Chp. 23 "I Won't or Give up?"

75 2 0
                                    

~

Libby's POV.

6 am pa lang ng maaga ay nagising na ako para magluto ng breakfast ni sir Earl. Paglabas ko pa lang nung room ko ay nakita ko na si sir Earl na na nakabihis na at mukhang may lakad. Pababa na siya ng hagdan habang inaayos ang collar niya. Napansin niya akong nakatingin sa kanya kaya napaiwas ako. Narinig ko siyang nag-'tss'. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ah sir Earl, ang aga niyo po atang gumising? Papasok na po ba kayo sa school?" Tanong ko. Di niya ako pinansin at nagdire-diretso lang siya sa kusina at uminom ng milk na nasa box. Mayamaya pa ay kumuha naman siya chocolate bread saka siya lumapit sakin then he glared.

"After ng class, ikaw ang mag-grocery. Bumili ka ng chocolate bread, mga 12 packs." Saka siya umalis sa harapan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. "And wait meron pa pala, sa susunod na makita ko pang kumakain ka ng chocolate bread ibabawas ko yun sa sweldo mo, get it?" Saka niya ako inirapan at lumakad na siya paalis. Napayuko na lang ulit ako. Nakakatakot siya, pero infearness ah, para siyang batang ayaw na ayaw maagawan ng laruan. Pssh!

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa parking lot at sumakay ng kotse. Napatakbo tuloy ako papunta sa kanya at kumatok sa bintana ng kotse niya. Inis niyang binuksan yun at kunot-noong tiningnan ako.

"What!?" Tanong niya, nabigla ako dun kaya napaatras ako ng konti.

"Ah eh, kasi. Anong sasabihin ko kay yaya Mildred kapag tinanong ako kung saan ka pumunta? Ang aga aga naman kasi ng alis mo eh 10 am pa naman yung klase natin diba?" 

He gave me a bored look. "Ngayong yung araw na lalabas na ng ospital si Ashley, pakisabi na dinalaw ko siya." Yun lang saka niya sinara ang bintana at ini-start ang makina ng sasakyan at umalis na. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

Dapat pala di ko na lang tinanong...

Earl's POV.

Nang makarating na ako sa ospital ay agad akong pumasok at nakita ko si Ashley na nagbabasa lang ng magazine. Agad siyang lumingon sakin nung mapansin niya akong naglalakad na palapit sa kanya.Ngumiti ako at agad kong hinawakan ang kamay niya at tinabihan siya. Umupo naman siya at saka ako hinalikan sa pisngi.

"Mas maaaga ka pa sa inaasahan ko ah." Bati niya sakin, i just chuckled.

"Wala eh, nami-miss kasi kaagad kita." Sagot ko naman. Bigla na lang niya akong kinurot sa ilong at pinalo ako ng mahina sa braso.

"Magkakaroon na talaga ng factory ng asukal dito dahil sayo." She said then laughed.

"Masama bang magsabi ng totoo?" 

"Wushu! Oo na oo na. Mahal na mahal din kita." Ako naman yung napangiti saka ko siya hinalikan sa noo niya.

"By the way, what breakfast do you want to eat? I'll cook for you."

"Anything, basta gawa mo." Sagot niya. 

"Bukas na bukas din, meron na tayong sariling Sugar Factory." Sagot ko sa kanya, napatawa naman siya sakin saka niya ako pinalo sa sa braso ko.

"Haha. Sige nga, ano bang ipagluluto mo sakin?"

"Tinatanong nga kita eh."

"Uhmmn. Kahit ano naman kasi ay okay lang sakin." I sighed.

"Okay sige, mamaya pag na-discharged ka na paglulutuan kita ng special adobo made by me." She pinched my cheeks.

"Really? Teka, ikaw din ba ang maghahatid sakin pauwi?" 

"Oo, diba sinabi ko na kahapon ana ko ang maghahatid sayo?"

"Ow okay. Siguro mga 12 pm pa ako madi-discharged."

"Ahm, Ashley. Alam ba ng papa mo ang nangyari sayo?" Bigla ko na lang naitanong yun kaya seryoso siyang napatingin sakin.

"No, he's busy working on his company. But its okay, I used to it." Sagot niya sakin.

Napatahimik na lang ako. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya. Basta ang alam ko lang, marami akong gustong itanong sa kanya.

Isa na dun ay ang pag-alis niya dati ng walang paalam sakin.

Aryl's POV.

"Good morning Libby! Hey! Bakit parang di ata maganda ang gising mo best? May nangyari ba?" Bungad ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa may school park since wala pa kaming klase.

"Wala naman. Ang aga mo ata?" Walang ganang sagot niya sakin. Tinabihan ko naman siya saka ko tiningnan yung librong binabasa niya.

"Kailan ka pa naging intersado mag-aral ha?" Tanong ko sa kanya, bakit kaya parang iniiwasan niya ang mga tanong ko?

She sighed at bumalik sa binabasa niya. "Pansin mo? Hindi tayo nagkakaintindihan?" Napabusangot naman ang mukha ko sa isinagot niya sakin.

"Eh kasi naman, ako yung unang nagtanong eh."

"Sinagot naman kita ah." Reklamo niya.

"Eh hindi naman ako kumbinsi eh." Reklamo ko din.

"Wag kang magtatanong ko hindi ka din naman maniniwala." Sagot niya.

"Sus, if i know. Si Earl na naman ano? May ginawa ba siya?" Tumingin lang siya sakin saka umub-ob sa mesa.

"Tsk tsk, i know you Libby kaya hindi mo maitatago sakin na si Earl na naman ang problema mo. Tell me, anong nangyari?"

"Aryl, si Earl ba ang maghahatid kay Nicole pauwi?" Bigla niyang naitanong sakin yun kaya napabuntong-hininga ako.

"Kahit naman hindi ko sabihin sayo, expected na yun Libby."

"I see.. I should give up, right?" Napailing na lang ako sa kanya.

"You have already the answers, Libby. Gawa na lang ang kulang."

"Tama nga siya. I'm so stupid." Then again, she cried.

I Honestly Hate You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon