Chp. 11 "The New Student Council President is an Anti-Fan?"

110 4 0
                                    

~

Aryl's POV.

"Oy Libby? Okay ka lang ba? Ang aga-aga pa para sumimangot ka ah? May problema ba?" Tanong ko. Umiling siya sakin but still hindi pa din nagbabago ang expression ng mukha niya.

Kanina kasing umaga pagpasok ko nakasalubong ko na agad si Libby sa labas ng gate ng school na nakasimangot. Kung hindi ko nga siya tinwag eh malamang hindi niya ako napansin na nandun na.

Pumunta muna kami ng Cafeteria since may 30 minutes pa kami bago magsimula ang klase namin. Umupo na kami sa may vacant seat.

"Libby, ano na? Bakit di ka nagsasalita?" Pangungulit ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin tapos mayamaya biglang namula yung mga mata niya at bago pa ako magtanong ulit eh may tumulo ng luha sa mga mata niya. Nagulat ako.

"Libby? Tell me, what happened?" Then, hinawakan ko yung kamay niya. She sniffs then she tried to smile.

"Ah, Aryl? Ahm. Kasi kahapon alam mo ba na si Earl.."

"Si Earl? Tsk. Sabi na eh, siya lang naman ang iniiyakan mo eh. Bakit Libby? Anong ginawa sayo ng lalaking yun?"

She smiled at me at saka siya umiling. "No, wala siyang ginawa sakin. Kasi Aryl, si Nicole siya pala yung childhood bestfriend ni Earl." Natigilan ako sa narinig ko. Alam na pala ni Libby ang lahat pero paano niya nalaman?

"Ah Libby, paano mo nalaman?" Tanong ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na umaktong kunwari'y walang alam. Alam ko kasi na masasaktan lang siya lalo kapag nalaman noya na alam ko na pero hindi ko pa sinabi sa kanya.

"Kahapon ang start ng pasok ni Nicole diba? At alam.mo naman siguro na kaklase ko si Earl at nagkataon na naging kaklase ko din si Nicole. At yun na nga, kahapon nagkatagpo sila sa classroom at.. umalis si Earl. Sinundan naman siya ni Nicole." Malungkot na sagot niya sakin.

Napayuko na lang din ako. Mukhang masakit sa loob noya na malaman na meron ng minamahal si Earl. Hayss, ano naman kaya ang pwede kong gawin para lang matulungan siya? Its my part now to comfort her cause I'm her best friend.

Mayamaya pa ay pinunasan niya ang mga luha niya at naglabas ng face powder.

"Oh para saan yan?"

Tumawa siya sakin. "Malamang! Ilalagay ko sa mukha ko. Para naman pagpasok ko eh hindi halatang umiyak ako. Mahirap na, baka mapansin ni Nicole. Nga pala Aryl, wag mo namang sasabihin kay Nicole na mahal ko si Earl. Mas okay na kasi akong ganito. Yung kaibigan ko si Nicole at hanggang one-sided love na lang ako kay Earl." Pilit ngiting pakiusap noya sakin. Napabuntong hininga naman ako.

"Okay sige. Pinapangako ko hindi ko sasabihin kay Nicole. Basta, ayos ka lang ah? Kapag ka nalulungkot ka wag mong kalimutang nandito lang ako. Pwede mo akong kausapin anytime and anywhere." Cheerful na sagot ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Salamat Aryl ah. Mabuti at nandyan ka palagi sa tabi ko." Ngumiti lang ako sa kanya.

Mayamaya pa ay napagdesisyunan na namin ni Libby ang pumunta na sa mga klase namin. Habang naglalakad kami sa hallway ay may napansin akong may naka-post sa bulletin board. Nakakaagaw ng pansin yung naka-post kasi ang laki niya na para soyang pang kalahating billboard na. Tapos makulay pa. Lumapit kami ni Libby sa bulletin board.

"Para kaya saan yan?" Tanong ni Libby.

"Hayaan niyong ipaliwanag ko sa inyo ang bagay na yan." Nagulat kaming dalawa ni Libby ng may biglang isang babae ang lumitaw sa likod namin at nagsalita.

"At sino ka naman?" Tanong ni Libby doon sa babaeng may bangs at mahaba at straight ang buhok niya. At halatang isa siya sa students ng Music Arts Department dahil sa uniform niya.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now