Chp. 8 "She Rejected Him."

98 5 1
                                    

Comment lang po.

and Vote.

Salamat po.

~

Vince' POV.

Nandito ako ngayon sa Condo Unit ng 'The Chasers'. At syempre kasama ko ang mga ka-grupo ko. Medyo okay na naman ako pero di nga lang ako makalakad ng mabilis o makatakbo. Medyo kumikirot pa kasi siya at masakit pa.

"Anong nangyari sa inyo kahapon?" Tanong agad sakin ni Brent. Kasalukuyan namang naglalaro ng Playstation sina Clint at Aljon.

"Well, nagtanong siya kung ano ba daw ang dahilan ko kung bakit ko siya niyaya na makipag-date sakin." Sagot ko saka ko ininom yung Coke ko.

"Talaga? Ano namang sinagot mo?" Tanong ni Xander.

"Uhm. Pinaalala ko sa kanya yung dati. Yung childhood classmate pa kami."

"Naalala ba niya?" Tanong naman ni Earl.

"Yung nga eh, hindi niya naalala." Tapos nalungkot na naman ako ng maalala ko kahapon na umalis siya pagkatapos ng pag-uusap namin.

"Eh, Vince suggestion ko lang ah. Bakit hindi mo siya ligawan? Yung 1 week na hiniling mo sa kanya yun na ang pagkakataon. Baka sakaling maalala niya ang lahat." Suggestion naman ni Xander.

Napakamot ako sa batok ko. Tsk. "Xander, na-nahihiya kasi ako saka, natatakot din na baka maulit yung dati." At nagkatinginan sila sabay tingin ulit sakin.

"Bakit ano bang nangyari dati?" Tanong ni Brent.

"Kasi.. ganito yun."

Flashback

"Ahm. Aryl, aalis na nga pala ako pupunta na kami ng states." Paalam ko sa kanya. Nakita ko na tipid lang yung ngiti niya pero tinapik niya ako sa balikat sign ng 'goodluck'.

"Mag-iingat ka dun ah. Kapag may umaway sayo dun sumbong mo sakin. Papatikimin natin yun ng kamao ko pag-inaway ka niya." Tapos nagkatawanan kami.

"Hehe. Salamat Aryl ah, uhm.. may-may gusto sana akong sabihin sayo Aryl eh. Matagal ko na itong gustong sabihin sayo eh. Ngayon ko na lang sasabihin dahil ngayon na siguro ang tamang oras para sabihin ko ito sayo." Kabadong sabi ko. Kailangan ko ng umamin sa kanya.

"Uhm, ano yun? Sabihin mo na."

"Ah Aryl, kasi ano.. matagal na kitang gusto." Napayuko ako. Nahihiya ako, parang ayokong marinig ang sasabihin niya kinakabahan ako eh.

"Ah ganun ba? Alis na ako ah. Ingat ka na lang sa biyahe mo."Then umalis nga siya. Naiwan ako dun na malungkot. She rejected me right?

Kahit nung nasa Airport na ako ay no sign of her. Ang lungkot lang.

End of Flashback.

"Pfft-Hahahahahaha." Tawa nilang tatlo yan. Hayss, dapat talaga di ko na lang sinabi eh, tama ba namang tawanan pa ako?

"Tss. Its not funny." Reklamo ko.

Maluluha namang nagpunas pa ng luha niya kunwari si Brent bago ako harapin. "Dude, grabe ang saklap nun sa part mo. Basted ka na pala eh! Hahaha!" Ang saya niya ah?

"Yeah. Whatever!" Tsk. Kainis naman sila eh, parang hindi tropa.

"Ehem, ah Vince siguro naman kasama na yung alaala na yun na nakalimutan ni Aryl kaya sige na. Wag kang matakot iba naman yung noon sa ngayon eh." Ang sabi naman ni Xander.

"Pero paano ko naman sisimulan?"

"Ahm, sige tutulungan ka namin." Sagot ni Earl. Hayss, mabuti na lang at may mga katropa ako na maaasahan sa kahit anong oras.

"Salamat guys."

~

Earl's POV.

Natapos din ang ilang oras na tambayan namin sa Condo Unit ay naisipan na namin na umuwi na. Hinatid namin si Vince since injured pa siya saka na kami nagsiuwian sa mga bahay namin.

Ibinagsak ko kaagad sa kama ang katawan ko. Buti na lang at linggo ngayon kaya free day namin. Na cancel din ang ibang activities ng 'The Chasers' dahil sa nangyari kay Vince.

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Bakit ba kahit anong gawin ko hindi siya mawala sa isip ko? Matagal na panahon na nung mangyari yun. But still why? Bakit siya pa din ang mahal ko?

Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko ng isipin pa.

Pero kahit ano namang gawin ko ay siya pa din. Siya pa din ang mahal ko. We made a promised before pero naaalala pa kaya niya na nangako kami dati sa isa't-isa?

Ashley....

Pinikit ko ang mga mata ko at sandali pa'y nakatulog na ako.

~

Aryl's POV.

"Insan!" Nagulat ako ng may biglang babaeng sumalubong sakin dito sa company ng daddy ko. Well, nandito ako kasi po ako po ang tagapag-mana ng amain ko kahit pa na babae ako. Buti nga at hindi naisipan ng tatay ko na i-engaged ako sa mga strangers na anak ng ka-partnership niya sa business. Eew, ayoko nga.

Napalingon ako sa tumawag sakin. At kailan pa siya nakauwi? "Nicole?" Then, tumakbo siya sakin at niyakap ako.

"Yes its me! Kamusta ka na Aryl?" Goodness i can't believe this! Yung pinsan ko ay umuwi din sa wakas.

"Oy, mabuti naman at naisipan mo din na dumalaw dito sa pinas. Nga pala, kamusta sa England? Naku! Kwentuhan mo ako ang tagal mo ding nawala ah."

"Haha, umuwi na ako kasi you know im already 18 years old at inutusan akong umuwi ng daddy ko dito."

"So you mean? Magpapakasal ka nga?"

"Ayoko nga eh, kaso may magagawa ba ako? Sabi ko na nga lang sa daddy ko na pagbigyan niya ako na mag-aral ng college dito bago niya ako ipakasal. Sana nga pumayag si daddy."

Kawawa naman 'tong pinsan ko pero kasi naman eh, si tito kasi gusto niya lalaki ang magpapalakad ng kompanya nila kaya naman ipapakasal niya itong si Nicole sa anak ng ka-business partner ni tito.

"Wag kang mag-alala Nicole, tutulungan kita na makumbinsi si tito na pagbigyan niya ang hiling mo."

"Salamat Aryl."

Then, nagkwentuhan kami hanggang sa niyaya ko na siya na doon muna sa amin matulog since ang tagal din namin na hindi nagkasama. Pumayag naman siya since, wala daw si tita sa mansyon nila.

Nakatulog din kami after ng ilang oras na kwentuhan.

Isasama ko siya bukas at ipapakilala ko siya kay Libby.

Sana, magiging okay lang ang lahat bukas. Sana.

~

Sensya na po sa chapter today.

Kinda bangag eh.

Si ate Eminz kasi nakahithit ng ragbi kagabi kaya ayan medyo windang pa siya. Haha joke!

btw. Sana magustuhan niyo! salamat!

#LadyEmina :)

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now