Chp. 6 "The Payment."

138 5 0
                                    

No Author's Note.

~

Aryl's POV.

"Oy Aryl? Hello? Nakikinig ka pa ba?" Napalingon agad ako kay Dina.

"Ah ha? Ano ulit yun?" Napakamot siya sa gilid ng pisngi niya sign na naiirita siya.

"Aryl naman. Mahalaga kaya itong sinasabi ko sayo. Para ito sa next report project natin. Napapano ka ba diyan at para kang lutang?" Napakamot ako sa batok ko.

Bakit nga ba parang wala ako sa sarili ko ngayon? Tsk!

"Ah pasensya ka na Dina may iniisip lang ako. Ahm, ako ng bahala sa research paper ibibigay ko na lang sayo by monday." Ang sinabi ko na lang para hindi na siya mainis.

"Okay sige. Here's are the needed questions. Ikaw na ang bahala diyan okay? Uuwi na ako. May pratice pa ako ng cheer squad bukas. Kung ako sayo Aryl, mag-focus ka na muna diyan sa report natin. Saka mo na isipin si Love Life. Okay? Bye!" At umalis na siya.

"Oh! Hoy! Mali ka ng iniisip no! Tss!" Napaub-ob na lang ako sa desk at inisip ang lahat nga mga nangyari kahapon kasama na din yung hiling ni Vince.

Sa dami naman kasi ng hihilingin niya eh yun pa? Ay grabe! Di ko na alam kung dapat ba akong pumayag or what!?

"Give me a sign please..."

"Hoy Aryl!"

"Ay kambing! Tsk! Ano ka ba naman Libby? Kailangan ba talaga na gulatin mo ako? Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko." Reklamo ko. Paano ba naman kasi bigla bigla na lang susulpot sa likuran ko. Tss.

"Eh bakit kasi nandito ka pa? Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya. Umupo siya sa kaharap na upuan at saka kinuting-ting ang mga nakakalat na libro.

"Meron akong importante aasikasuhin ngayon para sa report project namin. Hayss, sakit nga sa ulo eh."

"Uhmm.. Mukhang madali lang naman to ah." Tss. Siya ng matalino.

"Madali pala eh, edi ikaw na ang gumawa."

"Well, hindi ako naparito para tulungan ka no!"

"Ah alam ko na yan, dadagdagan mo problema ko?"

"Aray naman!? Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin?" With matching tampo effect pa. Asus, nagpa-cute pa eh mas cute naman ako.

"Hindi. Minsan oo. Katulad ngayon." Seryosong sabi ko. Bigla niya akong binatukan.

"Hay grabe sayang pala effort ko na hanapin ka dahil may sasabihin ako sayo importante." Tapos aakma siyang tatayo.

"Oy ano ka ba!? Joke lang naman yun eh, ito naman tampo agad. Sige na, ano ba yung sasabihin mo? Tungkol ba saan?" Pagkasabi ko nun ay inabutan niya ako ng isang folder.

"Ano to?" Tanong ko.

"Folder?"

"Sabi ko nga. Tss." Edi ako na ang nabara. Tama nga naman. Folder nga naman bakit ko pa tinanong?. Tsk.

Binuksan ko yung folder at binasa. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko kung anong nilalaman nun.

"A Contract? Papayag kang magpakakatulong sa lalaking yun? Gaga ka bakit mo tinanggap!?"

"Ano ka ba naman Aryl, dapat kong tanggapin yan kasi nga diba ako naman tong may kasalanan sa kanya?"

"It's unfair! Ikaw na nga yung nasira ang image sa school na to tapos maninilbihan ka sa kanya!? Hindi ito makatao Libby. Ibalik mo sa kanya yan!."

"No! Paano ko makukuha ang kapatawaran niya kung hindi ko ito gagawin? Saka isa pa, gu-gusto ko din patunayan sa kanya na mali ang pagkakakilala niya sakin. Hindi ako kagaya ng sinasabi ng iba diyan. Gusto kong ipakita sa kanya ang tunay na ako."

I Honestly Hate You Onde histórias criam vida. Descubra agora