Chapter Five

395 19 39
                                    

KINALMA ni Louise ang sarili niya dahil wala namang kahit na anong bagay na tinuro ni Sean. Sinadya niya lang talagang takotin ang babae.

"Walang hiya ka!" Pinaghahampas ni Louise ang balikat ni Sean ngunit tumawa lang ang lalaki. Pagkalipas naman ng ilang sandali ay tumigil na si Louise dahil parang wala lang ito kay Sean. Tumalikod nalang si Louise at nagpatuloy sa paglalakad kahit kanina pa siya nag titimpi dahil sa kanyang nararamdaman

"Ang ganda mo naman matakot." Pabulong na sabi ni Sean. Agad namang tinignan ni Louise ng masama ang lalaki. "Anong sabi mo?"

"Wala. Mag hanap na nga tayo." At nilagpasan niya ang dalaga at kunwari ay naghahanap siya.

"MAGHIWALAY tayo sa paghahanap." Suggestion ni Sean. Mas lalo namang kinabahan si Louise sa ideya nito.

"No!" Biglang sabi ng dalaga.

"Ganyan ka na ba ka attached sakin?"

"Aba ang confident mo naman ata?!"

"Baka lang naman. Or natatakot ka?" May panunukso sa boses ni Sean. Hindi naman makasagot si Louise ng deretso. Nag walkout nalang siya.

"Pikon pala si Ms. President." Napatango nalang siya at sinundan si Louise upang maghanap.

NAGLALAKAD sila sa right side ng second floor. Nasa unahan si Louise at nakasunod lang si Sean.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ulit ni Sean. Mas namumutla na kasi ang dalaga at napapansin niyang mas mabilis itong huminga.

"Ang dami mo namang tanong! Maghanap ka nalang okay? Hindi yung nakasunod ka lang palagi."

"Sinong maysabi na nakasunod ako palagi sayo?"

"Duhh?! Palagi kang nasa likod ko kaya.... Ahhh!!" Biglang napasigaw si Louise at napayakap sa mga bisig ni Sean.

"Ang touchy pala ni Ms. President." Agad naman dinilat ni Louise ang mga mata niya at tumayo ng maayos. May mga libro palang nahulog mula sa mga shelves nito.

"Pasensya na." Tipid niyang sagot. "Totoo kayang may multo dito?" Mahina niyang tanong.

"Daga lang siguro yun." At umupo sa sahig si Sean. "Kung ako sayo, magpahinga nalang tayo. Malay mo wala naman talagang red box na may laman na admission slips sa loob ng library na ito."

Hindi naman nagpatinag si Louise at nagpatuloy sa paghahanap sa red box sa kalapit na mga shelves at lamesa.

"Alam mo, magpahinga ka nalang. Pansin ko kanina ka pa namumutla at humihinga ng malalim. At tsaka 7 pm na oyy. Baka ikaw ang hanapin kung mag collapse ka kahit saan sa library na ito." Napatigil naman sa paghahanao si Louise at nilingon si Sean na naka upo lang. Tinapik ni Sean ang sahig sa tabi niya upang bigyan ng sign si Louise na umupo dito.

Lumapit nalang at umupo si Louise pero medjo malayo ito sa kinauupuan ni Sean. Nakatingin lang siya sa sahig. Nilingon niya ang lalaki ngunit nakapikit lang ito at komportableng naka-upo.

Ilang sandali pa ay tumulo na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang lumabas. Tumutulo na rin ang mga pawis niya. Kanina pa siya kinakabahan at hindi maka hinga ng maayos dahil hindi siya komportable sa ganitong lugar. Humihikbi na rin siya dahil sa pag-iyak niya.

Inangat ni Louise ang ulo niya dahil may sapatos sa harap niya. Nakita niya si Sean na inaabot sa kanya ang panyo nito. "Parang kailangan mong gamitin to." Sabay ngiti sa kanya.







Author's Note:

Read, vote and comment na din guys. Much appreciated yun.

Shout out din kay 0hNevermind dahil nauna siya mag vote at comment sa chapter na ito. Thank you sa supurta!! Supurtahan niyo rin siya sa story siya sa stories niya guys!!

GOD BLESS!

Library Locked With Ms. PresidentWhere stories live. Discover now