Napa buntong hininga si Umeko sa gusto ng Yokai niya "sige na, pagtinulungan mo ko ipagluluto kita ng paborito mo"
May playful na mukha si Yuske at nakapout "talagaaaaaa? Ipagluluto mo ko ng curry? Yung maraming patatas?"
"oo na, oo na" sabay nagroll ng eyes si Umeko "hep, hep, hep! Naalala ko maglalaba ka diba? So sigurado ako na ako ang magsasampay kaya dagdagan mo ng pudding at may deal tayo"
Sumimangot lang si Umeko habang nakalahad ang kamay ni Yusuke para sa kasunduan "hay naku, sige na deal" at nagshake hands ang dalawa at bumaba na sila at nagsimula nang maglinis "Apo pupunta ako ng grocery may ipapabili ka ba?"
"Ingredients po pang pudding gagawa po ako pang dessert natin mamaya" nakangiti na sabi ni Umeko "ano occasion?" tanong ng lola niya habang nakangiti "wala naman po, parang bagay po kasi sa Curry na lulutuin ko mamaya" sagot ng Dalaga "ah, ganun ba? Sige lalabas na ko, wag kang masyadong magpakapagod" at lumabas na ang lola ni Umeko
nakathumbs up at may nakakalokong ngiti sa mukha niya si Yusuke "What the??" sabi ni Umeko na mukhang naasar "ano nginingiti mo diyan??? Magwalis ka naaaaaaa!" at tumalikod si umeko at patulak niyang inabot yung walis sa Yokai niya at naglakad paalis.
Habang hawak yung walis "hehehe, ang lakas talaga ng pakiramdam niya" at nagsimula na silang maglinis ng bahay.
Buong araw naglinis, nagayos ng bahay at naglaba ang dalawa halata sa itsura ni Umeko ang pagod pero kailangan niya tapusin ang mga Gawaing bahay. Hanggang sa umabot na ng oras na malapit na maghapunan. Habang pinapakuluuan ni Umeko ang niluluto niya, nakaupo siya sa dining table at mukhang may ginagawa sa laptop niyang requirements. Nakaangat ang isang paa niya upuan, naka messy bun ang buhok na may nakasabit na pencil sa gilid ng kanan na tenga at tutok na tutok sa laptop habang nagtatype.
Biglang dinikit ni Yusuke yung hintuturo niya sa gitna ng mga kilay ni Umeko "oy, nagdidikit na yung mga kilay mo hahaha" pabirong niyang sabi. Medyo nagulat si Umeko na nagbalik na sa mundong ibabaw ayt napahawak sa mga kilay niya " at kumukulo na yung curry"
Napatayo agad si Umeko at pinatay ang kalan, ipinaghanda niya ng pagkain si Yusuke sa table "mauna ka na kumain, nasa ref yung pudding kunin mo after mo kumain. Pagtapos mo, hugasan mo na yan kasi kakain na din kami maya maya"
"yes ma'am" sabi ni Yusuke habang kumakain "bashta, ma traningsh ka pagkutposh mo" punong puno ng kanin ang bibig ng yokai
"oo na" tipid na sagot ng dalaga.
Pagkatapos ni Yusuke kumain ng pudding ay iniligpit na niya ang kanyang pinagkainan at kasabay nito ang paghahanda ng hapunan ng dalaga para sa kanilang maglola. Kahit weekend May schedule na sinusunod si Umeko sa kasalukuyan na pag sapit ng 5pm ay maghahanda siya ng hapunan habang gumagawa ng requirements, 7:30pm magliligpit ng pinagkainan at maghuhugas, 8:00pm start ng training hanggang 10:00 pm at pagsapit ng 10:30 ay matutulog na pero gigising siya ng maaga kinabukasan.
Natapos ang training ng dalawa, nagshower at nagbihis na ang dalaga at humiga na sa kama "matulog ka na " sabay patay ng ilaw ng Yokai at pumunta na sa usual niyang lugar at nagpahinga.
Lumipas ang 30 minuto at tumayo ulit ang dalaga "shocks, nakalimutan ko banlawan yung huling labahin" at agad tumayo ng kama at bumaba sa backyard si Umeko at sinumalan tapusin ang labahin "achooo!" sabay pahid ng ilong niya "hayyss, ang lamig na, kailangan ko na tapusin ito para mai-edit ko pa ng kaunti at maiprint na yung research proposal ko"
Pagkasampay ni Umeko ng mga labahin, napapunas siya ng pawis gamit ang braso niya "ayan tapus na, sana matuyo. Wooh! Gagawa na ko ng paperworks" at pumasok na ulit ang dalaga sa bahay, umakyat at pumasok ng kwarto niya."
VOCÊ ESTÁ LENDO
Yokai
AventuraKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
Chapter 9
Começar do início
