Chp. 22 "The Truth."

70 2 0
                                    

~

Aryl's POV.

Since ayaw pang umuwi ni Libby sa bahay na tinutuluyan niya ngayon, obviously Earl's house niyaya ko  muna siyang dalawin si Nicole. Agad naman siyang pumayag at alalang-alala pa siya na puntahan agad si Nicole. Di na ako magtataka dahil kaibigan na ang turing niya sa pinsan ko simula palang ng makilala niya ito. Hayss. Masyado talagang mabait ang best friend ko. Alam ko naman na deep inside masakit sa kanya na makita si Nicole, ang babaeng mahal ng lalakeng mahal na mahal niya.

So we decided to use my car at pumunta na kami ng Ospital kung saan ay naka-confined si Nicole. Agad kaming pumunta sa kwarto ni Nicole. Napa-stop ako sa paglakad dahil napansin ko na tumigil sa paghakbang si Libby. Napansin ko siya na nakatitig lang sa harap ng pintuan habang mahigpit na nakahawak sa hawakan ng bagpack niya. Kaya naman tinapik ko na ang balikat niya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko. Pilit lang yung ngiti niya saka bumuntong-hininga.

"Hindi naman, baka lang kasi.. kasi.. Na-nasa loob si Earl." Sagot niya sakin saka siya yumuko. Lumapit na ako sa side niya at inakbayan siya.

"Don't worry. Ipapaalam ko kay Earl na kilala ka ni Nicole. Kaibigan ka ni Nicole, so there's no reason para kabahan ka at isipin pa ang sasabihin niya o ang ire-react niya."

"Hi-hindi lang naman kasi yun ang dahilan Aryl eh. Ano kasi..." Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya naman humarap na ako sa kanya.

"Hindi yan makakatulong sayo Libby. Kung lagi kang magkakaganyan mas lalong mahahalata ng dalawa yang nararamdaman mo. Tandaan mo, hindi alam ni Nicole ang pagka-gusto mo kay Earl." Nakita ko na biglang nag-iba yung expression ng mukha niya. Napakamot siya sa ulo niya saka hinawakan ang doorknob ng pinto.

"Kaya ko 'to. Pangako kakayanin ko." Huling sabi niya saka niya binuksan ang pinto. Sumunod naman ako sa kanya at nakita ko na kumakain si Nicole at mag-isa lang siya. Napatingin siya samin ni Libby at ngumiti.

"Libby, your here." Bati sa kanya ni Nicole. Lumapit naman si Libby sa side bed at umupo sa upuan saka hinawakan ang kamay ni Nicole.

"Nabalitaan ko yung nangyari kaya ko nandito ngayon. Kamusta ka na? Okay ka na ba? Di na ba malala ang lagay mo?" Tanong naman ni Libby. Umupo naman ako sa may sofa at kumuha ng magazine at nagbasa pero pinapakinggan ko pa din ang pinag-uusapan nila.

"Yeah im fine. I guess? Sabi kasi ng doctor over fatigue lang daw ako kaya kailangan ko lang ng rest kahit atleast 1 month lang."

"Ha? Teka, bakit ka naman kasi hindi nagpapahinga? May work ka ba para ma-over fatigue?" Tanong naman ni Libby na naging dahilan para mapatingin ako sa kanila.

"You don't know Libby? Nicole is an International Model." Sagot ko. Mukha sigurong di niya talaga alam kasi naman eh, puro 'TheChasers' lang ang inanatupag di man lang nakiki-chismis sa ibang celebrity. Napailing-iling na lang ako.

"Ay teka? International Model ka pala bakit di mo sinabi sakin Nicole?" Parang-batang may patampo-effect na sabi ni Libby. Nicole just give her a chuckled.

I Honestly Hate You Where stories live. Discover now