Chapter Seven

351 14 10
                                    

"IKAW bakit ka ba sumali?" Napa-isip naman si Sean kung bakit siya sumali in the first place.

"Taon taon akong nanood ng challenge na ito. Nasa gilid lang ako at nagmamasid lang sa mga nangyayari." Pagkwekwento ni Sean.

"Ang tanong ko, bakit ka sumali? Dami mo namang sinabi. Share mo lang?" Pagputol ni Louise sa story telling ng binata.

"Pwede bang patapusin mo muna ako? Sasagot na nga eh." I is na sabi ni Sean.

"Sige sige" Napatawa nalang si Louise sa expression ni Sean sa mukha.

"Taon taon, nanonood lang ako. Nakikita ko kung paano ka excited yung iba sa nonsense na challenge na to. Pero kanina kasi nakita kita sa gitna ng maraming tao. Halata naman kasing ayaw mo kanina. At first di talaga seryoso yung sagot ko na sasali ako. Pero nung nag start na, hindi ka umatras eh kahit halatang di ka komportable. So ayon sinamahan kita dito."

"Taas naman ng speech mo. Ang ikli lang naman ng tanong ko."

"Aba baka nag-aakala kang may gusto ako sayo kaya ako sumali?" Pagtutukso ni Sean.

"Excuse me! Ako pa yung nag-aakala?" Pag-alma ni Louise. Napatawa naman si Sean sa naging reaksyon ng babae.

"Excuse me rin. Hindi kita gusto." Sabi ni Sean habang ginagaya niya ang paraan ng pagkakasabi ni Louise kanina. Napatawa nalang silang dalawa.

"Medjo normal na yung paghinga mo. Good job!" Pagpupuri ni Sean. Ngumiti lang si Louise at tumingin sa harapan nila na may terrace na nakikita yung first floor ng library.

"Pwede bang magtanong kung bakit may phobia ka? Kung gusto mo lang naman." Pagtatanong ni Sean.

Huminga muna ng malalamin si Louise bago siya magkwento. Hanggang ngayon kasi ay sariwa parin sa kanya ang nangyari sa kanya. "Five years old ako noon nung ma-trap ako sa loob ng elevator. Nasa hotel kami tapos nag-aya yung mga pinsan ko na maglaro ng taguan. Ayon sa elevator ako nagtago. Pinindot ko pa yung button papunta sa 6th floor. Eh nawalan ng kuryente. So nag shutdown yung elevator. Namatay yung ilaw sa loob. So nag panick na ako. Wala akong makita ni isa tapos di ako maka labas. Umiiyak na ako sa takot kasi di ako makalabas. Nawalan ako ng malay tapos paggising ko nasa hotel room na ako. Simula nun ayaw ko na ma-lock o ma-trapped sa isang lugar na feeling ko masikip."

"Kaya pala. Pero ang tapang mo at nandito ka sa isang library na locked. At pansin ko habang nagkwekwento ka eh kumakalma ka na."

"Kasi this time may kausap na ako. O baka after this di na gaano grabe yung epekto sakin ng mga ganitong bagay." Napangisi si Louise sa mga maaring mangyari na na-overcome niya ang pangyayari ngayon.

"Salamat nga pala." Ningitian ni Louise si Sean.

"Para saan?"

"Kasi kahit hindi tayo ganon ka magkakilala ay sinamahan mo ako dito."

"Walang ano man yun." Ngumiti si Sean pabalik.

"Kanina pa tayo magkasama pero di ko pa alam pangalan mo. Anong pangalan mo?" Tanong ni Louise. Ilang oras na silang magkasama at hindi pa nito natatanong sa binata ang pangalan nito.

"Sean Sebastian." Nag-offer si Sean ng snake hands. Tinanggap naman ito ni Louise. Magpapakilala na sana siya ngunit inunahan ito ng binata. "Louise Corporal" Ngiti nito.

"Bakit mo alam pangalan ko?" Pagtataka ni Louise.

"Sino bang hindi alam ang pangalan ng student body president?" Napatawa nalang silang dalawa.

MAKALIPAS ng ilang minuto nilang pagkwekwentohan ay dinalaw na ng antok si Louise ganon na din si Sean.

"Inaantok ka na.. Matulog ka na." Sabi ni Sean.

"Mauna na akong matulog. Mahaba na rin ang naging araw ko ngayon dahil sa challenge na ito." At ipinikit na ni Louise ang kanyang mga mata.

Ilang sandali pa ay nakatulog na si Louise. Minamasdan lang ni Sean and dalaga. Naiisip niya na isang matatag na babae ang katabi niya ngayon. Ngunit sa tatag nito ay may nakatago palang takot na baka husgahan siya ng ibang tao bilang isang duwag.



Author's Note:

Kinilig ako sa chapter na ito. Wala kasi akong love life. hahahaha

Don't forget to vote if you like this chapter. At comment na rin kayo! I truely appreciate everything.

Library Locked With Ms. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon