Chp. 14 "A Fourth Year High School Top Student, Lexy."

90 3 1
                                    

~

Aljon's POV.

"Ano!? Ako ang isinali niyo? Joke ba yan?" Tanong ko kaagad sa kanila. Tumango lang sakin sina Xander at Brent habang natatawa naman itong sina Earl, Clint, at Vince.

Paano ba naman kasi? Ako ang isinali nila sa competition ng 'The Search for a New Campus Escort'. Wala man lang akong kaalam-alam na may laban ako mamaya? Aba hindi naman ata makatarungan 'to.

"Xander naman eh, pwede naman na sina Brent na lang o Clint eh! Bakit ako pa? Badtrip naman dude! Ayokong sumali." Angal ko. Ti-nap niya ang shoulder ko at sincere na tumingin sakin. "Hindi mo ako madadala diyan Xander, ayoko talaga." Angal ko ulit.

"Please Aljon, ikaw lang ang nakapasok sa criteria nila eh. I badly need your help dahil alam ko na pakana na naman itong lahat ni Janeah para talagang sure na walang makakasali sa atin kahit na isa. Alam ko na kapag umayaw ka ay mananalo ngayon sa pagkakataon na ito si Janeah kaya pakiusap Aljon. Tulungan mo naman akong manalo sa kanya." Pakiusap niya sakin. Napakunot ang noo ko at napaisip ako.

"Paano kung di ako ang manalo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Imposible yan, dala mo ang grupo natin." Pagmamalaki niya.

"Ano ka ba naman! Di porket dala ko ang grupo natin eh may chansa ako, paano nga kung matalo ako?" Tanong ko ulit. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Ah basta, gawin mo ang best mo para manalo ka. Wag kang mag-alala. Sigurado ako na mamayang gabi ay magkakaroon ka ng madaming taga-suporta." Paninigurado nya. Napailing na lang ako.

Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang pagbigyan ang gusto niya. Bahala na.

~

Lexy's POV.

"Narinig mo ba yun Kristine? May kasali daw na escort candidate mula sa 'The Chasers' ang lalaban mamayang gabi."

"Oo nga eh, sayang bawal ang high school mukhang makikibalita na lang ako sa fan club ng 'The Chasers' sa kung anong mangyayari sa laban mamayang gabi."

"Ay nga pala Cristina? Sino nga pala yung napili na candidate sa 'The Chasers' group?"

"Sa pagkakadinig ko kanina doon sa mga college student si.. Aljon Guiller Valdemor daw anv representative."

Bigla kong naibaba ang librong binabasa ko. Tama ba ang pagkakarinig ko dito sa mga chismosang kaklase ko na nasa likod ko na si Aljon daw ang isa sa mga representative ng Campus Escort? Is that real?

"Kung ganun pala. Kailangan kong gumawa ng pagpaplano para makapanuod ako mamayang gabi!" Bigla kong nasambit kaya napatingin sila sakin.

Ishi-share ko lang. Isa sila sa mga haters ko dahil daw nerd daw ako. Tss.

"Hindi na talaga ako magtataka kung biglang isang araw ay mabaliw na si Lexy sa sobrang katalinuhan." Sabi ni Cristina na nakapameywang pa.

"Yeah right. Halika na nga, kinikilabutan na ako dito eh. Tara na." Sabi naman ni Kristine sakin with matching pagpag-pagpag pa ng kamay niya saka na sila umalis.

"Mabuti ngang umalis na kayo bago ko makalimutang tao pala kayo. Baka makagat ko kayo eh." Sagot ko naman tapos kunwaring nauulol o nababaliw. Naniwala naman ang mga shunga kaya ayun kumaripas ng takbo.

Pasalamat sila at hindi ako sumbungerang bata kung hindi isusumbong ko sila sa mommy ko pero syempre hindi ako ganun kasamang tao. Alam ko na kapag ginawa ko yun ay mapapatalsik sil dito sa school na ito. Cause my family own this University at ang mommy ko ang nagha-handle ng school na ito.

Tumayo na lang ako at binitbit ang aking bag-pack at ang siyam na librong hiniram ko sa library. Tinapos ko na kasi dito sa Cafeteria ang mga assignments ko since bukas eh no classes cause its weekend.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now