Umeko's POV
I feel that there's something wrong. Hindi ko maexplain pero parang ang bigat ng aura dito sa lugar na to.
Oo nga pala nandito na kami ngayon sa loob ng session hall ng beach resort na ito nakaupo kami by section. Nagbibigay ng orientation ngayon ang mga teachers at facilitators ng resort, may sinasabi sila about room assignments, activities and rules and regulations.
Napalingon ako sa katabi ko. Natutulog padin si yusuke.
After nun nagstart na kami pumunta sa mga assigned cabins namin , may 4 to 5 students per room. Kasama ko ngayon sa kwarto ay si Chika, Miyu at Nami.
Mga kaklase namin sila, ka-close sila ni Chika sa class. So ngayon nag aayos sila ng gamit at ng mga bag
"Ume-chan sa taas ka right??" tanong ni Chika na pinapagpag ang kumot
Tumango lang ako at ibinaba yung gamit ko sa kama ko at lumabas ng kwarto.
NARRATOR'S POV
Napataas ang kilay ng mga kaibigan ni Chika
"hoy Chika, don't you think that your friend is kinda rude?? Wala man lang paalam na aalis?" annoyed na sabi ni Nami yung kasama nila na may brown hair with highlights
"oo nga, di man lang makisama, hmmmpf" nakataas na kilay habang nakacross arms na sabi ni Miyu ang kaibigan niyang may reddish brown na buhok
Napakamot na lang sa ulo si Chika "pagpasensyahan niyo na, hindi talaga siya mahilig makipagsocialize eh"
"hay nako! Bahala siya hindi ako magaadjust sa kanya" nakataas na kilay na sabi ni Nami "basta Chika ikaw na bahala sa kanya"
Sa labas ng cabin naka upo si Umeko sa steps sa labas ng pinto, nakaupo lang siya dun nakapatong ang isang braso sa mga tuhod at nakasandal ang pisngi niya dun, habang ang isang kamay niya ay nilalaro ang buhangin
Napatingin si Yusuke sa pinto at tumingin kay Umeko na naka poker face"oy, ayus lang ba sayo na pinaguusapan ka nila ng ganun?"
"huh?" ganun padin ang posisyon niya "wala yun, sanay na ko"
"per-" naputol na sasabihin ng yokai
"hindi ko naman sila kailangan eh, okay lang ako" tumayo si Umeko at naglakad sa beach
Bigla siyang huminto at mukhang parang nagulat
May kakaibang aura ang naramdaman ng dalawa kaya medyo na alarma din si Yusuke
"parang may mali" sabi ni Umeko
"alam ko." seryosong sagot ni Yusuke
May rinig silang bell mula sa activity area kaya napatingin sila dun. Tinatawag na kasi ng mga teachers ang mga klase
"punta muna ako doon" at nagmadaling pumunta si Umeko sa Activity area
Tinignan ni Yusuke ang dalaga hanggang sa makarating ito sa activity area. Ibinaling niya pabalik ang tingin niya sa dagat at pinagmasdan ang kalmadong tubig.
----
Sa Activity area...
"okay, ito ang first activity natin, bawat student sa kani-kanilang cabin ay ang magkakagrupo, magkakaron tayo ng mga games na magdedesisyon kung ano lang mga ingredients na makukuha ninyo para sa hapunan" paliwanag ni Yokohama-sensei
"whaaaaat?!?!!?!" yan ang violent reactions ng mga estudyante
Natawa ang guro sa mga reaksyon ng mga estudyante "ite-test natin ang inyong teamwork kaya kailangan niyo magipon ng points. Ang mga points ninyo ay katumbas ng pera na pambibili niyo ng mga ingredients"
YOU ARE READING
Yokai
AdventureKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
