Isa nanamang normal na araw, naglalakad as usual papasok ng school wearing my gray coat , black skirt and knee high socks. Napalingon ako sa gilid nang may nakita akong isang kakaibang bagay. Parang mali hindi siya bagay, napasimangot ako nang napansin ko kung ano ito, isang nilalang na may ulo ng monkey,katawan ng raccoon dog, binti ng mga tiger at may buntot siya na may ulo ng ahas na nasa gilid ng poste at mukhang nagaabang ng taong pagtitripan. Oo kakaibang nilalang to, para silang monsters at hindi sila nakikita ng mga tao. Kung nagtataka kayo, Oo nakakakita ko ang mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao katulad ng mga multo, demons at kung anu ano pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at inignore na lang ag mga nakikita, madami sila at minsan nakatitig lang sila ng masama or kaya'y nantitrip sila pero nang nakalayo ako wala na kong nakitang katulad nila at nasa tapat na ko ng gate ng school feeling ko may nakatingin sakin kaya agad akong tumalikod at nilingon yun. Pero wala. Kaya pumasok na ako sa klase.
Normal na estudyante lang ako sa school na ito, wala akong masyadong kaibigan kasi... why not hahaha, hindi lang talaga ako friendly.
"Hachigatsu Umeko?" Tawag ng teacher ko sa akin na nagchecheck ng attendance
"Present!" at nagtaas ako ng kamay.
Dumaan ang buong araw at as usual, PE padin ang strong point ko at ang math naman ay hmmm.. ang hindi masyado haha.
Ding, Dong, Ding,Dong tunog na galing sa clock tower, ibig sabihin nito ay Uwian na.
"Ume-chan, sasabay ka ba umuwi?" alok ng isang babae na may brown na buhok at brown na mga mata may kaliitan siya , at siya ay isa sa mga kakaunting kaibigan ko dito sa school. Siya si Chika
"Hindi na muna, may dadaanan pa kasi ako sa shopping center na pinabili ni lola" sagot ko sa kanya then nginitian ko siya at pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit.
Nagpaalam na si Chika sakin at umalis na.
Napahinto ako sa pagliligpit nang nakaramdam nanaman ako ng parang may nakatingin sakin, agad akong lumingon sa puno sa may bintana pero walang tao or kahit anu man doon. Nagsigh na lang ako at zinipper ang bag ko at isinuot ito at umalis na din.
Dumaan ako papuntang shopping center, bumili ako ng gulay na pinapabili ni lola, bumili na rin ako ng popsicle at naglakad na ulit. Pero nagulat ako nang naiba yung turn ko, hindi ito ang usual na dinadaanan ko kasi napadpad ako sa tapat ng napakataas na hagdan na gawa sa bato at sa tutok nito ay ang shrine. Hayssss, may nangtitrip sakin. Nagsimula ulit ako maglakad pero napahinto ako nang naramdaman ko nanaman na may nakatingin sakin.
Nagsigh ako "kung may gusto kang sabihin sakin, sabihin mo na at magpakita ka sakin"
"Wow, wow, wow, ang lakas talaga ng pakiramdam mo" rinig ko sa isang boses ng lalaki na nagmula sa puno sa gilid ng stairs paakyat ng temple.
Nilingon ko siya nakakita ako ng isang lalaki nakaupo sa branch ng puno, naka traditional edo era clothes, putting buhok, at naka traditional mask siya na white at mukha itong fox na may details na pula sa may mata at sa ibang parte ng mask at may strings na pula .
"Ano ba gusto mo?" sabi ko sa kanya with usual porker face at kumagat ako ulit sa popsicle ko
"gusto mo bang magkaron ng kapangyarihan-?" naputol na sabi niya ng sinabi ko "no thanks" at naglakad paalis
Medyo narattle siya "o-oy! Patapusin mo naman akoooo!" at tumalon siya mula sa puno at nagland sa harap ko
Napahinto at medyo nagulat ako ng slight kasi ang bilis niya nakarating sa harap ko then tumaas ang kilay ko "ano ba yun?"
"Kasi ganito yun" tinanggal niya yung mask niya at pinakita nito ang masayahing mukha ng isang lalaki na mukhang nasa 20s , may mga matang kulay apoy na pagtinitignan mo parang nagbibigay siya ng warmth. "kailangan ko kasi nang tulong mo, mga ilang taon na din kasi kitang inoobserbaha-"
Naputol nanamang sabi niya ng bigla akong naglakad nang mabilis, with poker face with the popsicle in my mouth
"OOOOOOY!!! Ano baaaaaa!!!" kaya hinabol niya ko "patapusin mo kooooo!!"
"ewan ko sayo! Stalker!" kaya lalo kong binilisan ang lakad ko at tumakbo nang mabilis
Nang nakarating ako sa may park na malapit na sa bahay, umupo ako sa swing. Mukhang hindi na niya ako nahabol.
Huminga ako nang malalim at pumikit saglit. Ano ba naman yaaaaan. Bakit ba nila ako napapansin ngayon??? Autumn na ba? Napatingin ako sa digital watch ko na black
[Oct. 29, 7:30 PM] Yikes, autumn season na nga, di ko kasi masyadong napapansin kung anong month na kasi tamad nga ako haha.
Habang nagsswing napatingala tinitignan ang buwan, ginabi na ko dahil sa pagtakbo palayo sa nilalang nay yun. Pumikit ako "malapit nanaman pala"
"anong malapit na?" sabi ng familiar na boses , kaya agad kong minulat ang mga mata ko
"bakit nandito ka nanaman?" tanong ko sa nilalang na to
"Di mo kasi ako pinatapos" nagsigh siya "magpapakilala nga muna ako. Ako pala si Yusuke isa akong Yokai at kailangan ko ang tulong mo"
"Ayo-" Naputol na sabi ko
"hep hep! Ako muna. Sasali kasi ako sa isang competition at kailangan ko ng isang tao na nakakakita samin na katulad mo para maging partner at kapag nanalo tayo magiging Kami na ako at ikaw meron kang isang wish" at ngumiti siya sakin
"bakit ba ako?" angal ko
"Kasi I see potential in you, at alam kong may gusto kang hilingin"
Napataas ako ng kilay, at totoo gusto kong hilingin na di na ko makakita ng mga katulad nila "so what's the catch? Alam kong laging may kapalit or may gimik ang deals niyo eh "
"Ayun, we need to win in battles and bibigyan kita ng kapangyarihan to do it. So game ka?" ngiti nito sakin na parang bata
Tumayo ako sa swing at naglakad "pag-iisipan ko."
"Pwede ko ba makuha ang sagot sa bisperas ng araw ng mga patay?"
"sige." At nagsimula na akong maglakad pauwi.
AUTHOR'S NOTE:
Thank You sa mga nagbasa ng first Chapter Ko! Hope you enjoyed it :)
YOU ARE READING
Yokai
AdventureKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
