"Po?" patanong na sabi Ni umeko

"Ayaw mo ba talaga sumali sa gymnastics team? Or sa ibang team natin dito sa school?" nakacrossed arms na tanong ni Kobayashi-sensei "may potential ka sa gymnastics at softball eh"

"sir, wala po akong balak na sumali sa mga clubs. Siguro alam niyo naman po na dalawa lang po kami ng lola ko kaya tinutulungan kop o siya sa lahat ng Gawain sa bahay" sagot ni Umeko

"Pero sayang ang talent mo. Pwede ka pa magkascholarship sa college at mas makakatulong ka sa lola mo sa ganun" pagcoconvince ng teacher niya sa kanya

"Pero-" naputol na sasabihin ni Umeko

"Mas makakatulong ka sa lola mo, makakabawas yun sa mga bayarin lalo na sa college , basta magaral at magperform ka lang ng maayos." Napalingon sa kanya ang dalaga na mukhang sinasabi na makakatulong siya sa lola niya "hindi kita pinagmamadali pero pag-isipam mo. Makitraining ka muna sa gusto mong team sa ngayon at pag nakapagisip ka na tsaka ka sumali." Pinat niya ang balikat ni Umeko sabay sabi "ang softball team Wednesdays to Saturdays ang training ang gymnastics team Mondays to Fridays" at nagsimula ng maglakad si Kobayashi-sensei para magcheck ng mga practice ng mga estudyante.

Pagkatapos ng PE class nila nagshower at nagsibihis ng mga estudyante para maglunch "Chika, sabay ba tayo?"tanong ni Umeko habang nagpupunas ng buhok

"Oo sabay tayo, may baon ka ba?" tanong ng kaibigan nito, at sinara na ang locker na ginamit niya

"Oo meron, dala ko na din ,san tayo?" sinarado na rin niya ng locker na ginamit niya nang pagkakuha ng bag niya

"sa likod na lang? sa usual place?" sabi ni Chika

At nagsimula lakad sila papunta sa likod ng school, sa may mga puno malapit sa softball field. Nakaupo sila sa nilatag nilang picnic cloth at kumain sila. Napansin ni Chika na mukhang may iniisip ang kaibigan habang nanonood sa mga nagtetratining. Pero parang hindi pa ito ang oras para magtanong.

Lumipas ang mga araw at eto ang schedule ni Umeko, 7am to 4pm nasa klase siya, 4:30pm -6pm nasa training siya ng gymnastics, 6:30-7:30pm dinner, 7:30-8:30 gagawa siya ng mga requirements niya, 8:30-10:30 training niya kasama si Yusuke at 10:30 onwards gagawa ulit siya ng requirements bago matulog.

Hanggang sa umabot na ng linggo. Gumagawa ng research si Umeko sa dining table at maraming papel at mga libro ang nakakalat. Lumapit ang lola niya sa kanya at mukhang hinihimas ang kamay niya "Umeko, apo?"

Napalingon si Umeko "bakit po 'la?" habang inaayos ang mga papel na kakalat

"apo, alam ko ako ang nakaassign sa gawaing bahay ngayon at marami kang ginagawa kaso.." hawak pa din nito ang mga kamay niya "masakit talaga ang mga kamay k-" naputol na sabi niya dahil sinara na ni Umeko ang laptop niya

"ako na po bahala, mamaya ko na lang po tatapusin ito." Sabay kuha ng mga gamit at umakyat sa kwarto.

Binaba niya ang gamit niya "Yusuke, favor pwede?" at napalingon naman si Yusuke na nagmemedidate

"ano yon?" sabi niya habang tumatayo

"di kaya gumawa ni Lola ng Gawain masakit daw kasi mga kamay niya, pwede bang tulungan mo ko? Para mapabili lang tong Gawain, kasi tatapusin ko pa yung research ko kasi pasahan na bukas at may training pa tayo diba?" paki usap ni Umeko, habang nagtatali ng buhok

"ano naman kapalit nito?" sabi ni Yusuke Habang nakapoker face pero nakakaasar

"hala kailangan may kapalit?" sabi ng Dalaga "oo naman noh, isang mataas na nilalang papagawin mo ng mga gawaing bahay, parang di naman makatarungan yun haha" mapang asar na sagot ni Yusuke

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YokaiWhere stories live. Discover now