Chp. 24 "My First Heart Break."

134 5 0
                                    

AN: Hello :D Nais ko lang pong mag-authors note sa inyo kasi po nais ko lang pong ipaalam na malapit ng matapos ang amin finals, it means malapit na din ang SEMESTRAL BREAK! :D YEHEY! And as I promise magpo-post po ako ng maraming-maraming chaps at sisikapin ko din na merong matapos sa mga on-going kong story. And sana kahit makakalahati man lang ako ng Revision sa first story ko na 'Falling In Love With You' pinag-iisipan ko nga din kung papalitan ko ba ang story title ng first story ko kasi sa totoo lang 1st year high school ako nung sinulat ko ang storya and I'm already at 2nd year college :D kaya ganyan ang title hindi catchy :D so, ayun lang. Sana suportahan niyo po ako until the end.

Thank you so much readers :)

~

Libby's POV.

"Best, salamat talaga sa pagsama sakin dito sa supermarket ah, kung wala ka mahihirapan siguro akong dalhin ang mga pinamili ko."

"Ewan ko ba kasi kung anong merong ugali yang si Earl at lagi ka na lang pinapahirapan. Tell me? Hanggang ngayon ba galit pa siya sa ginawa mo sa kanya sa concert nila dati?" Napabusangot ako sa naging tanong ni Aryl. Tininingnan ko lang siya saka ako nagkibit-balikat. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng iba pang grocery na nakalagay sa listahan habang si Aryl ay tinutulak ang cart at sumusunod lang sakin.

"Hay nako, Libby baka di ko mapigilan ang sarili ko at komprontahin ko na yang Earl na yan. Its unfair."

"Aryl, hayaan mo na. Diba nga at pumayag na ako sa kagustuhan niya na maging Personal Assistant ng grupo nila? Naiintindihan ko naman na kung bakit siya ganun sakin eh. Saka wag kang mag-alala hindi naman ganun katagal ang 1 month." 

Nag-rolled eyes lang siya sakin saka ako inirapan. Bumuntong-hininga na lang ako. Di ko masisisi si Aryl pero ginusto ko din naman ang bagay na ito kaya okay lang sakin. "Okay its your choice. Teka, anong oras ka ba matatapos sa mga pinamili mo ha?" Biglang tanong niya.

"Teka saglit na lang ito." Binasa ko ang lahat ng mga nakalista sa listahan ko na binigay kanina ni Earl. "Uhmn, mukha namang wala na yan na lahat." Sagot ko.

"Hay salamat naman at makakauwi ako ng maaga kailangan ko kasing salubungin ang pagdating ni Nicole sa bahay since last day na niyang magi-stay sa bahay namin." Sagot sakin ni Aryl. Ngumiti na lang ako. Si Earl kasi ang unang pumasok sa isipan ko, sure ako na siya ang naghatid kay Nicole.

"Oh edi tara na. Bayaran na natin 'to sa counter." Saka na kami pumunta doon sa counter at pumila. Habang nakapila kami ay may nakapasak na isang earphone sa kanan kong tenga at pinapakinggan ko ang kantang 'Fairytale Love'. 

Sinasabayan ko lang ang pagkanta hanggang sa may bigla akong naalala.

"T-teka Aryl? May binili ba tayong Chocolate Bread?" Saka ko chineck ang laman ng cart at hinahanap ang Choco bread.

"Ha? W-wala? Bakit? Akala ko ba kumpleto na lahat ng mga pinamili mo?"

"Yung ang unang utos sakin ni Earl eh, teka sandali lang ah. Kukuha lang ako." Saka ako umalis sa pila at agad na naghanap ng Choco Bread. Medyo malayo nga lang sa counter ang choco bread pero nahanap ko naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now