang malay na si Keiko. Kinuha naman ni Tamaki ang sibat ng dalaga. Napadilat si Keiko at napansin na hawak ng binate ang sibat niya at mukhang nagulat.

Nang magsimulang tumakbo si Tamaki, iniangat ni Keiko ang sarili at sinubukan abutin ang binata pero huli na siya " Oy!! Delikado yang gagawin mo!!! Lumayo ka na lang at tumakbo! Ako na bahala dito!!!"

Hindi siya pinansin ni Tamaki dahil iniilagan niya lahat ng pagdamba ng oso hanggang sa nakatalon ito sa isang braso ng halimaw at tumakbo paakyat. Nang nasamay balikat na ito ay tumalon siya at itinusok ang sibat sa noo ng Yokai na oso.

Sumigaw sa sakit ang oso habang ang dugo nito ay sumisirit mula sa noo nito at biglaang tumumba at namatay.

lumapit si Tamaki kay Keiko at tinulungan itong tumayo. Biglang....Kinotongan ng malakas ni Keiko si Tamaki

"ARAY!!! Bakit mo ko binatukan!?" reklamo ng binate

"alam mo ba ang ginawa mo, ha?!!" sagot ng Dalaga

"Ikaw na nga tinulungan galit ka pa?!" sabi ni Tamaki habang nakapamewang

Nagpamewang din si Keiko at dinuro ang noo ni Tamaki "Para sa kaalaman mo, sinali mo ang sarili mo sa isang delikadong kompetisyon dahil sa pagkuha mo ng sandata ko!"

"Huh? Kompetisyon?" napataas kilay na lang ang binate

Napakamot ng ulo si Keiko at biglang nagcross-arms " siguro naman nabalitaan mo na ang Ningen-yokai competition dahil sa dami ng katulad naming na kumalat na ngayon at naghahanap ng taong makakakita samin?"

Nanlaki ang mata ni Tamaki sa gulat "HUHHHHHH?!!! Isang yokai ka din???!!"

"bakit di mo ba nahalata? Ako yung sumusunod sayo kanina"

Napaisip naman ang binata , at nagflash back ang lahat ng nangyari sa kanya pagpasok sa gubat at ayun, it hit him "what?! Ikaw yung aso kanina???!"

Nakatakip ang mga kamay ni Keiko sa tenga niya dahil sa lakas ng boses ni Tamaki "oo, ako nga yun. Ngayon, ano gagawin natin? Nagging contestant ka ng wala sa oras" nag-iisip ang dalaga

"Edi kasali. Ano ba ang balak mo?" happy-go-lucky na sagot ng binata "kung masaya tong competition na to at makakatulong sa iba edi, Go lang"

Napatingin lang si Keiko kay Tamaki na nagsimula ng maglakad at wala na siyang magawa kundi sumunod. "oo nga pala dapat naka dog form ka sa bahay ah, para kunyari napulot kita para di nila mahalata na yokai ka"


Wala na talagang masabi si Keiko sa binatang kasama niya. At naglakad na sila palabas ng forest at umuwi.

YokaiWhere stories live. Discover now